CHAPTER 27

296 10 0
                                    


Enjoy reading, Shimies!❤️

KIM NAZER

Mabagal ang pagtakbo ng oras. At sa araw-araw na yon ay namumuhay akong parang patay. Simula ng umalis siya. Oo, iniwan niya akong tuluyan. Galit sa akin lahat ng taong pinapahalagahan siya. Hindi nila alam, mas nagagalit ako sa sarili ko.

"Anak! Ano bang balak mo sa buhay mo?!" naiinis na tanong ni Mama nang makapasok siya sa silid ko. Isa na namang araw na puno ng sermon.

"Sinasabi ko na nga ba't walang pakinabang ang babaeng iyon sayo! Tingnan mo ang sarili mo! Buhay ka nga pero umaasta kang patay! Anak naman!" litanya ni Mama at tinatamad na tumingin ako sa kaniya.

"Ma, nasaan na siya?" tanong ko sa kaniya at agad siyang napailing, iniwanan akong mag-isa.

Wala akong alam na bagay tungkol sa kaniya mula ng umalis siya. Kahit mga magulang niya, ayaw nilang sabihin sa akin. Laking pasasalamat ko nga't kahit papano ay napapakitunguhan nila ako ng maayos kahit na batid kong nagagalit sila sa akin.

Napaisip ako at may biglang tumama sa akin isipan. Napabalikwas ako sa kinahihigaan. May CCTV ang cabin na iyon! Hindi na ako nag-abalang magbihis pa at agad na kinuha ang susi ng motor papuntang resort.

Pagkadating ko pa lang ay dumiretso na ako sa Security System at pinagawang tape ang pangyayari sa gabing iyon.

Kinakabahan ako habang tinatahak ang daan patungo sa bahay nila. Sa wakas! Babalik na ulit siya kapag nakita at napanuod niya ito.

"Magandang umaga po, Tita." magalang na bati ko sa kaniyang Ina.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Nakangiti siya ngunit batid kong puno iyon ng pait.

"Gusto ko lang po sana itong ipabigay kay, Eam." at iniabot ko sa kaniya ang tape. "Ayan po kasi ang magpapatunay ng mga pangyayaring  akala niya ay totoo." paliwanag ko at tumango siya. Nagpasalamat ako at umalis na ng bahay nila.

Iyon ang nagbigay sa akin ng malaking pag-asa. Ngunit dumaan na ang ilang buwan ay hindi pa rin siya nakakabalik. Nakapagpaliwanag na ako kay Denver. Si Cath naman, ayaw akong kausapin. Si Cath, siya nalang ang pag-asa ko ngunit agad niya akong tinatalikuran kapag magsasalita na ako.

Tanghali na ngayon at papunta na ako ng Canteen para kumain ng tanghalian. Biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na mayroong mensahe. Agad ko iyong kinuha at napakunot ang nuo nang mabasa ang pangalan ni Nathaniel.

Nathaniel:
Bro, may bago kaming kaklase dito! Jan galing sa school mo ngayon. Ngayon ko lang naisipang sabihin. Nagkakainteres kasi ako...

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkabasa nun. Hindi na ako nagreply pa. Gusto ko mang magalit kay Nathaniel ay ipinagpaliban ko muna. Kailangan kong umalis kahit walang kasiguraduhan. Umaasa pa rin akong si Eam nga ang tinutukoy niya.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Pumunta ako sa parking lot at sumakay sa motor. Nang mapaandar iyon ay agad kong pinaharurot, papunta sa dating paaralan ko. Kahit malayo, para sayo honey, gagawin ko.

Mabilis ang tahip ng puso ko pagkadating doon. Nagsisimula na ang klase nila dahil alas-dos na ng hapon. Pinapasok ako ng guard dahil sa kilala niya ako at pinaupo sa loob ng guard house. Hihintayin ko nalang na matapos ang klase nila.

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now