Isang maulang umaga, kaya hindi ako nasundo ni Naze. Hinatid ako ni Papa sa school. Bago ako makarating sa classroom ay nakita ko si Naze. Kasama ang babaeng yun. Hindi ko siya kilala ngunit kung titingnan silang dalawa ay parang napakakomportable nila sa isat isa...hindi parang, kasi komportable ngang talaga. Nakaupo sila sa gilid ng flower box habang sinasalo ang patak ng ulan. Parang sinaksak naman ng punyal ang aking puso ng makita ko iyon. Katulad ng unang pangyayari, hindi ako nakita ni Naze. Abala siya...abala sa iba. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang iniinda ang sakit. Sana naman, wag niya akong lolokohin, dahil ngayon palang nararamdaman ko na na maaaring mangyari yun."Tulala ka," pansin ni Cath sa akin ng matapos ang pang-umagang klase. Ngumiti ako sa kanya.
"Hindi no!" sagot ko habang pinapaligaya ang tunog ng aking boses.
"Kwento mo yan..." aniya at hinila ako papuntang library. Sa hindi inaasahan...nakita ko na naman si Naze kasama ang babaeng yun. Huminto ako sa paglalakad at ganun din si Cath. Siguro ay nagtaka kaya tumingin din siya sa direksyong tinitingnan ko.
Masayang kumakain si Naze kasama ang babae. Bago makarating sa library ay madadaanan ang Canteen. Parang sinaksak na naman ang puso ko ng makitang pinunasan ng babae ang bibig ni Naze at sabay silang tumawa. Agad akong hinila ni Cath...palayo sa taong nanakit sa akin. Nang tumigil kami sa loob ng classroom, sa sulok ay niyakap niya ako agad. Ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na ako.
"Raf, ako bahala dun. Gusto mo abangan ko sila? Gagawin ko yun! Raf, saan ang masakit? Sabihin mo..." pag-aalu niya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Humikbi ako ng mahina para hindi marinig ng mga kaklase namin na naroon.
"A-ang sakit...Cath, m-masakit..." tanging nasabi ko dahil nilamon na ng hikbi ang boses ko.
"Shh... Ilabas mo lang yan. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan... Dito lang ako." pag-aalu niya at mas lalo lang akong napaiyak. Hinagod niya pabalik-balik ang likod ko. Nang kumalma ay bumalik kami sa upuan. Nasa mata ni Cath ang kuryosidad kaya naman ay nagsalita na ako agad.
"Kaninang umaga, nakita ko rin sila. Hindi ko kilala ang babae," pauna ko at natulala.
"Ang pagkakaalam ko ay si Hannah yun! Galing sa Manila ang babaeng yun." sabi ni Cath at napailing naman ako sa naisip. Naiisip ko kasing kapatid ko ang babae na yun. "May problema ba kayo?" dagdag niya at agad naman akong napailing.
"Wala... Okay kami. Nagdate pa nga kami kahapon tapos eto? Ganito ang nangyari? Ang labo naman!"
"Raf, baka naman may nagawa kang mali..." muling sabi niya.
"Anong pagkakamali? Eh,pinagbigyan ko naman siya kahapon." simpleng sagot ko at literal na bumilog ang kaniyang bibig.
"Pinagbigyan?! As in, binigay mo na yung--" pinutol ko na siya ng mapagtantong iba ang kaniyang naiisip.
"Hoy! Anong iniisip mo? Pinagbigyan ko siya sa gusto niyang makatabi ako kahapon! Yun lang yun! Ang utak mo Cath, ang dumi!" natatawang sabi ko. Ngumiti naman siya.
"Ganyan! Masaya ka na ulit," puna niya at narealize ko kung anong ibig niyang sabihin. Ngumiti ako ulit ngunit lumabas parin doon ang lungkot.
"Hello! Nandito si Eam?" agad kaming napabaling sa pintuan ni Cath ng marinig namin ang boses ni Naze at hindi nga kami nagkakamali.
"Tara hon! Kain na tayo!" maligayang sabi niyang habang lumalapit sa akin. Agad ko namang tinapik si Cath dahil ayokong makasama muna si Naze. Mukhang nakuha naman ni Cath ang pagtapik ko kaya agad siyang nagsalita.
"Nazer, sa bayan kami kakain ni Rafi... May ipinapabili kasi sakin si Mama tapos isasama ko siya. Next time nalang kayong kumain ng sabay." nakangiting paalam ni Cath ngunit nakatakas pa rin doon ang galit.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...