GREY'S POV
Hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko at dinamayan nila ako hanggang sa makatulog ako.
Nang magising ako kinaumagahan ay nakita kong nakabenda na ang kamay ko at pagpunta ko sa kusina ay nakita kong nandun ang mga kaibigan ko.
Si Ash at Ace ay nagluluto habang ang iba naman ay nanonood lang sa ginagawa nila, nakita kong malinis na ang buo kong condo at wala ng bakas ng mga bote ng beer na nagkalat sa lapag.
"Morning dude" Bati ni Bryce ng makita nya ako pero tinanguan ko lang sya at umupo sa upuan.
"What happened?" I ask while holding my head fuck! It's fucking hurt.
"Nagwala ka kagabi kung makita mo lang kung gaano ka kapangit umiyak matatawa ka din" Tumatawang sabi ni Calev kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Oo nga ang pangit mo" Pang aasar din ni Gavin dahilan para tumawa ang mga kaibigan ko tss.
"Saan kayo natulog?" Pag iiba ko ng usapan.
"Sa sahig tsk ayoko ng katabi si Blake napakabakla nangyayakap!" Nandidiring sabi ni Ash kaya napailing nalang ako.
"How about Hydra?" Tanong ko ng mapansin na wala si Hydra dito.
"Sa sofa namin pinatulog umalis lang ng maaga kasi may pupuntahan pa daw" Napatango ako at hindi na nagsalita.
****
Linggo linggo akong dinadalaw ng mga kaibigan ko dahil pumapasok sila pag week days sila ang naging karamay ko at kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Nagsimula na ulit akong mag aral at dahil Simula ng mawala si Samantha ay napabayaan ko ang pag aaral ko kaya maraming special project na pinapagawa sa akin para maipasa ko ang first sem mabuti ay pinagbigyan ako ng mga prof.
Araw araw pumupunta si Audrey sa condo ko pero hindi ko sya kinakausap at pinapansin. Araw araw pa rin akong umiiyak pero hindi na Katulad nung dati dahil nandyan ang mga kaibigan ko para pagaanin ang pakiramdam ko.
Malapit na magtapos ang klase kaya isinubsob ko sa pag aaral ang sarili ko, si Audrey nanaman ay sobrang pinag iingat dahil malapit na ang kabuwanan nya.
Halos di na ako kumakain dahil nawawalan ako lagi ng oras at nawawalan ako ng gana dahil naaalala ko lang si Sam.
Bumuntong hininga ako at umupo sa couch bago ilapag ang bag ko sa table.
"Grey nandito ka na pala" Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Audrey tss nandito nanaman sya.
Hindi ko sya tinapunan ng tingin at naramdaman ko ang pag upo nya sa tabi ko, napadaing sya kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong hawak hawak nya ang tyan nya.
"Sumisipa si baby!" Bakas sa mukha nya ang tuwa kaya napatitig ako sa maumbok nyang tyan.
"Touch it" Hinawakan ko ang tyan nya at awtomatiko akong napangiti ng maramdaman ko ang pagsipa ng baby. Sumisipa din kaya ang baby ni Sam sa tyan nya?
Ipinilig ko ang ulo ko bago lumayo kay Audrey at tumayo papasok ng kwarto, rinig ko ang pagtawag si Audrey pero hindi ko iyon pinansin at inilock ang kwarto ko para di sya makapasok.
I throw my self on the bed and sigh heavily when I imagine that I am holding Samantha's tummy.
AUDREY'S POV
Napaluha ako ng maglakad papunta si Grey sa kwarto nya, ilang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi nya parin ako masyadong kinakausap at pinapansin hindi nya na nga rin ako sinasamahan magpacheck up sa OB ko kahit ilang beses na syang pinagbantaan ni tita.
Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ang tyan ko. Daddy will love you soon baby don't worry, he loves you so much i know that.
Tumayo na ako at inayos ang sarili ko, kailangan ko ng umuwi dahil gabi na at alam kong magagalit sa akin si Grey pag dito ako natulog, kinuha ko ang pouch na dala ko at lumabas ng condo ni Grey
Hindi ako susuko hanggang sa matanggap nya ako at mahalin alam kong mangyayari iyon balang araw.
Tinawagan ko ang driver ko dahil hindi safe kung magddrive ako at maselan pa ang pagbubuntis ko at kailangan kong mag ingat dahil itong baby nalang sa sinapupunan ko ang pag asa para mapa saakin si Grey.
Hinintay ko ang driver ko sa pinakamalapit na cafe sa condo ni Grey. Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman kong sumipa ang baby ko.
Maya maya lang ay nakita kong nasa labas na yung driver ko kaya tumayo agad ako at lumabas ng cafe at sumakay ng kotse.
"Sa bahay po manong" Tumango si Manong Jun bago nagsimula magdrive.
****
"Manang Joy please hurry!" I shouted at the maid because they're so slow!
Nagpapaluto ako sa kanila ng beef steak na paborito ni Grey at ang babagal nilang kumilos mag l-lunch na God!
Nagmartsa ako paakyat ng kwarto ko at muling inayos ang sarili ko sa salamin, napangiti ako at napatingin sa nakaumbok kong tyan. I'm so excited to see you baby Allison I know your daddy are excited too.
I giggles when i heard the maid saying that Greyson's food is already prepared. Lumabas ako ng kwarto at nagmamadaling bumaba sa hagdan I'm so excited to see Greyson!
Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang natapakan ko at nanlaki ang mata ko ng maramdaman kong nadulas ako at nagpagulong gulong pababa ng hagdan.
Naramdaman ko ang pagsakit ng buong katawan ko at ang pagdaloy ng dugo sa hita ko kaya nanginginig kong hinawakan iyon habang umiiyak dahil sa sakit ng nararamdaman at mas nangingibabaw ang sakit ng tyan ko
"Ma'am Audrey!!" Yun ang huling narinig ko bago tuluyang mandilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVE
RomansaAng sabi nga nila ay Expect what's Unexpected, Nakilala ko sya sa lugar kung san ang tao ay umaarte lamang, lugar kung san madaming manloloko, Lugar kung saan ko matatagpuan ang magpapabago sa buhay ko, May mga bagay kasi tayong gustong mangyare sa...