Masaya pa rin ako habang papasok sa bahay. Nang makapasok ako ay natigilan ako ng makita ko si Mama na umiiyak sa sala. Gumuho bigla ang mundo ko nang makitang umiiyak sya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya."Ma, anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ko habang mabilis na unti unting pumatak ang mga luha ko.
"Anak, ang lola mo. N-naospital sya... Sabi sakin ni Tita... 50:50 ang lola mo... N-nasaksak sya..." at muling humagulgol si Mama.
"Ma, wag kang mag aalala. Kaya yun ni Lola. Sya pa, malakas pa sya." pagpapalakas ko ng loob kay Mama.
Ang wrong timing naman. Birthday ko na bukas tapos ganito ang mangyayari? Ganun ba talaga? Pagkatapos ng saya, lungkot agad?
"Luluwas tayo, nak. Pupunta tayong Manila para sa lola mo. Bukas ng tanghali tayo aalis. Ihanda mo na ang mga gamit mo para bukas ng umaga ay makapagpaalam tayo sa mga guro mo." sabi ni Mama nang kumalma sya.
"Sige po, Ma." sabi ko at pumunta na sa kwarto para mag ayos ng mga dadalhin ko.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay syang pagbagsak ng mga luha ko. Nasasaktan ako sa kalagayan ni Lola. Sa sitwasyon nya ngayon, alam kong dahil yun sa bagong asawa niya. Agad akong humiga sa kama. Bat ngayon pa? Birthday ko bukas eh, dapat masaya. Ang dami ko pa naman sanang plano. Ang sakit! Di ko maiwasang magkaroon ng galit sa lalaking yun! No! Di ko sya kailanman tatawaging Lolo dahil di ko na sya ituturing na Lolo ko dahil sa ginawa nya kay Lola. Galit ako! Galit na galit! Dahil sa kanya, alam kong hindi magiging masaya ang araw ko bukas. Ang araw na dapat masaya ako, sinira niya.
Nagising ako sa mahinang pagtapik sa kin ni Mama. Umaga na pala. Nakatulugan ko na pala ang pag iyak.
"Anak, kahit na ganito ang nangyayari satin dapat maging masaya ka ah? Happy birthday anak." nakangiting bati sakin ni Mama kahit bakas pa rin ang pag aalala sa kanyang mukha. Agad naman akong naging emosyonal sa pagbati nya sa akin.
"Salamat, Ma!" at agad ko syang niyakap. Napahagulgol agad ako.
"Shh... Anak, wag ka nang umiyak. Maligo ka na at magbihis. Pupunta tayo sa school nyo para makapagpaalam na tayo sa mga guro nyo." sabi ni Mama at tumango lang ako. Lumabas na sya sa kwarto at kinuha ko ang cellphone ko.
57 missed calls
125 Unread messagesAyun agad ang bumungad sa cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag at di ako nagkakamali dahil si Naze yun. Agad ko namang tinawagan ang numero nya kaso biglang nag shut down ang cellphone ko kaya i-chi-narge ko muna at naligo na na ako.
Nang makarating kami ni Mama sa school ay dumiretso kami sa adviser ko. Si Mama lang ang makikipagkausap kaya pumunta ako sa room dahil break time ngayon.
"Happy birthday!" masiglang bati sakin ni Cath.
"Salamat!" nakangiting pasasalamat ko.
"Bat di ka pumasok? Atsaka bat ka nandito?" nagtatakang tanong nya.
"Ah, aalis kasi kami ni Mama. Pupunta kaming Manila." paliwanag ko.
"Ganun ba? Hmm... Mahaba habang usapan yan. Sa cellphone nalang!" at kumaway na sya sa akin at lumayo. Nakita ko naman agad si Naze na masama ang titig sakin. Agad akong lumapit sa kanya.
"Sorry kung di ko nasagot ang mga tawag mo. Ma---" di ko na naituloy pa ang sasabihin ko ng bigla nya akong niyakap.
"Happy birthday, hon!" masayang pagbati nya at bumitaw sa pagkakayakap sakin. Tinitigan nya muli ako at napasimangot sya.
"May problema ka ba?" agad na tanong nya sa akin. Napangiti ako sa kalooban ko. He knew me to well.
"Hon, aalis kami ni Mama. Pupunta kaming Manila. May nangyari kasi kay Lola kaya kailangan nandun kami sa tabi nya." sagot ko at muli nya akong niyakap.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...