SAMANTHA'S POV
nakasubsob ang mukha ko sa unan habang humihikbi hinampas ko ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, alam kong walang kasalanan si Grey pero.. Nasasaktan ako ang sakit sakit!
Gusto kong maging makasarili ayokong makihati si Audrey sakin kay Grey pero may bata na alam ko ang pakiramdam na hindi kumpleto ang magulang kaya kahit na gusto kong ipagdamot si Grey hindi ko magawa.
Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa dahil sa mga luhang kanina pa umaagos na parang hindi nauubos hindi ko na alam ang gagawin ko basta ang alam ko lang nasasaktan ako.
Kanina pa ako umiiyak at sa tingin ko ay madaling araw na ramdam na ramdam ko ang pamumugto ng mata ko napabuntong hininga ako at lumabas ng kwarto para hanapin si Grey.
Nakita kong nasa kitchen si Grey habang may hawak na bote ng beer at marami na ring bote na nagkalat sa lapag, napatitig ako sa mukha nya nakaramdam ako ng guilt ng makita kong may dumadaloy na luha sa pisngi nya kaya hindi ko napigilang lumapit sa kanya at niyakap sya mula sa likod.
Naramdaman ko pagyugyog ng balikat nya senyales na umiiyak sya nasasaktan ako pero alam ko rin na nasasaktan sya dahil hindi nya ginusto ang nangyari.
"Baby.." Mahinang bulong nya at ramdam ko ang sakit sa boses nya.
"Let's sleep" Mahina kong bulong naramdaman ko namang tumango sya at tumayo inalalayan ko sya dahil hindi na sya makalakad ng maayos dahil sa kalasingan.
Napabuntong hininga ako ng maihiga ko sya sa kama at hinubad ang damit nya at short, kumuha ako ng basin sa bathroom at nilagyan ng warm water at kumuha ng face towel para punasan si Grey.
Amoy na amoy ko ang alak sa katawan nya pinunasan ko ang buong katawan nya nang matapos kong punasan ang katawan nya ay binalik ko ang basin sa bathroom at hindi na sya sinuotan ng damit dahil alam kong mas komportable syang matulog ng nakaboxer lang.
Tumabi ako ng higa sa kanya at niyakap sya bago sumiksik sa dibdib nya nasasaktan ako sa nangyari pero hindi dapat akong maging makasarili dahil kitang kita ko kung paano din nasasaktan si Grey.
"Everything's gonna be okay love, i won't leave you we will fight together" Naluluha kong bulong at mas sumiksik pa sa dibdib ni Grey.
Hindi si Audrey ang sisira sa amin mahal na mahal ko si Grey kaya kahit sobrang sakit para sa akin ay handa akong tanggapin ang bata.
GREY'S POV
Nagising ako at naramdaman kong parang minamartilyo ang ulo ko sa sobrang sakit kaya agad akong napaupo at napahawak sa ulo ko.
"Fuck" Mahinang mura ko at inalala ang nangyari kagabi agad akong napatayo ng hindi ko makita si Sam sa tabi ko baka iniwan nya na ako!
"Samantha?!" Malakas na sigaw ko at lumabas sa kwarto ko.
"Baby?!" Halos mataranta ako ng hindi ko sya makita sa living room at ng pumunta ako sa kusina at nawala ang kaba ko ng makita ko syang nagluluto habang nagtatakang nakatingin sa akin.
"Bakit ka sumisigaw? Para kang baliw ang ingay ingay mo" Inirapan nya ako bago muling humarap sa niluluto nya kaya di ko napigilan ang sarili kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin sya mula sa likod.
"I thought.." Sumiksik ako sa batok nya habang inaamoy ang nakakaadik nyang natural na bango.
"Kala mo iniwan kita?" Natatawa nyang sabi kaya napanguso ako at mas isibnubsob pa ang mukha ko sa batok nya.
"Hindi kita iiwan Grey" Hindi ko napigilang ngumiti ng malaki dahil sa sinabi nya fuck I'm so lucky to have her.
"I love you" I whisper on her ear.
"I love you more " Humarap sya sa akin at nakita ko ang pamumugto ng mata nya kaya napanguso ako bago halikan ang magkabila nyang mata.
"Sorry for hurting your feelings"Nakanguso kong sabi pero umiwas lang sya ng tingin at pinatay ang stove.
"Let's forget about that" Tumango lang ako bilang sagot at umupo na sa table chair habang nakatitig kay Sam.
I thought she will leave me, i thought she won't accept me i thought she'll be cold after i said that but she didn't.. I'm so lucky to have an understanding girlfriend I'll promise that i won't ever hurt her feelings again i hate it when she's crying because of me.
Para akong nabunutan ng tinik dahil wala na akong tinatago sa kanya ang pproblemahin ko nalang kung paano ko sasabihin kay mommy sigurado akong magagalit sya at baka idisown nya pa ako.
"Kumain ka na" Natigil ako sa pag iisip ng ilapag ni Sam ang fried rice hotdog at itlog na niluto nya, i grab her hand that made her sit on my lap, i hug her tightly before kissing her cheeks.
"I love you" I whisper on her ear.
"I love you kain na tayo" Masagana akong kumain habang sinusubuan si Sam alam kong sobra syang nasaktan kaya nangako ako sa sarili ko na babawi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
RPW SERIES I: UNEXPECTED LOVE
RomanceAng sabi nga nila ay Expect what's Unexpected, Nakilala ko sya sa lugar kung san ang tao ay umaarte lamang, lugar kung san madaming manloloko, Lugar kung saan ko matatagpuan ang magpapabago sa buhay ko, May mga bagay kasi tayong gustong mangyare sa...