CHAPTER 24

283 12 1
                                    




Unang araw ngayon ng klase para sa taong ito. Grade 12 na ako at ito ang huling highschool life ko. Napatingin ako sa building na papasukan ko. Masasayang mukha ng magbabarkada at tawanan ang nakikita ko sa kanila. Napangiti ako at tumuloy na papasok sa silid aralan.

"Good morning!" maligayang bungad sakin ni Cassy. Hmm, ano pa nga bang aasahan ko rito eh palagi naman itong maagang pumasok.

"Good morning din." bati ko.

Nang makaupo ako sa aking upuan ay siya ring pagdating ng aming bagong guro sa taong ito.

"Good morning class!" maligayang bati nito.

"Good morning, Ma'am!" sabay sabay na aming pagbati.

Katulad ng natural na first day, walang klase kaya maaga ang recess. Hindi ko na hinintay pa sila Cassy dahil alam kong magkukwentuhan pa sila at ang isang dahilan, well... basta.

Habang naglalakad ako papuntang Canteen, hindi ko maiwasang maalala ang nangyari noon. Ganitong-ganito rin yun. Papunta ako ng Canteen tapos bigla ko siyang nakasalubong.

Napangiti ako sa alaalang iyon. Parang kahapon lang ng mangyari yun. Nakayuko akong naglalakad habang tinitingnan ang mga paa kong humakbang. Napahinto ako ng makita ang isang pares ng sapatos na pag-aari ng isang lalaki. It feels like de javù! Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Kasabay nun ang panlalamig ng mga kamay ko.

Sa pag-aakalang siya nga, unti unti akong nag-angat ng tingin at biglang bumagsak ang pag-asang yun ng makitang iba ang nasa harap ko. Parang bigla ako binuhusan ng malamig na tubig.

"Pasensya na po." magalang na paumanhin ko at napapikit ng mariin habang naglalakad.

"Aray!" napahiyaw ako ng tumama ako sa isang bulto. Hindi ako nilubayan ng mabilis na pintig ng puso. Sa halip, mas bumilis pa ito!

"Dapat kasi tumigil ka muna saglit para makadaan tayong dalawa." mababang boses na sabi niya. Natulos ako sa kinatatayuan ko. Nagbara ang kung ano man sa aking lalamunan. Halos marinig ko na rin ang marahas na pagtibok ng puso ko. Nagwawala na rin ang sistema sa loob ng katawan ko.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Nakatitig siya sa akin at may itinatagong ngiti! Katulad nga ng pangyayari noon!

"Naze—Nazer." bawi ko at inayos ang pagkakatayo. Halos mahipnotismo ako sa mga titig niya kanina lang!

"Hello, the girl that bumped me." he softly said and he winked.

"H-Huh?" nautal na tanong ko.

"Hmm... you bumped me now, not almost." he said and suddenly I stared on his face. Wala halos pinagbago sa mukha niya. His eyes are still twinkling in happiness or so. His nose are pointed and his lips are still soft looking. His handsome face remain soft-looking. Yung alam mong friendly talaga. Napalunok ako.

"Leche!" asik ko ng maalala ang lahat ng mga bagay na pilit kong kinakalimutan. Shems! At talagang tumitig pa ako sa kaniya! Napailing ako. Pagkatapos ng ginawa niya sakin, ngingitian niya ako?Nakakainis siya! Parang walang nangyari ah! At ako! Bakit ganun ang pakikitungo ko? Sinaktan nga ako nun!

Halos sumigaw ako sa frustration. Naglakad ako ng mabilis para makalayo sa kaniya at nagtagumpay ako o baka, wala naman talagang balak na habulin ako? Leche!

Napaisip ako kaagad. Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito siya? Dito na ba siya mag-aaral? Tanga! Maliwanag pa sa sikat ng araw ang sagot sa katanungan ko! Malamang sa malamang, dito yun mag-aaral dahil nakasuot siya ng uniporme! Napailing ako at bumili nalang ng makakain.

Habang naglalakad pabalik sa classroom ay lutang ako. Nagising lang ang diwa ko ng bigla akong hilain ni Cassy malayo sa mga kaklase namin.

"Girl, nandito na yung ex mo!" mahinang bulong niya ngunit bakas pa rin doon ang histerya.

"Alam ko, nakasalubong ko kanina." pag-amin ko sa kanya. Well, there's no reason to hide it from her.

"Tapos?" tanong niya at halos magningning ang mga mata sa pag-aabang sa sasabihin ko.

"Katulad ng una naming pagkikita a—"

"Yieeee!" matinis na sigaw niya at agad ko naman siyang hinampas. Halos mapairap ako. Kanino ba kampi itong babae na 'to?

"Ang ingay mo!"

"Sorry! Kinilig lang ako." aniya at napahawak pa sa magkabilang pisngi, tila nananaginip ng gising.

"Anong nakakakilig dun?" halos magpaikot ako ng mata ng itanong yun.

Tanga! Nakakakilig talaga yun. Naging crush mo nga siya nun eh! At ang dahilan? Dahil lang sa pakikitungo niya ng una mo siyang nakita! Pagkausap ko sa sarili ko.

"Ewan ko talaga sayo! Tara na nga!" aniya at hinila ako pabalik sa upuan namin. Nang makaupo ay sumenyas na naman siya na meron pang ibang detalye.

"Dito na siya mag-aaral!"

"Halata naman eh."sabi ko sa kaniya at nagkibit balikat. Bakit ko pa ba yun pagtutuonan ng pansin? Edi dito siya mag-aral! Hindi ko naman pagmamay-ari itong school na ito. Shems! Now I sounded like a bitter.



Uwian na at nag-aabang ako ng tricycle na sasakyan pauwi. Maraming estudyante rin ang nag-aabang. Napalinga ako sa aking likuran. Nagbabakasakaling makasabay kila Cassy. Nauna kasi akong lumabas kesa sa kanila. Ilang linggo na rin ang nang magsimula ang klase kaya baka may ginagawa pa sila sa room na hindi ko napansin.

"Eam," napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Naze na bahagyang nakayuko sa akin.

Napalunok ako. I missed the way he calls my name. At ngayon, wish granted! Nagbabadya na ang luha sa mga mata ko. Why so emotional?! Lumunok ako ulit para mapigilan ang pagtulo nito. Masyado naman ata akong naulila. Boses niya lang na tinawag ang pangalan ko, ganito na.

"B-Bakit?" mahinahong tanong ko.

"Pwede bang mag-usap tayo?" tanong niya at halos marinig dun ang hinanakit. Bakit niya marramdaman yun? Nanloko nga siya! Pinatatag ko ang loob ko bago nagsalita.

"Wala tayong dapat pag-usapan." mariing sagot ko. Delikado na at baka mabali pa ang limitasyon ko dahil mapapaniwala niya ako.

"Kahit saglit lang..."

"Wag kang makulit." naiinis na sabi ko at nagulat ako ng makita ang mga estudyanteng palihim na tumitingin sa amin. Bakit ko ba nakalimutang sikat nga siya rito?

"Please, let's talk, honey... just for a while. Makinig ka lang sa akin. Please? Kahit ngayon lang..." he pleadingly said.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now