CHAPTER 5

397 23 3
                                    



Ilang linggo na ang nakalipas simula nung umamin kami sa isa't-isa. Di naman kami nagkailangan kaya nagpapansinan pa rin kami at maganda sa feeling na di kami nag-iiwasan.

"Hi!" bati nya sa akin at umupo sa tabi ko. Nandito kami ngayon sa waiting shed, hinihintay si Manong. Half day lang ang klase namin ngayon kaya naman tanghali kami makakauwi. May meeting daw ang mga guro.

"Hi din!" sabi ko at ngumiti.

"May sarili na akong motor, Eam. Kaya di kita makakasabay kay Manong."

"Okay," sabi ko habang tumatango.

"Pero sasamahan kitang maghintay." sabi nya at ngumiti.

"Sige, ikaw bahala." sabi ko at tumahimik na ulit.

"Ahhh.. Eam, total.. Ano.. Ahh... San ba banda bahay niyo? Ano.. Kasi.. Nung ano.... Hayst! Di ko kasi makita yung bahay niyo.." nahihirapang sabi nya at natawa nalang ako sa itsura nya.

"Why are you laughing?" tanong nya habang nakakunot ang nuo.

"Para ka kasing timang..."

"Stop laughing or else Ill kiss you." sabi nya na ikinatahimik ko at sumeryoso muna ako bago sumagot.

"Mula sa labas ng Calle Arieta, papasok ka dun.. May makikita kang hagdanan dun pababa.. Bumaba ka dun. Tapos pang 10 bahay. Yun na yung bahay namin." sabi ko

Kahit crush ko siya. No kiss allowed! Para sa boyfriend ko yun na magiging asawa ko lang.

"Anong nangyari sayo? Namumutla ka, Eam."

"Huh? Wala. Hehehe,"

"Makikita mo ko dun, Eam." seryosong sabi nya

"Ano?"

"Wala," sabi nya at ngumiti.

"Nandyan na si Manong. Babye!" sabi niya. Sumakay siya agad sa kanyang motor at pinaharurot niya na.
Excited atang umuwi? Di man lang ako nakapag goodbye.

"Tara na po." sabi ko nang makasakay ako sa motor at umalis na. Maya-maya, biglang huminto ang motor kaya naman bumaba ako.

"May problema po ba?" tanong ko kay manong.

"Ano kasi, Neng. Na-flat yung gulong ng motor. Sasamahan nalang kita ditong maghintay ng motor para makauwi ka sa inyo." nagkakamot-ulo na sinabi ni Manong.

"Ahh. Hindi na po, Manong. Maglalakad nalang po ako. Pagkatapos po ng Calle Abeda, Calle Arieta na rin po. Ingat nalang po kayo!" sabi ko at naglakad na. Sementado ang daanan kaya di rin ako mahihirapang maglakad.

"Mama, nandito na po ako!" sigaw ko nang makarating sa labas ng bahay. Medyo napagod ako sa paglalakad, dahil na rin siguro sa hindi ako pala-lakad na tao.

"Anak, bat pinagpapawisan ka?" tanong ni Mama at agad akong binigyan ng bimpo.

"Nasiraan po kasi ng motor kaya naglakad nalang ako." paliwanag ko at akmang papasok na ng bahay ng pigilan ako ni Mama.

"Anak, sa likod ka dumaan... Tama! May sinampay ako dun.. Kunin mo na at magbihis ka kaagad sa C.R sa labas. Ang baho baho mo na!" litanya ni Mama. Agad namang napakunot ang noo ko, anyare kay Mama? Ngayon lang sya nagsabi na mabaho ako.

"Ma naman! Pagod na ako!!" pagrereklamo ko.

"Rafina Eam!" seryosong tawag ni Mama. Agad akong tumakbo sa likod ng bahay bago nya ako paluin. Yes! Pinapalo pa rin ako. Katulad ng utos kinuha ko ng sinampay sa likod bahay at inilagay sa basket. Kinuha ko ang jogging pants ko na blue at white t-shirt na malaki pa sa akin ng unti. Nagbihis ako tulad ng sabi ni Mama. Pumasok na ako sa loob ng bahay habang nakabusangot ang mukha ko. Nakakainis kasi si Mama! Hayst!

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now