"Salamat po." sabi ko sa driver at bumaba na. Pumasok ako sa bahay at gaya ng nakasanayan, naghanda ako ng makakain. Habang ginagawa ang pagluluto ay hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng mga luha ko simula pa ito kanina nang iniwan ko siya.Nang matapos kumain at maghanda sa pagtulog. Sa wakas, nakahiga na rin ako sa aking malambot na kama.
Muling sumagi sa isip ko ang nangyari kanina. Na siyang dahilan kung bakit bigla na namang tumulo ang luha sa mga mata ko.
Our situation now is a pure mess! I can't forgive him. I can't give him a chance.
Pero dumadaan rin sa isip ko na... bigyan ulit siya ng pagkakataon. Baka... tama naman talaga siya.
Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
Hindi pwede! Yung limitasiyon! Ayoko nang sirain pa dahil lang sa kaniya.
Oo, mahal ko siya! Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko mas mahal ang sarili ko!
Napailing ako at napatulala sa kisame. Limitasiyon nga ba talaga o takot lang ako? Takot na masaktan ulit.
Hindi niyo naman ako masisisi. Nadala lang ako. Unang beses ko pa lang kasi naramdaman ito.
Kapag ba bibigyan ko ulit siya ng pagkakataon, okay na? Mabubura ba nun ang ginawa niyang—
Nevermind!
Kahit na anong gawin ko. Kahit na makita ko siyang nasasaktan dahil sa kilos ko. Wala na akong magagawa pa. Hahayaan ko na siya.
Nakatulugan ko na lang ang pag-iisip sa gabing iyon. Bumangon ako ng magising at halos maningkit ako. Namamaga ang mga mata ko! May pasok pa naman ngayon!
Napatingin ako sa orasan at nakitang late na naman ako! Binilisan ko ang kilos ko. Naligo, nag toothbrush at nagbihis. Habang nagsasapatos ay nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko. Hudyat ng alarm clock. Pinatay ko yun at napahinto nang makita kung anong araw ngayon.
Sabado!
Leche! Walang pasok! Tinatamad na nagbihis ako. Muling humilata at walang balak na bumangon. Paulit-ulit kong iniisip ang pangyayari kahapon.
Naistorbo lang iyon ng makarinig ng pagkatok mula sa labas. I languidly open the door.
"Rafina!" hiyaw ni Cath at sinugod ako ng yakap. Hindi pa ako nakakabawi nang pinaulanan niya na ako ng tanong.
"Ang aga mo namang naligo? Bakit namamaga yung mata mo? Kinagat ng lamok, ipis o langgam? Naku! Hindi ka kasi nagkukulambo! Teka... namamaga at naniningkit! Umiyak ka? Bakit? Sinong—"
"Pwede ba! Dahan dahan lang sa pagtatanong!" singhal ko at natigilan siya.
"Dragon?" aniya at humagalpak sa tawa.
"Umalis ka na lang kung wala kang maidudulot na mabuti!"
"Hindi mo ba ako namiss?" lambing nito habang pabirong binabangga ang siko ko.
"Maghanda ka ng kakainin. Tinatamad ako." tanging sinabi ko at humiga sa sofa.
"Ano bang nangyari?" aniya na parang showbiz reporter.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...