CHAPTER 15

274 14 0
                                    


Walang pasok ngayong dahil nagkaroon ng emergency meeting ang mga guro at farawell party para sa mga retired teachers ng aming school. Maaga akong nagising kanina kaso dahil sa sinabi ni Mama na walang pasok ay humilata nalang ako sa aking kama. Maya maya ay biglang tumunog ang aking cellphone. Tinatamad kong kinuha iyon at sinagot.

"Hello?"

"May gagawin ka ngayon?" bungad niya sa akin.

"Wala naman. Bakit?"

"Okay!" sabi niya at agad na pinatay ang tawag. Problema nun? Wala pa ngang bye. Naglaro nalang ako ng Candy Crush.

"Anak?" maya maya ay tawag ni Papa.

"Bakit po?"

"Nandito si Nazer. Puntahan mo muna." si Papa at narinig ko ang yabag niya paalis. Agad naman akong bumangon at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para uminom bago tuluyang pumunta sa sala.

"Magandang umaga, honey!" maligayang bati ni Naze. Agad naman akong pinamulahan ng pisngi dahil nandito ang mga magulang ko at tinawag niya ako sa endermeant namin! Shems! Nakakahiya kila Mama at Papa.

"Magandang umaga rin, kelangan mo?" tanong ko at lumapit sa kanya.

"Yayayain sana kitang mamasyal kasi sabi nila Tito ay wala ka rin namang gagawing ngayon." aniya.

"Eh, pano kung ayoko?" panghahamon ko.

"Please?" Sabi niya at nag puppy eyes. Shems! Ang cute! Ang ganda tanggalin ng mata! Pero joke lang!

"Magpapaalam lang ako." sabi ko at akmang tatalikuran siya nang biglang nagsalita si Mama.

"Okay lang anak! Alis na kayo." maligayang sabi ni Mama. Ganun ganun nalang yun?!

"Okay po. Magpapalit lang ako." sabi ko at naglakad na palayo. Pagkapasok sa kwarto ay agad akong nagbihis. Isang blue stripe printed shirt at black jogging pants ang isinuot ko. Lumabas na ako ng kwarto at agad kong nakita si Mama na nakaabang sa pintuan ko.

"Ma? Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko sa kanya.

"Anak, ganyan ba talaga ang susuotin mo? Ang gwapo ng kasintahan mo tapos nagmumukha kang basahan?" halos pahisteryang saway ni Mama.

"Sus, Ma! Wala akong pake no! Ganito ako manamit kaya wala silang pakialam." sagot ko.

"Bahala ka." sabi ni Mama at umalis. Pumunta na ako sa sala at niyaya na siyang umalis.

"San tayo pupunta?" tanong ko habang nagbabyahe kami gamit ang motor niya.

"Kakain muna tayo sa restauant sa Calle Rusto." sagot niya.

"Oh? Ang mahal naman dun! Sa iba nalang!" reklamo ko.

"Libre ko naman eh. Pinag-ipunan ko talaga to, hon." sagot niya at natahimik naman ako.

"Kahit na!" reklamo ko nang makabawi.

"Hon, just let me do what I wanted. Sa sunod na date, ikaw ang masusunod."

"Okay." pagsuko ko.

Katulad ng sinabi niya ay kumain kami sa restaurant sa Calle Rusto. Sobrang naghihinayang ako dahil sa mahal ng mga pagkain. Biro mo, isang dish lagpas isang daan na! Eh kung magluluto ako ng ganito ay marami na sa halagang isang daan lang!

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now