Ilang linggo na ang lumipas nang makilala ko si Kim Nazer na muntik nang makabangga ko. Di ko pa siya nakikita simula nun dahil na rin sa hindi kami magkaklase at magkahiwalay kami ng building at inaamin ko na crush ko sya kasi wafuuuu!"Rafigirl, uwi na ako ah? Bye bye!" Paalam sa akin ni Cath at tumango lang ako at umalis na sya. Hinihintay ko ngayon dito sa waiting shed yung magsusundo saking motor. Di kasi ako binibilhan ni Mama ng motor dahil baka daw madisgrasya ako. Pero ang totoo, takot talaga ako. Dalawa lang kasi ang gulong ng motor kaya nakakatakot.
"Buti naman at naabutan kita dito ngayon." napaigtad ako sa gulat nang marinig ko ulit ang boses nya.
Its him! Kim Nazer!
"Nanggugulat?" tanong ko."Sorry, Miss GTIAB," paumanhin nya.
"Wait, anong GTIAB?" takang tanong ko. Feeling close sya, ah. Bago lang nga ulit kami nagkita. Bat naman kasi ngayon ka lang ulit nagparamdam, crush?
"Umm... Girl that I almost bumped, nung mga nakaraan linggo."
"Kailangan ba talagang paulit ulit?" tanong ko.
"Hindi naman. Sorry, Eam--"
"Eam na naman ngayon?" putol ko sasasabihin niya.
"Yeah? Narinig ko kasi sa kanila na puros Rafi ang tawag sayo, kasi nakikita kita lagi sa Canteen." aniya. Sus, baka ini stalk mo ko, crush. Ok na ok lang!
"So?" medyo seryoso kong tanong.
"Gusto ko lang tawagin ka na Eam para ako lang naiiba. May tumatawag sayo nun?" tanong nya na parang naguguluhan.
"Yup!" sagot ko habang seryoso ang mukha. Biglang bumalatay sa mukha nya ang disappointment at parang gusto kong matawa kaso kaylangang pigilan.
"Ahh ganun? Ah... may maii--"
"Ikaw," putol ko sa sasabihin nya at bigla siyang napangiti ng malapad at napangiti rin ako. Nakakahawa ang happy feeling ni crush!
"Talaga? I mean, ako lang ba talaga?" Paninigurado nya.
"Oo nga, cru--ay wala!" Sabi ko habang napapikit ng bahagya dahil muntik ko na syang matawag na crush.
"Ano yung sabi mo?"
"Sabi ko wala!"
"Di may sinabi ka! Yung... hayst! Wag nalang. Ako lang ba talaga?"pag-uulit niya na naman.
"Oo nga! Ang kulit!" nangingiting sagot ko. Nakakatawa kasi ang itsura nya at nakakakilig lang! Masama ba? Crush lang naman eh.
"Weh?"
"Oo nga sabi! Bahala ka jan!" natatawang sagot ko at napatawa rin siya.
"Sorry," sabi nya at umupo sa tabi ko, "Sinong hinihintay mo?" tanong nya ulit. Ehem, mutual feelings na ba ito?
"Yung motor na inaarkilahan ko para sumundo sa akin. Ikaw? " balik tanong ko sa kanya
"Ah, pareho lang," sagot nya at tumango ako. Sana magkasabay kami! Para malaman ko kung nasan bahay nila.
"Ahh, anong kinu--"
"Bye bye!" putol ko sa sasabihin nya at lumapit na sa motor at sumakay na. Sorry, Naze, ayoko ko lang na nauunahan sa motor.
"Ako ang mauuna," sabi ng isang lalaki na nasa harap ko at napaigtad ako nang malaman ko kung sino yun.
"Naze?" takang tanong ko ng makita sya sa harapan ko.
"Naze?" tanong nya at ngumiti ng unti, habang tumatango tango.
"Yeah? I mean Kim Nazer.. So Naze, kasi gusto ko." pagpapaliwanag ko. More like, call sign natin yan crush! Kinikilig na naman ako!'
"Hmmm." sabi nya tumango tango at ngumiti. "So, sasakay na ako, pwedeng ako sa gitna?"
"Ahh... Oo." sagot ko at bumaba, sya naman ay sumakay na.
" Sakay ka na." sabi nya at ngumiti.
"Ahh, oo." sabi ko at sumakay na.
Habang nagbabyahe di ko mapigilan ang sarili ko na amuyin sya. Syempre! Magkalapit lang kami kaya medyo ku curious ako kung anong pabango nya. Bumuo ako ng tanong sa isip ko para naman magkausap kaming dalawa.
"Ummm.. Naze, di ba nabanggit mo dati na galing ka sa San Limaco Academy? Bat lumipat ka dito sa La Condeza National High School?" panimulang tanong ko.
"Ahh, kinulang na kasi kami ng pera, nalugi yung business ni Mama kaya lumipat kami dito sa La Condeza." paliwanag nya.
"Ahh." tanging sambit ko at nag-isip na naman ako ulit ng panibagong tanong.
"Interested?" tanong nya at lumingon. Agad naman akong napalayo dahil sa pagkakalapit ng mukha namin. Kahit crush ko sya, it's still have boundaries, kaya kaylangan kong lumayo dahil baka makuha ang first kiss ko.
"Sorry." sabi nya at umayos sya ulit ng upo.
"Ok lang." sabi ko at mahabang katahimikan ang bumalot sa amin.
"Aah, Eam... anong kinuha mo?" tanong nya.
"Hmmm... cookery." maikling sagot ko.
"Ahh.. Ako kasi STEM,"
"Ahh," tanging nasabi ko at tumahimik ulit. Sa wakas! Alam ko na rin!
"Manong, sa Calle Arieta lang po ako." sabi ko kay Manong dahil baka di nya alam.
"Sige iha."
"Sakin po sa Calle Rusto po." sabi ni Naze. So, taga Calle Rusto pala sya. Medyo malayo samin, sayang! 1hour lakarin yun eh.
"Sige." tanging sagot ni Manong
"Ah... Eam, pang ilan yung bahay niyo sa Calle Arieta?" tanong ni Naze na ikinagulat ko.
"Bakit? Manliligaw ka ba?"pagbibiro ko.
"Pwede rin,"
"Manloloko," bulong ko sa hangin.
"Hindi ako manloloko, Eam," biglang sabi nya na ikinaigtad ko. Tss. If I know, baka marami na rin tong naging ex-gilfriends. Kahit crush ko sya, di sya exemted sa mga katulad nyang lalaki. Lahat sila manloloko, kaya hanggang crush lang ako.
"Kasinungalingan." biglang nasabi ko at napatakip sa bibig. Daldal ko na naman!
"Hindi ako nagsisinungaling. May naging boyfriend ka na ba kaya ka ganyan mang-jugde?" tanong nya
"Ano... wala pa! Si Cath, marami na at lagi syang umiiyak dahil sa mga kauri mong lalaki!" halos mautal na depensa ko.
"Di naman lahat pare-pareho. Wag mong lahatin,"
"Kahit na! Pare pareho lang kayo." Depensa ko.
"Iba ako sa kanila, Eam."
"Sus! Ako pa niloko mo! Yan din ang sinasabi ng mga manliligaw ni Cath eh, pero ano? Sinaktan pa rin sya!"
"Basta kahit anong sabihin mo Eam, hindi ako katulad ng manloloko. Atsaka wala naman akong mapapala dun. Wala pa nga akong naging girlfriend. Manloloko agad?" paliwanag nya at bigla akong napatahimik dahil sa gulat. Wala pa siyang nagiging girlfriend?! Hindi na ako umimik pa.
"Dito na tayo, iha." biglang sabi ni Manong. Ni hindi ko man lang napansin na nandito na pala kami kakaisip sa sinabi nya kanina. Di ako makaget over!
"Ahh, opo."sagot ko at bumaba na.
"Eam, nice to see you again! Wag ka sanang magalit sakin." nakangiting sabi nya at ginantihan ko lang sya ng ngiti at naglakad na papasok sa Calle Arieta, habang iniisip pa rin kung bakit wala pa syang nagiging gilfriend.
YOU ARE READING
Between (COMPLETED)
RomanceRafina Eam, a simple girl who has a so called "limits". When he met Kim Nazer Calabia, the transferee guy, lahat ng limits na nilaan nya sa sarili niya ay palagi na nyang hindi nasusunod dahil kay Naze! Until one day, she need to choose. To love hi...