CHAPTER 33

292 7 0
                                    



"Sure ka ba na sasama ka talaga? Pwedeng gawan kita ng palusot." nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya masisisi sa kilos niya ngayon lalo pa't hindi na ako nagkwento simula nang mag-usap kami ni Naze.

"Okay lang nga," sagot ko.

"Talaga lang?" naniniguradong tanong niya habang palabas kami ng boarding house.

"Oo nga!" natatawang sabi ko.

"Baka may hindi ka sinasabi sa akin, ah?" mapang-akusang sabi niya at agad naman akong  na-guilty. Natahimik ako ng ilang sandali bago magsalita.

"Malalaman mo rin." sagot ko at nagulat ako sa biglang paghawak niya sa magkabilaang braso ko.

"Talaga! Gosh! Nakapag-usap na kayo? Ano? Balikan na ba? Sabihin mo!!!" natatarantang sabi niya at napahalakhak ako.

"Sasabihin ko rin,"

"Ngayon na dapat! Wait, sasabihin kong masakit ang tyan natin para di na tayo sumama. Tapos ikwento mo sakin!" aniya at mabilis na kinuha ang kaniyang cellphone.

"Wag. Kailangan ko siyang makausap ngayon kaya dapat tayong sumama."

"Eh, bakit mo siya kakausapin?"

"Sige na nga! Sasabihin ko na,"

"Okay!"

"Naalala mo ba yung sinabi ko sayong narinig ko na na--"

"Oo na! Straight to the point, Rafi! Naloloka na ako!" miserable niyang sinabi.

"Okay! Tama siya! Wala ngang nangyari sa kanila ni Ate. Napanuod ko yung CCTV video. Kaso, huli na ang lahat. Bago ko mapanuod iyon ay tinaboy ko na siya palayo..." paliwanag ko at natahimik siya.

"Kaya pala hindi ka na niya pinupuntahan." aniya at tumango ako. Magsasalita pa sana siya ng dumating na sila Naze kasama si Nathaniel.

Tahimik kaming sumakay ni Cassy at itinulak niya ako sa bukas na front seat. Sinamaan ko siya ng tingin at ngumiti lang siya sa akin.

Kaya ayaw kong sabihin sa kaniya, eh!

"Tara na!" masayang sabi ni Cassy.

Katulad ng kaniyang sinabi, pinausad na ni Naze ang kaniyang sasakyan.

"Buti naisipan mong sumama, Rafina?" basag ni Nathaniel sa katahimikan. Nasa likod siya nakasakay, katabi si Cassy.

Sa bagay, hindi niya rin mararamdaman ang akwardness dahil wala naman siyang alam.

"Wala rin naman kasi akong gagawin," sagot ko at sumulyap kay Naze. Hindi man lang siya lumingon sa gawi ko. Nananatiling nakatitig siya sa dinadaanang kalsada.

"May gusto sana akon sabihin sayo, eh." si Nathaniel.

"Huh? Anong sasabihin mo?"

"Mamaya nalang! Kapag makausap kita na tayong dalawa lang." aniya at malakas na napaubo si Naze. Napasulyap kami sa gawi niya ngunit hindi man lang siya tumingin kahit isa sa amin. Hindi ko na sinagot pa ang sinabi ni Nathaniel. Kahit na may ideya ako, ayaw kong mag-assume.

"Sa wakas nandito na rin tayo!" masayang sabi ni Cassy ng makababa kami ng sasakyan ni Naze.

"Yung gamit?" tanong ni Naze kay Nathaniel.

"Dala nila Elle, yung sinama ko. May gusto yun sayo, eh." natatawang sabi ni Nathaniel. Napaubo naman ako ng peke. Elle, huh?

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now