CHAPTER 26

282 9 1
                                    



KIM NAZER

"Wag kang maingay!" sigaw ko mula sa banyo. Lokong Denver! Akala ko sinundo na niya si, Eam yun pala nanunuod pa ng bagay tungkol sa kamunduhan. Full volume pa talaga! Loko talaga.

Napangiti muli ako. It's our first monthsarry. I still remember the time I met her. Kung pano siya nahihiyang ngumiti ng kinausap ko siya. I also still remember how cute she is.

I planned everything that definitely she'd love. I already imagined it. Pagkapasok niya pa lang matutuwa na siya kasi makikita niya yung si-net kong dinner at romantic scenery. Isa pa, ang kaniyang paborito na adobo! I smiled again dumbly and I finished my shower.

Nakatapis lang ng lumabas ako. My smile are still evident, not until I saw Hannah! She's naked! I immediately turned around. I was about to talk when I feel her hands on my biceps. In one move, she kissed me!

I pushed her away and entered the bathroom. Nagbihis ako kaagad, ang damit na ginamit ko ay ang suot ko kanina. Nasa labas ang susuotin ko. Nang matapos magbihis ay nanatiling sa loob lang ako ng bathroom. Nangangamba na baka hindi pa rin siya nakapagbihis. She is really desperate!

"Hannah, magbihis at lumabas ka na! Wag mo naman kaming sirain ni Eam! I already told you that I love her! Back off!" naiinis na sigaw ko. Nauubos na ang pasensiya ko sa kaniya ngunit ginagalang ko pa rin siya dahil ate siya ng girlfriend ko.

"Nazer, just let me pleasure you! Alam kong hindi yon kaya ng kapatid ko!" she said, desperately.

"Wala akong pakialam! All I want now is you to leave!" sigaw ko pabalik. Nakarinig ako ng malakas ng sigaw mula sa kaniya bago ko tuluyang narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Lumabas na ako mula sa bathroom at lumabas ng cabin. Kailangan kon hanapin si, Eam! Kailangang malaman niya agad ang nangyari bago siya magalit sa akin.

Tumakbo ako palabas sana ng resort nang harangin ako ng isang bellboy. Naiinis na binalingan ko siya.

"U-Uh... Sir, yung girlfriend niyo po... n-nasa dagat." aniya at hindi na ako nagsalita pa. Tumakbo na ako palapit sa tabing dagat at hinanap siya. Wala siya roon!

Paalis na sana ako ng makita ko ang pag-angat ng kamay mula sa dagat. Kinabahan ako. Agad akong pumunta sa kinaroroonan nun at hindi ako nagkamali, nandun si Eam.

Hinawakan ko ang kaniyang bewang at hinila papunta sa mababaw na parte ng dagat.

"Anong ginagawa mo rito?!" malakas na tinig na tanong ko. Nagagalit sa sarili dahil baka mapahamak siya sa ginawa niyang iyon. Tumingin siya sa akin. Puno ng sakit ang mga mata niya. Tumulo ng tuloy-tuloy ang mga luha niya. Nasasaktan akong makita siyang ganun. Anong nangyari? Naguguluhan ako! Bakit siya nasasaktan?

Niyakap ko siya ng mahigpit. Nagbabakasakaling mapawi nun ang sakit na nararamdaman niya. Laking gulat kong nagpumiglas siya sa yakap ko.

"B-Bitiwan mo ako!" sigaw niya ngunit mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap sa kaniya.

"Anong problema?" tanong ko ngunit patuloy lang siya sa pagpiglas sa yakap ko. "Eam! Sabihin mo! Anong problema?" halos magmakaawa na ako sa kaniya ngunit sinuklian niya lang iyon ng iling at muling bumuhos ang kaniyang mga luha.

"Hon, pakiusap... sabihin mo kung anong problema..." pakiusap ko at tumitig siya sa aking mga mata. Puno na iyon ng galit at hinanakit. Honey, tell me...

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now