Maaga pa nang bumyahe kami patungong La Condeza. Ang sasakyan na ginamit namin ay ang kotse ni Papa. Hindi ko alam kung anong eksaktong gagawin namin pagkauwi dahil di naman nila ako sinasama sa usapan.Habang nasa byahe ay nanunuod lang ako sa tanawin sa labas ng bintana. Binilhan ko na ng pasalubong si Naze. Tiyak kong magugustuhan nya yun.
"Ma, papasok ba ako ngayong tanghali?" tanong ko
"Nasa sayo na yan anak. Aalis rin kasi kami agad ng Papa mo pagkatapos ng ilang araw dahil kailangan pa rin kami ng Lola mo."
"Po? Sinong makakasama ko sa bahay?" agad na tanong ko.
"Si Cath. Nakausap ko na siya. Siya yung makakasama mo sa bahay para di ka mag isa."
"Hmm... Sige po."
Alas nuebe na nang makarating kami sa bahay. Agad na nagluto si Mama ng pagkain kaya naman kumain na agad kami. Nang makatapos ay nagpahinga na sila Mama at ako naman ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos nun ay dumiretso ako sa aking silid at agad akong nagtext kay Naze.
Ako:
Hon, nakauwi na ako. Papasok ako mamayang tanghali.
Pagkatapos kong isend yun ay umidlip na ako. Marahan ang pagtapik na naramdaman ko kaya agad akong napabangon.
"Maligo ka na anak. Ihahatid ka na ng Papa mo." sabi ni Mama.
"Sige po." sagot ko at agad akong pumunta sa banyo para maligo. Nang matapos ay nagbihis na ako at pumunta na ng kusina para makakain na. Katulad ng sabi ni Mama, inihatid ako ni Papa sa school. Kaya naman pagkababa ko ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil de-kotse ako. Pumasok na ako sa loob ng campus at dumiretso na sa room.
"Cath!" bungad ko nang makita ko siya.
"Uy! Nakauwi ka na pala. Kumusta? May pasalubong ba?"
"He he he... Cath, ano kasi... Para to kay Naze." sagot ko.
"Ano ba naman yan, Rafi?! Nagkajowa lang! Kinalimutan na ako!" madramang sabi niya at tinawanan ko lang siya.
"Baliw! Kung bibigyan ka niya ng pasalubong ko, edi makakatikim ka rin."
"Okay! Speaking off... Nandyan na ang honey milabs mo!" agad akong napatingin sa bukana ng aming silid aralan. Nakita ko si Naze na nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik at agad nagbawi ng tingin. Agad akong nahiya dahil sa pasalubong ko. Di ko alam kung kaya ko bang ibigay yun sa kanya ngayon!
"Welcome back, hon!" maligayang sabi niya at agad na lumapit sa akin. Mas lalo kong nakita ang kabuuan ng kaniya mukha. Nagpagupit siya at mas lalo yung nagdepina ang kagwapuhan niya! Halos di ako makatingin dahil pakiramdam ko ay matutunaw ako sa kaniya mga tingin.
"Ah..." tanging nasabi ko. Parang gusto ko nang hampasin ang sarili ko. Hindi ko na kasi maintindihan dahil nagkakagulo na ang sistema ko. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko! Feeling ko magkakaroon ako ng heart attack dahil sa kanya!
"Hon, pasalubong ko?" tanong niya habang nagtataas baba ng kilay.
"Ah, saglit... K-kunin... I mean, kukunin ko lang." sabi ko at tumalikod sa kaniya. Nautal pa ako! Parang ako mismo ay natatangahan na sa sarili ko.
"Okay." aniya at agad ko namang kinuha ang box ng chocolate sa bag ko. Parang gusto ko nang lamunin ako ng lupa dahil hiyang hiya ako dahil maraming nakatingin sa amin.
"Wow! Ferrero Roche, bes?! Yumaman ka na ba?!" naghihisteryang tanong niya at inagaw ang box sa akin.
"Uy! Cath naman! Para kay Naze yan!" saway ko nang bigla niyang binuksan yun.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...