CHAPTER 4

452 22 6
                                    



Nang kinaumagahan ay ikwenento ko kay Cath ang pangyayari kaya naman panay ang tili nya. Nagtitingin na rin sa min yung mga classmates namin dahil sa ingay nya.

"Cath, wag ka ngang maingay." Saway ko sa kanya.

"Yieee... sabi ko na nga ba eh, crush mo si Nazer."

"Hindi nga sabi, kaya tumahimik ka na."

"Asus! Crush mo?" tudyo nya ulit.

"Hindi nga!" depensa ko habang sinusupil ang kumakawalang ngiti.

"Yieeee! Ikaw ah! Nazer! Nazer! Na--"

"Ano ba?! Ang kulit mo! Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sayo" saway ko sa kanya.

"Sabi na nga ba eh! Oh? Namumula yung mukha mo! Yieeee. Crush niya si Kim Nazer!" biglang sigaw nya at napatakip ako ng mukha dahil sa mga tingin ng mga kaklase ko. Yung iba napapalakpak pa. Naku naman! Nakakahiya! Lamunin na ako ng lupa! Ngayon na!

"Ayieeeeee!" tudyo ng lahat at napapikit nalang ako sa hiya.

Agad akong naglakad palabas ngunit di pa ako nakakalabas ng biglang bumunggo ako sa isang bulto. Nag angat ako ng tingin at mas lalong nadagdag ang hiya ko ng makita ko si Naze! Shemay! Nakakahiya!Ramdam ko na ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Uyy! Nandito ka na pala, Nazer. Crush ka pala ni Rafina!" sigaw ni Denver, kaibigan nya.

Agad akong umiwas sa kanya at binilisan ang paglakad palabas ngunit di pa nakakalayo ay hinawakan niya na ang kamay ko para pigilan ako.

"Eam, crush m-mo ba talaga ako?" halos nauutal nyang tanong at nananatili akong nakayuko. Bat ba pinapaulit niya pa?! Nakakahiya!

"Aahh, ehh.. Haha... A--ano kasi... Umm.. Ano..." nauutal rin na simula ko.

"Ano kasi, Eam... Can you please look into my eyes?" sabi nya, hindi rin mapakali.

"Kelangan pa ba?" kinakabahang tanong ko.

"Oo.. Dali na, Eam!! Habang malakas pa ang loob ko" pamimilit nya.

"Sige" sabi ko at unti unting tumingin diretso sa kanyang mata. Ang pagtama ng aming mga mata ay nagbigay sakin nang napakalakads na tibok ng puso. Nakakahiya kasi baka marinig nya. Ngumiti ako at ganun din sya.

"I like you Rafina Eam Velasquez. Since I meet you. I never thought that we feel the same, mas malalim nga lang sakin. Pero, totoo ba talaga na crush mo ko?" tanong nya. Bigla akong natulala ng sabihin nyang gusto niya ako. My ghadddd! Kinikilig ako. Ngumiti ako.

"O-oo naman!" sabi ko at bigla akong napapikit ng yakapin nya ako ng mahigpit.

"Ayieeeeeee!" tukso ng mga kaklase ko. Di ko man lang naalala na nadyan sila.

"Salamat" he whispered

"Dahil?" tanong ko habang nakayakap pa rin kami sa isat isa.

"For liking me too. Since when?"

"Ganyan ka ba pag kinikilig, nag e english?" natatawang tanong ko.

"Maybe?" aniya at bumitaw na sa pagyakap ganun din ako. Napatawa ako.

"Nung una din kitang nakita" sabi ko.

"Pareho pala tayo" sabi nya. Magsasalita pa sana ako ng biglang sumigaw si Denver.

"Love birds! Pasok na! Magkaklase na!"

"Okay!" nakangiting sabi ko at hinawakan ko ang kamay nya para hilain sya. Napahinto ako nang makitang naestatwa sya at nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. Pinamulahan ako ng pisngi pero di ko na yun pinansin at hinila ko pa sya para makabalik na kami sa classroom.

"Uuwi ka na?" tanong nya sakin nang matapos ang huling klase.

"Yup!" nakangitinh sabi ko. Nag-uumapaw na ligaya ang nararamdaman ko.

"Sabay tayo ulit?" nakangitinh tanong nya at tinulungan ako sa pagliligpit ng gamit.

"Malamang! Iisa lang naman yung sinasakyan natin eh."

"Uyy! Rafi, mauuna na ako ah." paalam ni Cath. Tumango nalang ako sa kanya.

"Mahilig ka sa blue?" tanong ni Naze at nakita kong hawak nya ang wallet ko.

"Yes. Pano mo naman nasabi?" nagtatakang tanong ko. Unless tinitingnan nya lahat ng gamit ko.

"Nakikita ko. Every subject kasi puros blue lang yung nakikita ko sa table mo." aniya.

Sabi na nga ba eh, tumitingin sya.

"Ikaw ah! Baka mainlove ka sakin nyan." pagbibiro ko at nagsimula nang maglakad palabas ng campus.

"Wala namang masama kung mainlove ako sayo diba?" seryosong boses na tanong nya at agad akong napalingon sa kanya. Nagtama ang mga mata namin kaya naman biglang bumilis ang pagpintig ng puso ko. Di ko man lang namalayan na napahinto pala ako.

"Haha." yun lang ang nasabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Akward.

I don't know what to say. Masyado pa kaming bata para sa love. Kung oo naman, baka puppy love lang. Nawawala. Di nagtatagal. Kung mamahalin nya man ako, gusto ko yung love na hindi nawawala o napapalitan. I dont want to risk my heart on temporary happiness. Dapat pangmatagalan. Kasi alam ko sa sarili ko, kapag sumugal ako. Alam kong ako ang talo dahil buong pag ibig ang ibibigay ko. Pangmatagalan at hindi nawawala.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now