Unexpected Love#62

37 1 0
                                    

THIRD PERSON POV

palakad lakad si Grey sa waiting area habang hinihintay lumabas ang doctor, nasa condo sya kanina ng tumawag sa kanya ang kanyang ina at sinabing nasa hospital si Audrey dahil nadulas ito sa hagdan.

"Grey calm down!" Pagpapakalma ng ginang sa kanyang anak ngunit Hindi iyon pinansin ni Grey at nagpatuloy parin sa paglakad. I can't lose another important person in my life i know I'm not a good father but I still can't loose my baby. Sabi nya sa kanyang isip

Agad na napalapit si Grey sa doctor ng sa wakas ay lumabas na ito galing sa operating room kung saan naroroon si Audrey, dumagundong ang kaba sa dibdib ni Grey ng makita nya kung gaano kaseryoso ang doctor kaya hindi nya na napigilan ang sarili nyang magtanong.

"How was my baby?!" May bahid ng pag aalala sa boses nya.

"We did our best but I'm sorry the baby didn't survive" Umiiling na sabi ng doctor na nakapagpatulala kay Grey habang ang ina nya ay hindi napigilan ang pagluha.

Mabilis na umiling si Grey habang tuloy tuloy na tumulo ang luha sa mga mata nya at bakas ang sakit at pighati sa mukha nya. why? Why did I do to have this kind of life.. Kuwestyon nya sa kanyang usip.

Hindi napigilan ng ginang na yakapin ang anak nya dahil kahit hindi nya ito kasundo ay nasasaktan parin syang makita nyang umiiyak ang kanyang anak dahil kahit na kailan ay hindi ito nagpakita ng kahinaan.

"Why m-mom?" Parang batang umiiyak si Grey habang kayakap ang kanyang ina at tila nilalabas lahat ng bigat na nararamdaman nya.

Hinaplos ng ina ni Grey ang kanyang buhok habang wala paring tigil sa pag iyak ang lalaki.

"Everything's gonna be alright S-son" Pag aalo ng ginang sa kanyang anak.

Hindi magawang matuwa ni Grey sa pagtawag sa kanya ng kanyang ina na 'anak' dahil mas nangingibabaw ang sakit at pighati na nararamdaman nya at hindi nya mapigilang isisi kay Audrey ang nangyari.

Kahit na masakit para kay Grey ang nangyari ay sya mismo ang nag asikaso para sa libing ng kanyang anak. Napatingin si Grey sa stretcher kung saan nakalagay ang kanyang anak na natatakluban ng puting tela.

Nanginginig ang kamay na tinanggal ni Grey ang puting tela at tumambad sa kanya ang isang sanggol na maputlang maputla.

Makikita mo na ang itsura ng sanggol dahil isang nalang sana ay lalabas na sya ngunit nangyari ang hindi inaasahan ng lahat.

Muli nanamang napaiyak si Grey ng masilayan nya ang anak nyang wala ng buhay.

"B-baby Allison, m-my princess.."

Hindi na kinaya ni Grey na tignan pa ang walang buhay nyang anak kaya ibinalik nya ang puting tela na tumataklob doon at lumabas kwartong kinaroroonan ng kanyang anak.

Sa kabilang banda, tulalang nakatitig si Audrey sa puting kisame ng kwarto na kanyang pinaglalagyan habang namimilisbis ang kanyang luha pababa sa kanyang pisngi.

Hindi nya matanggap na wala na ang anak nyang dinala nya sa loob ng walong buwan ng ganun lamang kadali. Iniisip nyang ito ang kaparusahan nya sa mga nagawa nyang mali.

Hindi matanggap ng sistema nya ang pagkawala ng anak nya. Paulit ulit nyang ipinilig ang ulo nya habang hinihiling nya na sana isang masamang panaginip lang ang lahat.

GREY'S POV

Mabilis na lumipas ang mga araw magmula nung mamatay si Allison ang anak ko at simula noon ay walang araw kong hindi binisita ang anak ko sa puntod nya.

RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon