"Umuwi ka na!" pagtataboy ko kay Naze ng mag-uwian. Pinipilit niya akong ihatid kahit ayoko naman."Ihahatid kita." pagmamatigas niya ngunit nababakas dun ang pagkapahiya
"Naze naman! Wag kang makulit!" inis na singhal ko.
"Sasaya ka ba kapag susundin kita?" mahinang tanong niya na nagpabalik ng isang alaala mula sa nakaraan. Nasasaktan ako habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Puno ng sakit at kalungkutan.
"A-Ano... Oo!" halos mautal na sagot ko.
"Sige. Ingat ka." aniya at bagsak ang balikat na naglakad palayo sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi pwede! Kahit anong gawin niya at kahit gaano pa siya masaktan, hinding hindi ko siya bibigyan ng pagkakataon.
Kung noon ay nagagawa kong sirain ang limitasiyon ko, ngayon hindi na. Hindi niya ako maloloko. Hinding hindi ako maniniwala sa paliwanag niya.
"Nandyan na manliligaw mo!" tudyo ni Cassy nang makita si Naze sa tapat ng pintuan. Inirapan ko lang siya. Ilang linggo na siyang ganito. Susunduin ako sa classroom namin at ihahatid sa Canteen para sa lunch. Sa uwian naman, ihahatid niya ako sa sakayan ng tricycle. Sa ilang linggo na iyon ay hindi ako nagtangka pang kausapin siya. Dahil alam ko na kapag pigilan ko siya ay hindi siya papayag. Ayoko na siyang makitang malungkot pero ayoko ring sirain ang limitasiyon na inilaan ko.
"Naze?" tawag ko sa kaniya. Hindi ko na kaya pang makita siya ulit bukas. Hindi ko na kayang makita siyang pinipilit maging masaya kapag ngumingiti siya. Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan dahil sa akin. Dahil kung ang pagkakataon ang inaasahan niya sa akin. Hinding-hindi mangyayari.
"Bakit?" tanong niya at huminto sa paglalakad. Napahinto rin ako.
"I-Itigil mo na," sagot ko.
"Huh?"
"I-Itigil mo na yang ginagawa m-mo." halos mapiyok ako ng sabihin iyon. Nagbabara na ang lalamunan ko at pinagpapawisan na ng malamig ang kamay ko.
"Eam, no."
"Naze, please! Wag mo namang pahirapan ang sarili mo! Hindi ko ibibigay sayo ang gusto mo! I will never ever give you another chance!"
"Eam, I waited for you! I waited for almost a year! Sa loob ng sampung buwan na iyon, hindi mo ako binigyan ng karapatang magpakita sayo! Kaya hindi ako papayag na hindi ko man lang mapatunayan ulit ang sarili ko sayo!" he reasoned. Naglakad akong muli para iwan siya. Napahinto ako sa waiting shed.
Bumuhos na ang luha sa mga mata ko. Shems! Bakit naman ako iiyak? Nagulat ako sa biglang pagbuhos ng ulan. Nakakainis naman. De javù na naman! Ulan!
"Eam, pabayaan mo lang ako. Maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako basta mapatawad mo lang ako." aniya at umiling iling ako. Lumunok ng marahas at pinalis ang luhang tumulo mula sa aking mga mata.
"Naze... hindi nga pwede! Hindi na pwede! Tapos na tayo diba? Nagkausap na tayo! Pinakinggan na kita! Tama na." pakiusap ko. Natahimik kaming dalawa. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Nakatitig lang ako sa kawalan. Nagulat ng bigla niya ako niyakap mula sa likuran.
"N-Naze..." nanghihinang tawag ko sa kaniya. Pinipilit na huwag muling umiyak.
"Honey, please? G-Give me another chance... Hindi ko kayang ganito tayo. Just... just only one, honey." pakiusap niya at ipinatong ang baba sa aking balikat. Napalunok ako ng marahas. No, don't let your tears roll down to your cheeks.
"Hindi nga pwede." mahinang sagot ko. Kumawala siya sa kaniyang pagkakayakap at hinarap ako. Kita ko sa kaniyang mata ang pagod, sakit at... galit. Galit na hindi para sa akin. Namumula na rin ang kaniyang mga mata.
"Itigil ko na?" tanong niya sa akin ngunit hindi ako tumango o di kaya'y umiling. Naglakad siya palayo sa akin. Tila nag-iisip ng kung ano.
Halos mainis ako sa sarili ko sa hindi pagsagot sa tanong niya. Madali lang iyon! Dapat tumango ako para tapos na!
Nagulat ako sa kaniyang pagkilos. Pinanatili kong matuwid ang aking pagkakatayo habang papalapit siya sa akin. Kahit na halos manghina na ang mga tuhod ko ay nagmatigas ako. Naramdaman ko ang sakit sa aking puso habang nakatitig sa kaniyang galit na mga mata. Nag-iwas ako ng tingin nang isang metro nalang ang agwat namin.
"Gusto mo ba akong tumigil na?!" parang kulog ang sigaw niya. Muli ko siyang tinitigan sa mata kahit na nasa loob ko ay halos hindi na ako makahinga.
"Eam, ano?! G-Gusto ni bang t-tigilan na kita?! G-Gusto mo bang l-layuan na kita?!" muling sigaw niya. Napalunok ako dahil parang itinarak ang punyal sa aking puso habang nakikita ko siyang nasasaktan. Parang gusto ko na ring umiyak pero kailangan kong pigilan. Lumapit siyang muli sa akin. Kinain ang natitirang espasyo at ipinatong niya ang kaniyang nuo sa aking balikat. Napalunok ako, umaasang madala nun ang bumabara sa lalamunan ko. Halos magkasugat na rin ang aking labi sa kakalagat para lang mapigilan ang pagluha. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.
"Kasi, Eam. P-Pagod na pagod na ako pero ayoko pa ring tigilan ka. Kahit m-masakit sa tuwing ipinagtatabuyan mo ako. Kahit na sobrang sakit kapag hindi mo ako p-pinapansin. Hanggat wala kang sinasabing t-tumigil ako, ipagpapatuloy ko pa rin, Eam. Kahit na maubos ako. Kahit wala ng matira kahit kaunti para sa akin. Isusugal ko lahat ng meron ako, Eam. P-Pero kung... pero kung sabihin mong tigilan na kita. L-Layuan na kita... Sabihin mo lang, honey. Susundin ko lahat para lang maging masaya ka." nanghihinang sinabi niya at naramdaman ko ang pagpatak ng mainit na luha mula sa kaniyang mga mata. Halos tumulo na rin ang mga luha ko ngunit mas pinatatag ko ang aking kalooban. Buong lakas ko siyang itinulak at nagtagumpay ako dahil na rin sa panghihina niya.
"Oo, Naze! L-Layuan mo na ako! Tigilan mo na ako!" buong lakas na sigaw ko kasabay ng malakas na pagkidlat. Tumalikod ako sa kaniya para lumayo at pumunta sa kabilang bahagi ng sakayan ng bigla niya akong hinila. Napaharap ako sa kaniya at agad niyang hinawakan ang magkabila kong braso. Puno na ng luha ang kaniyang mga mata. Nag-iwas ako ng tingin.
"Naze! Tama na!" buong lakas na sinabi ko kahit na unting-unti nalang ay bibigay na ako. Hindi ko man kaya siyang makitang ganito pero he deserves it!
"Oo, titigil ako. But why I can see the pain and grief in your eyes?"
"Naaawa lang ako sayo!" agad na sabi ko. Bumalatay bigla sa kaniyang mukha ang pagkabigo ngunit napalitan iyon agad ng malungkot na ngiti. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Hindi ako naaawa sayo, Naze. Nasasaktan ako. Nasasaktan dahil ito ang kinahinatnan nating dalawa.
"Kung ganon," aniya at ipinatong ang kamay sa aking dibdib, kung saan banda ang puso. Napasinghap ako.
"Bakit malakas at mabilis pa rin ang tibok nito para sa akin? Ibig sabihin... mahal mo pa ako." sigurado niyang sinabi at agad kong tinabig ang kaniyang kamay.Natulos ako sa kinatatayuan dahil sa sinabi niya. Oo, hindi ko itatanggi. Mahal pa rin kita, Naze. Pero hinding hindi ko iyon aaminin sa iyo. Hinding hindi ko hahayaang malaman mo ang totoong nararamdaman ko para sayo. Hindi mangyayari yon.
Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko na balak pang sagutin ang sinabi niya. Dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kaya iyong itanggi at aminin ang totoo, kaya mas mabuting manahimik na lang.
Napasinghap ako sa biglang pagtulo ng kaniyang luha. Hindi ko kayang makita yon. Nag-iwas ako tingin.
"Neng, sasakay?" napatingin ako sa tricycle na huminto sa tapat namin. Hindi na ako nagsalita pa. Dumiretso na ako sa tricycle at iniwan siya.
Sa pangalawang pagkakataon, iiwan ko ulit siya.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...