CHAPTER 19

274 9 0
                                    



Nakatingin ako sa mga nilatag kong beach dresses. Nahihirapan akong pumili dahil hindi ko alam ang eksaktong mangyayari sa surprise niya. Sa huli ay yung pinakamahaba ang pinili ko.

Hanggang sakong ang haba nito. Kulay bughaw katulad ng langit. May halong mga bulaklak na kulay dilaw. Cotton ang tela nito.  Ang bandang bewang nito ay yumayakap sa maliit kong bewang. Nagsuot rin ako ng strappy sandals.

Napatigil ako sa pagsusuot ng makita ang tawag ni Denver.

"Oh? Denver?"

"Tapos ka na ba? Nandito na ako sa may kalsada. Akyat ka na kapag tapos ka nang magbihis."

"Sige! Paakyat na ako." sabi ko at pinatay ang tawag. Agad kong inayos ang pagkakasuot ng sandals at tumingin sandali sa salamin.

Lumabas na ako sa aking silid at dumiretso na palabas. Nakapagpaalam na ako kila Mama at Papa at pumayag naman sila.

"Denver!" kuha ko sa atensyon niya nang makatapat na ako sa sasakyan.

"Oh? Ganda ah! Tara na!" aniya at agad akong tumango. Umangkas na ako at agad naman niya iyong pinatakbo paalis.

Nakaramdam ako ng halu-halong emosyon. Ngunit mas nangibabaw dun ang kaba. Kaba na hindi ko alam kung para saan. Mas lalong hindi ko alam kung bakit ako nakararamdam ng ganito.

Nang makarating kami sa kanilang ressort ay nagpasalamat ako agad kay Denver at tumango lang siya.

Sigurado ako na sa oras na ito, mukha na akong constipated dahil hindi ako mapakali. Malakas ang dagundong ng bawat pagtibok ng puso ko. Literal na masakit at halos marinig ko na ang pagtibok nito. Ngumiti ako ngunit agad rin iyong napawi. Hindi ako makangiti dahil sa sobrang kaba. Feeling ko masusuka na ako.

"Hi! I'm Rafina Eam, si Naze?" tanong ko sa front desk ng ressort.

"Nasa cabin na po, Ma'am. Reil! Ihatid mo na si Ma'am Rafina." tawag niya sa isa pang trabahante ng ressort.

"This way, Ma'am." nakangiting sabi niya at iginiya ako patungo sa cabin na kinalululanan ni Naze. Hindi pa rin matapos dun ang kaba. At naging doble pa ito.

"Dito na tayo..." aniya at iniwan ako sa harap ng saradong pintuan ng cabin.

Parang gusto ko nang umalis sa sobrang kaba. Pakiramdam ko, nay hindi magandang mangyayari. Ngunit isinantabi ko iyon at dahan- dahang lumapit sa pintuan.

Akmang kakatok na ako ng makarinig ako ng impit na sigaw. Tila nasisiyahan sa ibang dahilan. Inilapit ko ang aking tenga sa pintuan at halos manghina ako sa narinig...

"A-Ahh... Nazer, s-sige pa... Bilisan mo..." halinghing ng isang babae ang narinig ko. Tila nagmamakaawa ito at tuluyan nang nilamon ng makamundong gawain. Hindi ako ganun kainosente para hindi malaman kung anong nangyayari sa loob. Alam kong may ginagawang hindi maganda roon at ang pinakamasakit ay si Naze ang naroon! Ngunit hindi pa ako lubos na naniniwala. Hanggat hindi ko maririnig ang boses niya. Hindi ako maniniwala. Funny how I convince myself even it's obvious.

Walang tumulong luha mula sa mga mata ko. Sa sobrang sakit. Wala akong maramdaman na kahit ano. Namanhid na ata ang lahat ng parte ng katawan ko.

"Naze... Sige pa... A—"

"Wag kang maingay!" isang malakas na tinig ni Naze na mas lalong nagkumpirma sa nangyayari sa loob. Nayanig ang natitirang pag-asa ko. I thought it's not him but Im wrong.

Hindi ko na kailangan pang buksan para makita kung papano nila ginawa iyon. Dahil sa boses pa lang, kompirmado na ang lahat!

Dahan-dahan akong lumayo doon at tumakbo palapit sa dalampasigan. Kita sa mga empleyado ang pagtataka sa pagtakbo ko. Ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo.
Dumiretso ako tubig dagat hanggang sa hanggang leeg na ang tubig dagat na kinaroroonan ko.

Tumingala ako habang nakatanaw sa madilim na kalangitan. Walang buwan at mga bituin. Katulad ng nararamdaman ko na wala na ring kahit anong liwanag.

I wish it's not true. I wish it's just a dream, a nightmare to be exact.

I closed my eyes and let the sea water embraced me. As if it can wash away the numbness I feel. As if it can erase what happened earlier.

Tears escaped from my eyes down to my cheeks. Then, the excrutiating pain attacked me.

Mali ako. Hindi ako namanhid kundi pinipilit kong wag makaramdam ng kahit ano.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganon! Siguro kaya niya sinaway ang babae kasi alam niya darating ako. Sinaway niyang huwag mag-ingay para walang makaalam sa ginagawa nila at para hindi ko malaman.

Napahikbi ako ng malakas na may halong panginginig dahil sa lamig ng tubig dagat.

Kelan mo pa sakin ginagawa ito, Naze? Tanong ko sa sarili ko na alam kong wala akong makukuhang kasagutan.

Ganun ba talaga kapag lalaki? Hindi makuntento? Naghahanap ng iba kasi hindi maibibigay ng kasama nila?

Bakit ako naging tanga pagdating dito? Simula't sapol alam ko naman kapag mayroong masamang hangarin yung lalaki. Pero bakit? Bakit hindi ko man lang nakita yun sa kanya? Baka naman, magaling lang talaga siyang magtago.

Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin pagkatapos ng gabing ito. Napakawalang hiya niya! Napakababoy! Halang sa makamundong pagnanasa!

Pero...

Kahit ano mang sabihin ko, hindi na nun mababago ang lahat. Kahit na laitin ko siya hindi mababawasan ang sakit na nararamdaman ko. Masasaktan at masasaktan pa rin ako.

Pumikit na lang ako at nagpalutang sa tubig dagat. Hinihiling na sana magising na sa panaginip. Ngunit niloloko ko lang ang sarili ko dahil alam kong totoo lahat ng nangyayari ngayon.

Hinayaan kong nakalutang ako sa dagat upang kumalma ang pag-iisip ko. Hinahanda ang sarili dahil tiyak akong makikita ko pa rin siya ngayong gabi. Hindi ko hahayaang maloko niya ulit ako sa mga salita niyang puno ng kasinungalingan. Hinding hindi ko siya papatawarin katulad ng sinabi ko. My decision is firm. Mabigat ang kasalanan niyang ito kaya hindi ko hahayaang maloloko niya lang ako, ulit.

Napabalikwas ako sa tubig nang may humawak sa bewang ko at hinila ako patungo sa mababaw na parte ng dagat. Nagpupumiglas ako ngunit mahigpit ang kapit niya sa akin. Really, Naze? Are you really concern?

"Anong ginagawa mo rito?!" parang kulog ang lakas ng boses niya. Puno iyon ng pag-aalala o baka guni-guni ko lang. Agad na nabuo ang kung ano sa lalamunan ko. Nagbabara ito kaya hindi ako makapagsalita. Unti-unti na ring bumubuo ulit ang mga luhang akala ko kanina ay ubos na. Iiyak na naman ba ako ulit? Hindi pa rin ubos? Literal na sumasakit ang puso ko sa marahas na pagpintig nito. Ganito kasakit. Sobrang sakit.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now