Halos mag-iisang buwan na simula ng malaman ko ang totoo. Nung una ay akala ko madali lang sabihin yun ngunit nagkamali ako. Katulad kasi ng sinabi ko, lumayo na siya sa akin. Ni hindi nga kami halos magkita kung hindi ko pa sasadyain. Sa dalawang linggo ay hindi ako gumagawa ng aksyon dahil akala ko pagkalipas ng isang linggo ay mangungulit siya ngunit nagkamali ako. Sa pangatlong linggo ay kumilos na ako.Naaalala ko pa rin ang unang attempt ko sa pagsabi ng totoo sa kaniya.
Lunes iyon ng hapon, pasakay na siya ng kaniyang sasakyan ng bigla akong lumapit. Tumingin siya sa akin habang nakakunot ang nuo. Hindi pa ako nakakapagsalita ay sumakay na siya at umalis ng walang sinabi. Gusto ko mang mainis pero wala ako lugar para gawin iyon. Inulit ko yun hanggang Martes kaso bigo.
Nang mag-miyerkules naman ay sinundan ko siya. Sa sobrang pagsunod ko ay nahuli niya ako.
"Anong ginagawa mo?" tila kasing lamig ng yelo na tanong niya.
"May titingnan lang sa u-unahan. U-Umm, ikaw?" patay malisya kong tanong.
"Malinaw na tayo, Ea-- Rafina." aniya na parang alam niya ang ginagawa ko at naglakad palayo.
Gusto ko mang sumigaw sa inis ay hindi ko na ginawa. Tama naman siya! Malinaw na ang lahat. Malinaw na malinaw.
At isa pa! Bakit Rafina?! Di ba dapat, Eam? Eam ang tawag niya sa akin!
Huwebes ng umaga late na akong nakapasok dahil sa late na rin akong nagising. Epekto ni Naze! Leche!
"Pinapatawag ka, Rafi." sabi ni Lupe, kaklase ko.
"Sino?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Si Ma'am Ria, may utos ata sa iyo. Punta ka nalang sa faculty." aniya at tumango ako.
Katulad ng kaniyang sinabi ay pumunta ako sa faculty office. Nakangiti kong tinungo ang table ni Ma'am Ria.
"Good morning, Ma'am! Pinapatawag niyo daw po ako?" magalang kong turan.
"Oo! May emergency kasi at kailangan kong umalis. Uutusan sana kita. Okay lang ba?"
"Opo!"
"Mabuti. Uutusan sana kitang magturo sa junior high school, Grade 10. Mababait naman iyon. Tutal ay wala namang kayong klase ngayong umaga. Ang gagawin mo lang ay ituro ang formula ng fibonacci at siya na ang bahalang magpa quiz." aniya.
"Okay lang po!" sagot ko. "Atsaka, Ma'am sinong 'siya' po ang tinutukoy niyo?" nagtatakang tanong ko.
"Ayan na siya!" nakangiting sabi niya at tumingin sa likod ko. Dahan-dahang lumingon ako at nagulat ako sa presensya ni Naze.
"Good morning, Ma'am!" pagbati niya at tila isa lang akong hangin na hindi niya nakikita. Nakakainis!
"Bagay na bagay!" tudyo ni Ma'am. Napangiwi ako na siyang dahilan ng malutong niyang paghalakhak.
"O siya! Sige mga bata, kayo na ang bahala sa mga estudyante ko." aniya at tumango lang ako. Iniabot sa akin ni Ma'am ang libro. Napatingin ako sa gawi niya at tinatamad niya akong tiningnan.
"Tara na." walang buhay niyang sabi.
"Okay." sagot ko at sumunod sa kaniya.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...