Di pa nakakarating si Naze sa bahay ay umalis na agad ako para dumaan kila Lola Pasing, para magpatahi ng karagdagang uniform. Ayokong isama si Naze dahil maaabala ko sya at isa pa, examination namin ngayon ng last quarter for this 1st sem. Halos gusto ko nang tumakbo paalis para pumasok ay hindi ko magawa. Dahil sa katandaan ni Lola ay mabagal na syang kumilos. Bat ko naman kasi naisip na ngayon magpatahi? Jusmeee!"Lola, aalis na po ako ah? Late na po kasi ako. Babalik nalang ako mamaya." paalam ko sa Lola at tumakbo na ako paalis. Unti nalang ang pagitan ng bahay nila sa school kaya naman di na ako nag abala na sumakay pa sa namamasada dahil baka mas lalo lang akong matatagalan.
Nang makarating ako sa room ay halos lahat ng nandoon ay napatingin sakin. Pano ba namang hindi, eh kalahating oras na akong late! Patay!
"Ma'am, Im sorry Im late." paghingi ko ng paumanhin sa teacher namin.
"You may now sit." sabi nya at kumuha ako ng test paper at sheet pad sa mesa nya. Umupo na ako sa tabi ni Naze at di man lang nya ako nilingon. Patay! May kasalanan ako sa kanya!
"Miss Velasquez, magsimula ka na agad. Gen. Math ang first exam." biglang sabi ni Ma'am. Nagmadali ako sa pagkuha ng ballpen at blankong papel para sa pagsolve.
Mabilis ang bawat pagbasa at pagsagot ko sa mga tanong. Inuuna ko ang mga madadali para sakin at mamaya ko na sasagutan ang mga mahirap. Naramdaman ko naman na kinakalabit ako ng katabi ko. Agad akong tumingin.
"Bat di mo ko hinintay?" mahinang tanong sakin ni Naze. Di ko na lang sya pinansin at muli akong nagpatuloy sa pagsagot. Mamaya ko na lang sya kakausapin. Wag ngayon.
"Hon, mali yung sagot mo." pasimpleng bulong nya. Tumingin muna ako sa harap kung san si Ma'am bago ako tumingin sa kanya.
"Wag ka ngang magulo."
"Eh, mali nga sagot mo."
"Anong number?"
"Yung sa 12, mali yan!"
"Anong mali? E hindi naman talaga sya yung father ng Probability eh."
"Hays! Di ba nga, nagsabi na si Ma'am na mali yun."
"Nagreview ako, Naze."
"Mali nga, hon."
"Tumahimik ka nalang."
"Calabia! Velasquez! Give me your papers and leave!" malakas na umalingangaw ang boses ni Ma'am. Wala na akong magagawa. Di ko pa tapos yun! Kulang pa ng sampu! Nakakabwesit na Naze!
"Sorry, Ma'am." tanging sambit ko bago ilapag ang papel sa mesa nya. Lumabas na ako ng classroom. Naglakad na ako papunta sa oval ng school. Nakasunod sa likod ko si Naze, sigurado ako. Nakakainis sya! Kung di dahil sa panggugulo nya sa pagsagot ko, edi sana natapos ko yun! Sana naayos ko pa ang pagsagot nun!
"Rafi." tawag sakin ni Naze. Bat Rafi? Bat di Eam? O honey? Shems! Mas lalong kumulo ang dugo ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng di sya nililingon. Pupunta ako sa benches sa gilid ng oval para makapag review sa next subject. At magaganap yun, pagkatapos pa ng isang oras kaya mahaba haba ang paghihintay.
Nang makarating ako sa bench ay agad akong umupo para magpahinga muna. Mainit kasi papunta dito. Mabuti nalang maraming puno dito mismo. Natatanaw ko na rin na malapit na si Naze. Agad namang uminit ang ulo ko.
"Ano? Ikaw pa ang galit ngayon?" pangbungad nya ng nasa harap nya na ako.
"Anong rason para di ako magalit? Paki sabi nga!" naiinis na singhal ko.
"Sino ba ang unang may kasalanan, huh?!" pagbabalik tanong nya.
"Bakit?! Kahit minsan ba di ba pwede na umalis ako na di nagpapaalam?" naiinis na tanong ko.
"Eam, naman. Pwede ka namang magsabi kung ayaw mong inihahatid kita. Hindi yung ganto! Hindi yung papupuntahin mo ko sa inyo tapos wala ka pala! Eam, respetuhin mo naman ako." natamaan naman ako bigla sa sinabi nya pero di sapat para mawala ang galit ko.
"Bat ako? Nirespeto mo ba ako? Tama ba yung ginawa mo?! Dahil sayo! Dahil sayo di ko natapos yung exam ko! Favorite subject ko yun, Naze!"
"Ang gulo mo. Mamaya na natin ayusin to. Kapag maayos na yung pag iisip mo." sabi nya at tumalikod na para umalis.
"Anong tingin mo sakin? Baliw?! Bwesit ka! Nasa maayos ang pag-iisip ko!" inis na sigaw ko. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad at hindi pinansin ang sinabi ko.
Nanghihinang napaupo ako. Nakakainis naman! Pangatlong araw palang kami, away agad! Kasalanan nya din naman kasi eh! Hayst! Kasalanan ko pala. Ako ang hindi nagpaalam. Kasalanan ko talaga! May load naman ako pero bat di sya tinext?! Hayst! Di ko sya ginalang bilang boyfriend ko. Kailangan ko nang humingi ng tawad. Kapag magkita kami ulit. Hihingi na ako ng sorry sa kanya.
Nagpatuloy ako sa pagrereview pero wala pa ring pumapasok sa isip ko. Shems! Distracted ako masyado. Bumalik na lang ako sa room dahil malapit na ang next exam namin. Saktong pag upo ko ay pagdating din ni Naze kaso di sya umupo sa tabi ko, dun sya kay Denver tumabi. May galit nga sya sakin.
Tumayo ako pumunta sa kinaroroonan nya. Kalahating oras pa bago ang exam kaya makakausap ko sya ng masinsinan.
"Naze?" tawag ko sa kanya pero di nya ako pinansin. Nagpatuloy lang sya sa pagbabasa ng notes nya.
"Hon?" pagtatawag ko ulit. Tumigil sya sa pagbabasa at tumingin sakin.
"Bakit?" tanong niya habang nakakunot ang nuo.
"Hon, sorry na..." paglalambing ko habang kinakalabit kalabit ko sya.
"Explain." sabi nya at agad akong sumenyas na umalis si Denver at nakuha nya naman ang ibig kong sabihin. Umupo ako sa pinag iwanan nyang upuan at hinawakan ko ang braso ni Naze.
"Hon, ayoko kasing maabala ka kaya di kita hinintay para samahan ako kila Lola Pasing. Nagpatahi kasi ako ng karagdagang uniform ko. Nawala rin sa isip ko na magtext sayo kaya Im sorry. Wag ka nang magalit. Please?" at nag puppy eyes ako sa kanya. Tumitig lang sya sa akin ng matagal bago nagsalita.
"Ang totoo nyan, hon nakakatampo ka. Bat mo naman naisip na maaabala mo ko? Boyfriend mo ko kaya natural lang na samahan kita dun. Kung ayaw mo naman. Pwede ka namang magtext sakin eh. Kahit sana yung pag text lang hon wag mong kalimutan." aniya. Agad naman akong na guilty.
"Sorry na... Please..." pakiusap ko sa kanya.
"Matitiis ba kita?" nakangiting tanong nya.
"Talaga? Di ka na galit sakin?" tanong ko at napanguso.
"Hindi na." nakangiting sabi nya.
"Okay! Pero may kasalanan ka rin sakin." pagsisimula ko at agad sya napangiwi.
"Hon, mali talaga kasi yung sagot mo. Dapat kasi nakinig ka nalang sa akin. Yan tuloy! Di mo natapos yung exam." aniya at tinignan ko sya ng masama.
"Joke lang! Sorry sa ginawa ko kanina. Di ko intensyon na mangyari yun kaya sana patawarin mo ko, mahal kong Eam." paliwanag nya at agad naman akong napangiti.
"Matitiis ba kita?" panggagaya ko sa sinabi nya.
"Buti naman hindi." agad na sabi nya at tumawa. Baliw talaga.
"Tara na? Dun na tayo sa upuan nating dalawa. Galingan natin yung exam kasi may deal pa tayong dalawa." nakangiting sabi nya. Tumayo na kami at pumunta na kami sa upuan namin. Saktong pag upo namin ay syang pagdating ng guro namin. Nagsimula na ulit ang aming exam kaya lahat ay tumahimik. Kakayanin ko to! Matatalo ko si Naze! Hahahaha!
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...