CHAPTER 28

298 10 0
                                    


Enjoy reading, Shimies!❤️

RAFINA EAM

Nananatili akong tahimik buong byahe pauwi ng boarding house. Nagpapasalamat dahil hindi na siya nagtanong pa. Na kahit papano ay nagpagaan sa aking kalooban.

Inihinto niya ang kaniyang sasakyan. Nagtatakang napatingin ako sa kaniya. Paano niya nalaman ang tinutuluyan ko? Tanong na bumabagabag sa akin isip ngunit piniling huwag nalang magsalita.

"Thank you." mahinang sabi ko habang kinakalas ang seatbelt. Akmang  bababa na ako nang hinawakan niya bigla ang aking kamay. Napatingin ko sa kaniyang kamay at ibinaling ko sa kaniyang mukha ang aking paningin.

"U-Uhh, mag-iingat ka." aniya. Tumango ako at bahagyang ngumiti. Kinalas ko ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay at bumaba na ng kaniyang sasakyan.

Tumalikod ako at dahan-dahang naglakad palayo. Saka ko lang narinig ang kaniyang pag-alis ng tuluyan na akong nakapasok sa loob ng boarding house at agad na humiga sa aking kama.

Tears from my eyes falls. May parte sa akin na naniniwala sa kaniya at mayroon ding hindi. Paano ako maniniwala? At talagang dinamay pa si Mama! Anong tape ang pinagsasabi niya? Gawa-gawa ng kwento!

Pero...

Baka meron nga? Sabihin na nating itinago ni Mama. Hayst! Anong pag-iisip ba ito?

Ano to, drama?

Napahawak ako sa aking dibdib. Dinadama ang sakit na dala ng kaniyang mga salita.

How can I believe you? You broke me into pieces. And I admit, I'm still collecting those pieces of my broken heart.

How can I believe you? You broke my trust.

How can I believe you?  You already cheated on the process of our relationship.

Now, tell me. Maniniwala ba ako ng ganun-ganun nalang. Hmp! Better think many times. I will never ever believe you!

Lumagpas ka na sa limitasiyon na inilaan ko. Kaya hindi ako papayag na malampasan na naman ang limitasiyon para sa sarili ko. Maninindigan akong hindi ka bigyan ng isa pang chance. Once in a lifetime lang yun!

With eyes closed, nilamon na ako ng kadiliman at hinayaan kong mahulog ako sa pagkatulog.

Late na ng magising ako. Kumpara sa dati kong kilos, triple ang bilis ko ngayon. 6:40 AM na! Hindi na ako nag-abalang kumain pa ng agahan. Nagtoothbrush, naligo at nagbihis na lang ako. Pagkalabas ko ay nag-abang na agad ako ng tricycle. Halos mapamura ako ng makitang 7:12 AM na. May parte sa akin na nagsasabing huwag nang pumasok pero hindi pwede! May quiz kami!

Sa paglipas pa ng limang minuto ay nawalan na ako ng pag-asa. 15 mins ang byahe papuntang school. Siguradong huli na ako sa klase.

Pabalik na ako sa boarding house ng makarinig ng busina. Lumingon ako at nakita ang Mitsubishi na sasakyan. Napailing ako. Hindi pwede! Hindi ako makikisakay sa kaniya!

Huminto iyon sa harapan ko at mula sa loob ay binuksan ang front seat.

"Sakay ka na." nakangiting bungad niya.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now