CHAPTER 3

499 27 1
                                    



Matagal na oras ang hinintay ko at sa wakas! Uwian na! Agad akong lumabas para abangan si Naze sa labas ng campus. Di naman ako nabigo nang makita kong palabas na sya. Wala syang kasama kaya walang sagabal. Agad ko syang nilapitan.

"Ummm... Naze, ahh... pwedeng pasabay?" tanong ko habang sinasabayan syang maglakad. Tiningnan nya lang ako at bumalik ulit sa daan ang tingin nya.

"Sorry sa nasabi ko kanina," panimula ko, "Di ko intensyon na asarin ka. Ganun talaga kasi pagnapipikon ako. Pasensya na talaga." pagpapaliwanag ko. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Ok lang, mabuti naman at marunong kang manghingi ng tawad." sabi nya

"Di ka na galit?"

"Di na,"

"Weh?"

"Oo nga. Di na ako galit." sabi nya at muli kaming natahimik hanggang sa makarating kami sa waiting shed.

"Eam, sorry din."

"Para san?"

"Sa pang aasar ko. Ang cute mo kasing maasar." sabi nya at agad namang uminit ang pisngi ko. Tumahimik nalang ako at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"Magkasabay ba tayo ulit?" basag nya sa katahimikan.

"Ewan ko. Pero depende yun sa angkas ng inaarkilahan natin." sagot ko.

"Hmm... Eam?"

"Oh?"

"Ah wala. Wag nalang." sabi nya at nag iwas ng tingin. Anyare, crush?

Naghintay kami sa waiting shed dahil may nauna nang umangkas kay Manong. Dumidilim na rin dahil sa itim na ulap. Mukhang uulan pa yata. Wala pa naman akong payong.

"Eam?"

"Oh? Tapos sasabihin mo, 'wala' ano bang kelangan mo?"

"Bat Cookery ang kinuha mo?"

" Bat ka nagtatanong?"

"Interesado lang." simpleng sagot nya.

"Kasi mahilig akong magluto. Gusto kong magpatayo ng resto someday. Ikaw? Bat STEM kinuha mo?"

"Magdodoktor ako someday." nakangiting sagot nya. Crush ang gwapo mo!

"Hmm," tanging nasabi ko nalang.

"Ang tagal ni Manong." pagmamaktol ko. Halos abutan na kami ng isang oras sa paghihintay sa kanya at papalubog na rin ang araw, kasabay ng pag itim ng mga ulap sa langit.

"Baka nasiraan ng motor. Sakay nalang kaya tayo sa iba?" pag-anyaya niya. Kaming dalawa nalang ang tanging natitita sa shed.

"Sige." pagsang- ayon ko. Nag-abang kami ng motor na masasakyan pero bigo dahil wala nang bumabyahe. Unti unti na ring pumapatak ang ulan.

"Patay tayo nito." sabi ko habang bumubuhos ang ulan ng malakas. Nahahagip na rin kami ng ulan dahil sa hangin.

"For sure nag aalala na yung mga magulang natin."

"Yeah. Lalo na yun si Mama. Nakuuu! Kaylangan na nating makauwi."

"Pasok muna tayo sa loob ng campus. Halatang nilalamig at nababasa ka na." pag-anyaya nya
Yieee! Concerned si crush.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now