Naze? Bakit mo ako niloko? Yan ang tanong na gusto kong kumawala sa mga labi ko ngunit nanginig lamang ito. Niyakap niya ako at agad akong nagpumiglas.Hindi niya ako madadala sa mga init ng yakap niya. Sinungaling siya!
"B-Bitiwan mo ako!" sigaw ko ngunit mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap sa akin.
"Anong problema?" tanong niya habang patuloy pa rin ako sa pagpiglas sa yakap niya. "Eam! Sabihin mo! Anong problema?" halos magmakaawa na ang kaniyang tinig pero hindi ako magpapadala sa mga paraan niya.
Umiling lang ako ngunit agad namang tumakas ang luha mula sa mga mata ko. Hinarap niya ako sa kanya at agad akong yumuko para hindi niya makita ang mga luha ko.
"Hon, pakiusap... sabihin mo kung anong problema..." pakiusap niya at nilaksan ko ang aking loob na tumingin sa mga mata niya.
"Problema? Tanungin mo muna ang sarili mo, Naze. Baka ikaw ang may problema." pamimilosopo ko sa kanya.
"Mag-usap tayo ng maayos. Bakit ka ba nagkakaganyan?" frustrated na tanong niya.
"Naze? Kulang ba talaga ako?" tanong ko at agad namang kumunot ang kaniyang nuo. Hindi! Hindi totoo ang mga emosyon niya. Hindi siya maaaring maguluhan dahil alam niyang ginawa niya iyon.
"Hindi! Eam, ano bang pinagsasabi mo?" tanong niya at agad namang kumulo ang dugo ko. Acting like he didn't do or know something. Peste siya!
"Hindi mo talaga alam?" panimula ko. "Nadala ka ba talaga sa langit ng babaeng kasama mo?" tanong ko habang patuloy na lumuluha.
"Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhan niyang tanong.
"Leche naman Naze! Wag mo akong gawing tanga! Wag ka nang magkunwari please? Nahuli na kita. Alam ko na kung anong klaseng lalaki ka!" paratang ko sa kanya at agad naman siyang umiling at gulo sa nangyayari.
"Naze naman! Sex? Sex lang talaga ang habol mo? Akala ko ba surpresa? Oh... Oo nga pala, surpresa! Nasurpresa mo nga ako. Nasurpresa ako sa ingay niyo habang ginagawa ang bagay na iyon!"
"Eam, wala akong ginagawang ganun..."
"Naze, umamin ka nalang..."
"Hindi! Dahil hindi ko kailanman ginawa yun!" inis na sigaw niya. Namumula na rin ang kaniyang mga mata at halos lumabas na ang kaniyang mga luha. Ang galing mo ring artista, Naze. Napailing ako.
"Sinungaling! Ilang beses mo nang nagawa yon Naze? Sabihin mo? Ilan?!"
"Wala. Eam, makinig ka sakin..."
"Hindi! Hindi ako kailanman makikinig ulit sa iyo. Alam ko kasing... p-papaikutin mo lang ako. Kaya tama siguro ang desisyon ko." napalunok ako at tiningnan siya mata. "Break na tayo..." sambit ko na siyang nagpagunaw sa mundo ko. Pinipigilan kong wag humikbi kaya hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko at tinikom ang bibig.
"No... No.... Hindi, Eam! Wag... W-Wag mo naman sakin gawin to." nabasag ang kaniyang boses. "Eam, hindi ko yun ginawa..."
"Narinig ko kayo!" sigaw ko sa kanya at umiling siya.
"Makinig ka sa—"
"Hindi ako makikinig sayo Naze..." pinal na sabi ko at agad na sumagi sa isip ko ang kasunduan namin. "Diba may kasunduan tayo? Ako diba ang mag-uutos sayo? Inuutusan kita Naze. Layuan mo ko. Kahit sa loob lang buong school year na ito. Yun lang. Yun l-lang ang u-tos ko... Masusunod ba?" tanong ko sa kanya habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Ngunit agad siyang umiling sa kagustuhan ko.
"Naze!"
"Hindi! Magpapaliwanag ako! Makinig ka—"
"Sundin mo ko!" halos magmakaawa ako ng isinigaw ko yon.
"Eam, pakiusap..."
"Naze! Sundin mo ang utos ko!" mariing sabi ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin at maya maya'y marahan siyang tumango.
Parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang mahina niyang paghikbi. Lalong piniga ang puso ko nang makita siya ganon. Nakayuko at nagpipigil ng hikbi.
Sa oras na ito, parang gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko. Parang gusto ko na lang siyang yakapin. Hayaan nalang siyang magpaliwanag hanggang sa maniwala ako.
Pero kailangan namin nito. Kulang ang pagmamahal kung walang pagtitiwala.
Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanya ngunit narinig ko ang malakas na pagpisik ng tubig. Napalingon ako sa gawi niya. Mas lalong nadurog ang puso ko nang makita siyang nakaluhod at nakayuko ang ulo.
"E-Eam... hindi ko yun... hindi ko yun g-ginawa... Mali ka ng i-iniisip... Makinig ka sakin... K-kahit s-saglit lang... Please... Yung ate mo... S-Siya ang may kasalanan... E-Eam... H-Hon, maniwala ka s-sakin... Wag mo akong iiwan... P-Please? W-Wag..." pakiusap niya. Halos hindi ko na yun maintindihan dahil halos lamunin na yun ng kaniyang paghikbi. Buong lakas ang pagpipigil ko sa sarili kong tumakbo palapit sa kanya. Hindi pwede. Kailangan niyang matuto. Kailangan niyang akuin ang pagkakamali niya. Kailangan namin itong pareho. Paalam, mahal ko...
"Paalam, Nazer..." paalam ko at naglakad na ako palayo sa kanya. Palayo sa taong mahal ko. Palayo sa
taong sinaktan ako ng husto.Totoo ngang sa una lang masaya. Masaya dahil hindi pa binibigyang pansin ang hatid na sakit ng realidad. Masaya dahil hindi iniisip ang iba.
Bakit nga ba hindi natin mapanatili yun? Bakit hindi natin magawang piliting manatili ang mga tao na nagbibigay saya sa atin? Sabagay, walang namang permante. Lahat nagbabago. Katulad ng nararamdaman ng isang tao. Dahil walang mag-asawang maghihiwalay kung hindi nawala ang pagmamahal nila para sa isa't-isa. Walang magkaibigan ang magkakasiraan kung patuloy silang nagtitiwala sa isa't-isa. Katulad ng araw sa langit, hindi permante dahil sa pagtakip ng mga ulap o di kaya'y pagdating ng gabi. Katulad ng mga bituin sa langit, mawawala sa iyong paningin pagdating ng araw pero ang totoo nananatili iyon ngunit naikukubli ng liwanag.
Changes is the only word that is permanent. Consistent. Irreplacable.
Because all things changed.
And that's the tradegy of our lives...
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...