SAMANTHA POV
Naiinis akong pumasok sa office ko at padabog na umupo sa swivel chair ko tangina! Ginagawa akong katulong tsk kung hindi ko lang de ya boss nasapak ko na sya.
Alam kong galit sya sakin kaya araw araw nya akong bwinibwisit pero nakakainis na! Engineer ako dito pero kung ituring nya parang alalay lang tss.
Naiintindihan ko ang galit na nararamdaman nya sa akin pero pag nalaman nya kaya ang totoo kong dahilan magagalit parin kaya sya?..
Napangiti ako ng mapait at napatingin sa picture frame na nasa table ko, it's my baby Andy. Pag tinititigan mo sya ay mahahalata mo na magkamukhang magkamukha sila ng daddy nya kaya pinahaba ko ang buhok nya hanggang balikat para hindi masyadong halata.
Napatingin ako sa phone ko na nasa table ng magring iyon at magflash ang pangalan ni Cross. Yeah we're still together but we're not in a relationship we're just friends but she's courting me for a years now.
"Hello?"
"Napatawag ka?"
"Dadaan ako dyan para ihatid sayo ang lunch mo" Napangiti ako dahil napaka maalaga nya kahit sinasabi ko sa kanyang hanggang kaibigan lang ang kaya kong isukli sa kanya.
"Sige kamusta yung baby ko?" Nakangiting tanong ko.
"Nasa school pa sya mamaya pang hapon ang labas nila, latee nalang I'm driving. Bye" He said before ending the call.
Maraming nakuhang features si Andy sa daddy nya at halos pati ugali yata, cold yet sweet and mature but he's childish sometimes because he is still a kid.
Napabuntong hininga ako ng may narinig akong kumatok sa office ko.
"Come in"
"Hey" Napasimangot ako ng pumasok si Grey sa office ko tss ano nanaman ba ang kailangan nya.
"What?!" I hissed that made him chuckle tsk.
"I'm here to give your lunch, it's past 12 yet you're not eating" Inilapag nya sa lamesa ang paper bag na dala nya at inilabas ang mga pagkain, para akong naglaway ng maamoy ko ang fried chicken at spaghetti ng jollibee fuck I'm craving for it.
"Eat up" Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso lang syang nakatingin sa akin.
"Pupunta dito si Cross para dalhan ako ng pagkain kaya kainin mo na yan" Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako ng makita kong may dumaan na sakit sa mata nya pero nawala agad yun at napalitan ng mas seryosong tingin.
"I don't want to repeat myself Samantha, Eat that" He said emotionless.
"But---" Natigil ang pag sasalita ko ng buksan nya ang spaghetti at sumandok sya bago itapat sa bibig ko.
"Eat" Napabuntong hininga ako at Napipilitang kuhain ang tinidor at nagsimulang kumain.
Hanggang matapos ako ay nakatingin sya sa akin kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang dahil malakas na kumakabog ang dibbib ko at natatakot ako dahil baka marinig nya 'yon.
Nakita kong napatingin sya sa picture frame na nasa table ko ng matapos akong kumain at magligpit ng pinagkainan ko.
"How old is he?" Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil baka mahalata nya ang pagkakahawig nila ng anak ko.
"S-seven" Nauutal kong sabi.
"Your son with Cross i think?" Walang emosyong tanong nya. 'it's your son Greyson' gustuhin ko mang sabihin sa kanya pero hindi pwede.
Hindi ako sumagot at nagpanggap na nililinis ko ang table ko kahit hindi naman iyon madumi.
"I gotta go" Walang emosyong paalam nya bago lumabas ng opisina ko kaya nakahinga ako ng maluwag, hindi ako sanay na ganun ang pakikitungo nya sa akin pero wala akong magagawa dahil iniwan ko sya..
7 years ago...
Nakangiti akong naglalakad papunta sa condo ni Grey at nakangiti ko ring binuksan ang pinto at ngunit nawala ang ngiti ko ng makita ko ang mommy ni Grey na nakaupo sa couch at masamang nakatingin sa akin at may kasama syang dalawang lalaki.
"Leave my son" Malamig na sabi nya per mabilis lang akong umiling.
"I won't leave your son" Nakita ko kung paanong mas sumama ang tingin nya sa akin at may kinuha syang papel sa bag nya at iniabot sa akin.
"It's 5 million, leave my son now" Nasaktan ako sa sinabi ng mommy ni Grey, alam kong hindi kami ganun kayanan pero hindi ako mukhang pera.
"I can't accept that ma'am please let us just be happy" Nakaramdam ako ng init sa mommy ni Grey bakit sya ganyan?
"Kulang pa?! I'll give you 10 million just leave my son!" Tumaas ang boses nya pero hindi ako nakaramdam ng takot, i need to fight for our relationship.
"I'm sorry ma'am but I won't leave your son" Kahit naiinis ako sa kanya ay nirerespeto ko parin sya.
"You're leaving me no choice then" Nagtaka ako ng ngumisi sya at kinuha ang phone nya.
"Tanggalin mo sa trabaho ang ama nya, iexpell mo sa school ang mga kapatid nya at wag mong hahayaang makapagtrabaho at makapag negosyo ang pamilya nya" Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang sinabi nya at hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ang itinutukoy nya.
"No!" Malakas na sigaw ko pero nginisian nya lang ako.
Nanginginig ang kamay ko at nangangatal ang mga labi ko dahil sa kaba paano pag nawalan ng trabaho si papa at di nakapag aral ang mga kapatid ko? Magugutom sila and I can't let that happen!
"Don't let someone help them, let them strive to death" She said and ended the call.
"Please ma'am wag yung pamilya ko" Naluluha kong sabi.
"Leave my son then I won't do that" Nakangisi paring sabi nya kaya napapikit ako ng mariin at tuluyan ng tumulo ang luha ko.
"A-alright" I'm so sorry Grey but I need to choose my family first..
"Good, pack your things now" Naluluha akong pumasok sa kwarto ni Grey at nagsimulang mag impake ng gamit ko.
Nang matapos akong mag impake ng gamit ko ay lumuluha akong lumabas at napatingin sa mommy ni Grey na may hawak na papel at ballpen.
"Write a letter saying that you will come with another guy!" Mabilis akong umiling dahil hindi ko gustong isipin sa akin ni Grey iyon ayokong masaktan sya..
"Tama na po please? Ayokong saktan ang anak nyo" Lumuluha kong pakiusap.
"Choose! You'll write or I'll ruin your life!" Hinawakan ako ng dalawang lalaking kasama ng mommy ni Grey sa magkabilang kamay at pwersahang inilapit sa lamesa.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa lahat ng gusto nya I love Grey so much but I don't want to let my family striving.
Nang matapos akong mag sulat ay kinuha ko ang gamit ko at tumingin sa mommy ni Grey sa huling pagkakataon.
"Don't show yourself again to him, i know he will find you but don't ever say him all of this"
"You'll regret all of this soon" Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palabas ng condo ni Grey.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVE
RomanceAng sabi nga nila ay Expect what's Unexpected, Nakilala ko sya sa lugar kung san ang tao ay umaarte lamang, lugar kung san madaming manloloko, Lugar kung saan ko matatagpuan ang magpapabago sa buhay ko, May mga bagay kasi tayong gustong mangyare sa...