GREY'S POV
Kinakausap parin nila si Hydra ng maisipan kong iopen ang RP account ko. Nakita kong madaming nagchat na babae pero hindi ko na yun binuksan dahil sigurado akong mangangamusta lang sila.
Nag sscroll ako sa timeline ko ng may mag add sa akin, hindi naman na bago kung may mag aadd sa akin dahil araw araw yatang nadadagdagan ang friend request ko, inaccept ko sya at nagtaka ako kasi pagka accept na pagka accept ko ay nag message kaagad sya sa akin kaya agad kong sineen ang message nya.
"Sapphire Stanford"
Her: Hi! *umupo sa lap mo*
Nagtaka ako sa chat nya kasi sya palang ang kauna unahang nakausap ko na babae na nag aact, kaya agad akong nagtype para replyan sya.
Me: Hello
Wala ako sa mood ngayon kaya bahala sya dyan.
Her: Let's be friends *Whisper to your ear*
Maganda sana sya kausap dahil sya lang ang bukod tanging nag aact na nakausap ko pero wala talaga ako sa mood ngayon.
Me: Okay
Her: *kiss your ear* Let's be friends with benefits smirk
Nagulat naman ako sa reply nya, hmm mukhang lalandiin ako nito ah, pero dahil wala ako sa mood di ko sya papatulan, nagtype ulit ako para magreply and this time mag aact na ako.
Me: /smile; okay
Nakita kong sineen nya agad ang message ko, hinintay ko pa syang magreply pero ng makalipas ang ilang minuto ay pinabayaan ko nalang, wala din naman ako sa mood ngayon na makipag landian sa kanya.
"Grey! Kausapin mo naman si Hydra! Kanina ka pa tahimik dyan" Sigaw sa akin ni Blake kaya agad akong napatingin sa kanya at pinatay na ang data ng phone ko.
"Wala naman akong sasabihin" Bored kong sabi at nakita ko pa ang pagkunot ng mga noo nila.
" Hindi mo man lang sya kakamustahin?" Bryce said at ibinalik na ang mata nya sa cellphone ni Blake at nakita ko namang nandoon si Hydra sa screen, kavideo call na pala nila sya ngayon, tinapat nila sa akin ang screen at nakita ko ang paghalakhak ni Hydra.
"Ayan na ang pinakapanget nating kaibigan Hydra" Natatawang sabi ni Ash kaya agad ko syang sinamaan ng tingin.
"Hindi ka parin nagbabago Grey!" Matatawang komento ni Hydra kaya agad akong napangiti at napatingin sa screen ng cellphone ni Blake.
"Gwapo parin no?" Nakangising sabi ko sa kanya. Nakita kong sumimangot sya na ikinatawa ko.
"Panget ka parin" Nakangiti nang saad nya na ikinatawa ko pa ng malakas.
"Kailan ka ba uuwi dito? We miss you" Nakangiti ko sabi kay hydra.
"I'm not yet sure baka matagalan pa" Nakasimangot na sabi nya. Natigil ang pag uusap namin ng inagaw na ni Blake ang cellphone nya at tinapat sa kanya ang camera.
"Ako naman kanina pa kayo eh!" Nakangusong sabi ni Blake kaya tinignan ko lang sya ng masama tss kadiri sya.
Nanahimik na ulit ako sa isang tabi dahil ayaw naman nilang ipakausap sa akin si Hydra tss.
"So sige bye na may gagawin pa ako" Narinig kong sabi ni Hydra.
"Bye na Hydra!" Sigaw ni Gavin. Tsk nakakarindi ang boses nya.
"Bye eomeoniii!" Mahabang sabi ni Blake kaya mas lalong nasira ang araw ko sa boses nya. Tangina parang di lalaki kung umasta sarap bangasan eh.
Narinig kong pinatay na nila ang tawag kaya tumingin na ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVE
Roman d'amourAng sabi nga nila ay Expect what's Unexpected, Nakilala ko sya sa lugar kung san ang tao ay umaarte lamang, lugar kung san madaming manloloko, Lugar kung saan ko matatagpuan ang magpapabago sa buhay ko, May mga bagay kasi tayong gustong mangyare sa...