"Kunan mo ako ng tubig." utos ko kay Naze. Ngayong lunes ko sisimulan ang pagiging master niya. Hindi ko lubos maisip na ganito pala kasaya kapag may tagasunod ka. Though naaawa ako sa kanya. Hindi pwede, deal is deal."Ano pang gusto mo, hon?" nakangiting tanong niya kahit bakas na ang pagod sa kanyang mukha. Noong una ay akala ko mahihirapan kaming bumalik sa dati ngunit nagkakamali ako. Ngayong alam ko na ang gustong gawin ng ate ko, nagkaroon akong takot kaya walang lugar ang galit ko sa kanya gayong hindi naman niya talaga yun sinasadya. Napangiti ako at idinipa ang aking braso.
"Lapit ka sakin." at agad naman siyang lumapit. Niyakap ko siya ng mahigpit. Takot na baka pagbitaw ko ay mawala siya sa akin na parang lobo. Aagawin ng iba at itatali malayo sa akin. Napapikit naman ako sa naisip ko. Hindi, hindi yun pwede. Kami lang dapat ni Naze. Mahal niya ako kaya hindi siya kailanman malalayo at maaagaw sa akin.
"May problema hon?" nagtatakang tanong niya na nagpagising sa mga masasakit na pangyayaring naiisip ko. Alam niya talaga kapag naglalambing ako. Alam niyang may problema ako kaya naman napangiti ako kahit bakas doon ang takot.
"Ano kasi... Si Ate, wala pa siyang ginagawa, isang linggo na ang nakalipas diba? Hindi naman sa gusto kong sirain niya tayo. Ang akin lang, baka mas malala yung plano niya,"
"Hindi ko hahayaang mangyari yun, okay?" aniya at napatango nalang ako. Napanatag ng lubusan ang nararamdaman ko.
"Paypayan mo ko." utos ko at agad naman siyang sumunod gamit ang dala niyang libro. Malakas ang simoy ng hangin ngunit para sakin hindi yun sapat. Nasa rooftop kami ng building ng school. Lugar kung saan ko siya sinagot.
"Baba na tayo." sabi ko nang mapagtantong matagal-tagal na kami. Napanguso naman siya at agad akong nagkunot ng nuo. Problema nito?
"Bakit?" tanong ko.
"Nakalimutan mo talaga," aniya na mas lalong nagpakunot ng nuo ko.
"Anong nakalimutan ko?"
"Hayst! Kung hindi lang kita mahal..." aniya at bumulong bulong pa ng mga salitang hindi ko na narinig.
"Ano nga?" tanong ko habang pababa kami. Nagtataka pa rin talaga ako!
"Nakakatampo ka hon," nakangusong sabi niya at agad kong pinisil ang kaniyang pisngi.
"Ang cute mo! Ano nga?"
"Happy monthsarry..." bulong niya sa tenga ko. Agad naman akong napapikit ng mariin habang nakaiwas ang mukha ko sa kanya. Oo nga pala! Bakit ko ba nakalimutan?
"May celebration pala yun?" tanong ko upang mapagtakpan na nakalimutan ko talaga. Kaya pala inaya niya ako sa rooftop. Now I know.
"Hon naman!"
"Sorry naman!"
"Ang daya mo!" akusa niya at napatawa naman ako.
"Sorry. Oo na! Nakalimutan ko." pag-amin ko at napakamot siya sa kaniyang batok.
"Punta ka mamaya sa ressort namin mamaya ah?" aniya nang makatapat na kami sa room ko.
"Bakit naman?"
"Basta!"
"Hindi ako pupunta dun kapag di mo sasabihin," banta ko at napabuntong hiningan naman siya.
"Surprise hon. Surprise."
"Nako!"
"Hon naman. Kung ano ano kasing iniisip mo. Hindi yun!" depensa niya.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...