GREY'S POV
8 am na ako nagising dahil medyo napasarap ang tulog ko, wala na si Sapphire dito dahil pinalipat ko na sya doon sa kabilang kwarto kagabi dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko at maangkin ko sya.
Bumangon ako at bumaba nang mapansin kong maingay sa baba, nakita ko ang mga kapatid nya na nasa living room at nanonood kaya nginitian ko sila ng tumingin sila sa akin.
"Good morning" Sam greeted, nasa kitchen sya at nagluluto ng break fast namin kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya sa likod.
"Ang aga aga Grey ah" Sabi nya habang hinahalo ang fried rice na niluluto nya.
"What?" Natatawa kong sabi.
"Yung ano mo tumatama sa pwet mo" Bulgar na sagot nya nakapagpatawa sakin ng malakas bago bumitaw ng yakap sa kanya. She rolled her eyes on me and trasfer the fried rice on plate.
"Jr!, Ella kumain na kayo dito" Sigaw nya habang inaayos ang lamesa kaya napatitig ako sa kanya, hmm girlfriend material.
"How lalaki kumain ka na rin dito" Masungit na sabi nya kaya umupo agad ako sa tabi nya at niyakap ang bewang nya.
"Ang sungit ng Sammy ko" Malambing na sabi ko.
"Sinong Sammy kabit mo?" Masungit nya paring sabi kaya napailing nalang ako.
"Ako lang ang tatawag sayo nun hmm? Don't let others call you that okay?" I said with a sweet tone.
"Oo na kumain ka na" Sabi nya at nilagyan ang plato ko ng fried rice, hotdog and egg kaya nagsimula na akong kumain, kumain na rin sya at ang mga kapatid nya.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso agad ako sa cr para maligo dahil kailangan ko ng umalis at may pasok pa ako, mabuti nalang ay 1 pm ang pasok ko ngayon sana lang ay hindi traffic, pagtapos kong maligo ay doon ako sa kwarto ni Sam nagbihis ng uniform ko at nandoon din sya pero busy sya sa pagtutupi ng mga damit nya
Lumapit sya sa akin at inaayos ang necktie ko kaya napatitig ako ulit sa kanya, i hold her cheeks and kiss her lips dahil natetempt nanaman ako sa labi nya, i peck on her lips again and again and again and let go of her cheeks after.
And before i forgot i get the black box to my bag and gave it to her.
"Ano to?" Sabi nya at binuksan ang box nakita ko naman na nagustuhan nya ang necklace na binili ko kaya ako na ang nagsuot nun sa kanya.
"Ang ganda" Sabi nya at hinalikan ako sa labi na ikinangiti ko.
"I love you" I whisper on her ears.
"I love you too" She said while smiling.
Matapos akong mag ayos ay nagpaalam na ako sa mga kapatid nya bago lumabas at pinatulog ang sasakyan ko. I peck on her lips for the last time and get inside my car, nakita kong naluluha syang kumaway kaya kahit alam kong di nya makikita dahil tinted ang kotse ko ay kumaway din ako.
Nagsimula na akong magdrive pabalik sa laguna at tinawagan ko sya habang nagddrive ako dahil namimiss ko agad sya.
"Take care hmm? I love you" Yun ang huling sinabi nya dahil pinatay ko na ang tawag.
****
Days had passed again at mas lalo akong nabusy, ganun din sya, pinagpapatuloy ko parin ang pagttrabaho para makaipon ako.
Mabuti nalang ay hindi pa kami nagppractice dahil wala pa namang event na magaganap kaya nagfocus muna ako sa pag aaral ko at pagttrabaho.
"Class we have a transferee, introduce yourself Ms." Sabi ng prof namin at nakita ko namang pumasok ang familiar na babae at tumayo sa gitna para magpakilala.
"Hi I'm Audrey Leigh Dela Sierra 18 years old just call me Audrey" She said and smile. Remember her? The girl who I always bump? What a small world.
Umupo sya sa tabi ko at nakita kong ngumiti sya sa akin siguro ay naaalala nya ako kaya nginitian ko din sya.
****
Simula nang magtransfer si Audrey ay sya na palagi kong nakakasama dahil halos parehas kami ng sched at magkaklase kami sa lahat ng subject dahil BSBM din ang kinukuha nyang course.
"Grey kain na tayo!" Pagyaya nya sakin na nginitian ko lang at pumayag sa gusto nya.
Naglakad na kami papunta sa cafeteria at ang dami dami nyang kwento nagkunwari nalang akong nakikinig dahil hawak ko ang phone ko at nakikipagtext sa Sammy ko.
"Grey anong gusto mo?" Pagkuha nya ng atensyon ko.
"Strawberry milk and blueberry cheesecake" Maikling sabi ko at binalik ang atensyon sa phone ko.
"Sige ako na ang mag oorder maghanap ka nalang ng upuan" Sabi nya at nag order na.
Si Audrey ang palagi kong kasama dahil panay ang dikit at sunod nya sa akin paminsan ay naiinis nalang ako dahil masyado syang madikit, sinabi ko na rin sa kanya na may girlfriend ako pero mas lalo lang syang dumikit tsk nagseselos na ang Sammy ko dahil sa kakadikit nya.
Araw araw sinusubukan kong umiwas kaso sobrang kulit nya kaya wala na akong nagagawa dahil ayaw kong maging rude sa kanya. Dumating ang araw ng October at mas lalo akong nabusy dahil magkakaroon kami ng intrams kaya nahihirapan nanaman akong bigyan ng oras si Samantha.
Nagsisimula nanaman kasi kaming magpractice ng sasayawin namin at nagulat ako ng sumali din sa dance troupe si Audrey tsk.
Mabuti nga ay hindi nakikisabay ang basketball dahil hindi ko alam kung paano ko hahatiin ang oras ko kung sakali.
"Grey tara na may practice tayo" Pagtawag sa akin ni Audrey nginitian ko lang sya at tinawagan si Samantha para hindi masyadong dumikit si Audrey dahil naiirita na talaga ako sa kanya.
"Kasama mo nanaman si Audrey? Tss" Sabi ni Sam at nahihimigan ko sa boses nya ang selos.
"Kasali kasi sya sa dance troupe love" Mahinahong sabi ko.
"Nagseselos nako! Sya nalang palagi ang kasama mo, dyan na talaga ako mag aaral next year" Kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nakasimangot sya.
"Wait baby magsstart na practice ko, bye i love you " I said before ending the call.
Ilang beses na kaming nag aaway ng dahil kay Audrey minsan ay ayaw ko ng ikwento sa kanya pero ayaw ko namang magsingungaling pag nagtatanong sya sa akin.
Nagpplano syang dito mag aral next school year at sa condo ko sya tutuloy, okay lang naman sakin para makasama ko sya palagi at para hindi ko sya mamiss.
Nang matapos naming magpractice ay pumunta ako sa locker para magpalit ng damit, nagulat naman ako ng sumunod sa akin si Audrey.
"What are you doing here? Hindi dito ang locker mo ah" Tanong ko habang pinupunasan ang pawis ko.
"Ahmm may gagawin ka ba ngayon?" Mahinang tanong nya pero sapat lang para marinig ko.
"Wala" Tipid kong sabi at hinubad ang damit ko para magpalit.
"Aayain sana kita sa birthday ng kapatid ko" Mahina paring sabi nya.
"Magseselos ang girlfriend ko hindi pwede" Cold kong sabi at tumalikod para sana umalis pero hinila nya ang kamay ko.
"Please?" Nagmamakaawang sabi nya.
"No Audrey so please excuse me" Cold ko paring sabi.
Nagulat ako ng hinila nya ang batok ko at hinalikan nya ako sa labi kaya agad ko syang naitulak ng malakas dahilan para mapaupo sya sa sahig at marahas na pinunasan ang labi ko.
"What's wrong with you Audrey?!" I shouted at her but she's just looking at the floor, lumabas ako sa locker room bago ko pa makalimutan na babae sya.
Napahinga ako ng malalim dahil iniisip ko kung paano ko ito sasabihin kay Samantha, ayokong magsingungaling sa kanya kaya kahit alam kong magagalit sya ay may karapatan parin syang malaman yun, hindi ko alam ang gagawin ko tangina.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVE
RomantizmAng sabi nga nila ay Expect what's Unexpected, Nakilala ko sya sa lugar kung san ang tao ay umaarte lamang, lugar kung san madaming manloloko, Lugar kung saan ko matatagpuan ang magpapabago sa buhay ko, May mga bagay kasi tayong gustong mangyare sa...