CHAPTER 35

393 12 0
                                    



"Magagalit ako sayo kapag nagbibiro ka sakin." pagbabanta ko at tumango tango siya.

"Totoo, tingnan mo itong kalendaryo." aniya at iniabot sa akin ang kaniyang cellphone.

"January 17," banggit ko sa petsa ngayong araw.

"Oo, Eam. Sorry..." aniya.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa may pumasok na doktor at nagsabing pwede na akong lumabas matapos niyang i-check ang kung ano sa akin.

"Lalabas na tayo." aniya nang matapos akong magpalit ng damit at sabay kaming naglakad palabas ng hospital. Nagtataka pa rin ako. Kagigising ko lang pero papalabasin na agad? Sa anim na buwang comatose ang alam ko ay may mga test pa iyan at therapy kasi matagal akong nakahiga. At saka, sila Mama? Bakit wala sila kung ganun katagal ang pagkakatulog ko. Tumingin ako sa gawi ni Naze at nag-iwas siya ng tingin.

"Naze," may pagbabantang tawag ko sa kaniya ngunit hindi niya ako pinansin at inalalayan akong pumasok sa kaniyang sasakyan.

Habang nagmamaneho siya may pinipindot siya sa kaniyang cellphone.

"Naze? Nagsasabi ka ba ng totoo?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Seryoso siyang nagmamaneho at tikom na tikom ang kaniyang bibig. Tila may pinipigilan.

"Alam mo ba, sobrang natakot ako nun..." pagkukwento ko sa kaniya. Wala siyang balak magsalita pero ako maraming gustong sabihin.

"Lalo pa nung nanigas yung binti ko. Nawalan na talaga ako ng pag-asa na kasi pumapailalim na ako, eh." dagdag ko at namuo muli sa aking mata ang mga luha.

"Tapos, Naze. Pumikit na ako nun. Tinatanggap na iyon na talaga ang katapusan ko." nagkibit balikat ako at tumulo ang mga luha ko.

"Tapos, b-bago pa tuluyang maubos ang hininga ko, nagulat ako kasi bigla akong nakalanghap ng hangin. Nailigtas mo na pala ako. Kaya nagpapasalamat ako sayo, Naze." pagtatapos ko ng kwento ngunit di pa din siya nagsasalita.

Umusbong muli ang mabilis na pagbagsak ng mga luha ko.

"N-Naze?" tawag ko sa kaniya. Nagulat ako ng bigla niyang itinigil ang sasakyan. Dali-dali niyang kinalas ang kaniyang seat bealt at niyakap ako ng mahigpit.

"Im sorry, honey. Hindi ka pwedeng mawala sa akin, okay? Kaya hinding-hindi ko hahayaang malunod ka doon." aniya at tumangon ako. "Please, don't cry. I'm ruinning the plan." aniya at isinubsob ang mukha sa aking leeg. Niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Anong plan?" tanong ko habang pinapakalma ang sarili.

"Honey..."

"Yes?"

"Malalaman mo rin," aniya at tumango na lang ako. Ayaw ko nang pilitin pa dahil wala talaga siyang balak magsalita.

"Pupunta tayong La Condeza?" gulat na tanong ko habang binabaybay namin ang kalsada patungo roon.

"Oo," sagot niya at hindi na nadagdag pa.

Mataas pa ang sikat ng araw ng makarating kami sa La Condeza. Katulad ng kanina, inalalayan niya akong bumaba at tinungo namin ang aming tahanan. Dahan-dahang pinihit niya ang door knob at nang mabuksan iyon,

"Happy birthday, Rafina!" masayang bati ng nasa loob. Napaluha ako sa saya ng makita ang mga magulang at kaibigan ko sa loob.

"Sorry, hon." bulong ni Naze bago kami pumasok. Kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran.

"Leche ka! Dalawang araw lang akong tulog!" singhal ko sa kaniya.

"Okay ka lang ba, anak?" tanong ni Mama at binigay sa akin ang cake na sisindihan ng kandila.

"Opo." sagot ko.

"Nag-alala kami sayo. Buti at nailigtas ka ni Nazer." bulong ni Mama at sinindihan ni Ate ang cake ko.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday to you!" maligayang pagkanta nila.

"Wish na!" sabay sabay na sabi nila at pumikit ako bago hinipan ang apoy na nasa kandila.

"Yehey!" masayang sabi nila.

Nagkwentuhan at kainan kami. Palaging pumapasok doon ang muntik kong pagkalunod. Laging humihingi ng paumanhin si Naze dahil siya daw ang may kasalanan at agad ko iyong pinapabulaanan.

Masayang masaya ako para sa kaarawan ko ngayon. Kahit pa nung nakaraan lang ay muntik nang bawiin ang buhay ko.

"Bakit ka nagsinungaling?" nakanguso kong tanong kay Naze habang naglalakad kami sa dalampasigan ng Calle Arieta. Medyo maliwanag dahil sa mga street lights at sa bilog na buwan.

"Utos ng Mama mo." aniya at mas lalong humaba ang pagnguso ko.

"Bakit mo sinunod?"

"Kasi magulang mo sila." sagot niya at hindi na ako umimik pa. Kapwa tahimik kaming dalawa hanggang sa binasag ko na ang katahimikan.

"Akala ko lalayuan mo na ako?" tanong ko nang maalala ang  nangyari sa araw na yun.

"Dahil sa desisyon kong iyon kaya ka napahamak. Kaya hindi, hindi na ako lalayo sayo. Kahit pa maubos ako." sagot niya at napanguso ako. Pinipigilang mapangiti. Umupo ako sa buhangin at sumunod siya.

"May pasabi sabi ka pa dun na gagayahin mo ang paninindigan ko--"

"Shut up or I'll kiss you? Choose."

"Eh, bakit mo binali yung paninindigan mo? Aka--"

Katulad ng sinabi niya, ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig at dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa akin, nag-iwas ako ng tingin. Napanguso ako at malutong siyang humalakhak.

"My honey wants kiss from me," aniya at  mas inilapit ang mukha sa akin.

"Suntukin kaya kita?" sabi ko at halos kutusan ko ang sarili ng hindi iyon naging tunog pagbabanta ngunit isang malambot na boses! Shems!

"Hmm?" nakangisi tanong niya.

"Naze!" tunog saway dapat iyon ngunit malambing ang kinalabasan. Mas lalo siyang napahalakhak. Inilapit niya pa lalo ang kaniyang mukha sa akin, bahagya na rin akong nakaliyad sa pagkakaupo. Habang siya ay nakaluhod sa harap ko. Nagsasangkian na ang ilong naming dalawa at nag-init ang mukha ko dahil sa posisyon naming dalawa. Masyadong malapit!

"Hindi mo ko susuntukin kapag hahalikan kita?" tanong niya at nararamdaman ko na ang kaniyang hininga sa aking labi. Inabot ko iyon at napatawa siya. Nakakahiya!

"Sagutin mo muna," aniya.

"Hindi." mahinang sagot ko at tuluyan niya na akong inatake ng halik.

He planted a soft kiss on my lips. Then, a passionate one. Paulit-ulit ngunit kapwa hindi nakakakuntento. I never felt this way before, ngayon pa lang... sa piling ni Naze. Kung sana alam ko lang na maganda pala ito sa pakiramdam. Shems! Kailan pa ako nahilig sa halik?!

Ngayon lang! Sigaw ng konsensya ko.

Nang sa sumunod na halik ay mas malalim, mas matagal. Kaya naman ng bumitaw kami sa isa't-isa ay pareho kaming naghahabol ng hangin. Napangiti ako sa kaniya ganun din siya sa akin.

"Kaya pala mahilig ka sa kiss." natatawang sabi ko at napatawa rin siya.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now