CHAPTER 11

329 16 0
                                    



Monday ngayon at ngayon na sasabihin ng mga subject teachers namin ang relust ng exam namin. Sa kada oras ng bawat guro, sasabihin lang yung results at kung ano pang requirements ang kulang namin. Maliban nalang sa mismong major namin. Ako cookery, kaya mamaya pang hapon yung exam namin which is pagluluto. Sila Naze naman ay exam sa Calculus.

"Hon, ready ka na bang matalo?" nakangising tanong nya.

"Hindi mo ko matatalo. Sating dalawa ako ang matalino kaya hon, sumuko ka nalang kasi wala ka nang pag asa." ganti ko sa kanya.

"Uy! Ano bang pinagtatalunan nyo jan?" singit ni Cath sa usapan.

"May deal kasi kami. Kung sino yung highest sa aming dalawa yun ang panalo at amg premyo ay magiging alipin kung sino man ang mababa samin." paliwanag ko.

"Ang sweet naman." komento nya.

"Anong sweet dun? Sira na ba ang utak mo Cath?" natatawang tanong ko.

"Hindi no! Yung jowa ko kasi di ko kaklase kaya di ko naisip yan."

"Sus, Cath! Pang ilan na yan?" tanong ko.

"Umm.. This school year, pang apat palang." sagot nya at agad ko syang binatukan. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Wag mo kong itulad sayo Rafi. Natural na sakin to no!" natatawang sabi nya. Di nalang ako umimik. Hayst! Mapaglaro talaga sya pagdating sa pagkakaron ng kasintahan. Ewan ko nga kung lalaki ba ang hindi seryoso o sya. Di naman kasi sya mahilig magkwento tungkol sa mga lalaki.

"Iba talaga yan kaibigan mo no?" natatawang sabi ni Naze.

"Oo! Kaya nga pati ikaw dinamay ko sa mga manloloko." natatawang sabi ko.

"Oo nga. Naalala ko pa. I prove you wrong naman diba?" tanong nya at kumindat sakin.

"Tse! Di natin masasabi yan." pagseseryoso ko.

"Hon naman. Hanggang ngayon ba---"

"Joke lang!" natatawang putol ko sa sasabihin nya. Nakakatawa talaga yung aburido nyang mukha. Di na sya nakapagsalita pa dahil dumating na ang adviser namin.

"Good morning class!"

"Good morning, Sir!" sabay-sabay na pagbati namin.

"As of now, half day lang ang class nyo pero babalik kayo ng 3:00 PM para sa exam at presentation para sa inyong major. Kaya ako na mismo ang magsasabi ng scores nyo every subjects. Mag start na tayo!" masiglang sabi nya. Naglabas agad ako ng notebook para isulat ang score namin ni Naze kada subject. Para na rin maikumpara namin pag natapos. Sa bawat examination namin 50 items lang.

Natapos na si Sir sa pagbanggit ng mga scores namin. Agad naming ikinumpara ni Naze ang mga scores namin.

Ako Naze
Gen. Math - 30 37
Komunikasyon
at Pananaliksik- 40 39
EALS- 46 40
EAPP- 40 40
RAC- 45 40
P.E- 40 43

At ako ang nagwagi!

"Sabi ko naman sayo hon, sumuko ka na. Ayan tuloy natalo kita." at tumawa ako dahil mukha na naman syang aburido.

"Baka nandaya ka hon." pang-aakusa nya.

"Break na tayo." seryosong sabi ko. Pero sa kalooban ko nagbibiro lang ako. Grabe sya mang akusa! Aasarin ko na!

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now