CHAPTER 2

650 31 2
                                    





"Mama! Nandito na po ako!" tawag ko kay Mama.

"Oh, anak! Kain ka lang jan. Nagluto ako ng pancake with choco syrup! Yung paborito mo!" natutuwang sabi ni Mama.

"Sige po, Ma. Magbibihis lang po ako." sabi ko at dumiresto na sa kwarto ko. Humiga ako at tumulala sa kisame.

"Iidlip muna ako." sabi ko sa sarili at pumikit na.

"ANAK,gumising ka na!" bigla akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Mama.

"Opo! Babangon na!" sigaw ko pabalik at tumayo na. Agad akong napatinggin sa suot ko, naka uniform pa rin ako. Di na pala ako nakagising kagabi. Dumiretso ako sa banyo, naligo at nagbihis. Paglabas ko ng kwarto ay kumain agad ako.

"Anak, di na kita ginising kagabi, mukhang maganda na kasi tulog mo, eh." sabi ni Mama.

"Ok lang po. Anong oras na ba, Ma?"

"7:00am na anak," sabi ni Mama at agad akong tumayo at uminom ng tubig. Dumiretso sa kusina at nag toothbrush.

"Anong oras ba klase nyo? Diba 8:00 AM dati?" tanong ni Mama

"7:30 am na po kasi ngayon, Mama."sabi ko at tumakbo na palabas.

"Baon mo anak!" habol ni Mama sakin at binigyan ako ng 50 pesos.

"Salamat po!" sabi ko at dali daling sumakay sa motor na nasa harapan ko.

"Bye,Ma!" sabi ko at umandar na ang motor paalis.

"Sorry, I'm late." sabi ko nang makapasok sa room.

"You may seat now." sabi ni Sir Arce

"Thank you!" sabi ko at agad na tumabi kay Cath.

"Bat late ka?" bungad nya.

"Natanghalian ng gising," bulong ko at napatango nalang sya at tumingin na ako sa harap. Napansin ko rin na parang bigla kaming dumami.

"As you can see Cookery class, kasama natin ngayon ang STEM students dahil di pa dumarating ang mga new teachers na para sa kanila at matatagalan pa bago sila magkakaroon ng bagong teachers. So for now, combine muna ang STEM at Cookery dahil yun ang napagkasunduan at desisyon ng Principal. Goodbye for now, behave STEM students." sabi ni Sir Arce at lumabas na. Agad kong inilibot ang tingin ko at nakita ko si Naze. Kaklase ko sya at lagi ko syang makikita. Yiee. Palagi nang buo ang araw ko nito.

"Rafi, selfie tayo?" pag-anyaya nya.

"Palibhasay new cellphone may pa selfie agad!"

"Dali na! Isesend ko sa jowa ko."

"Jowa na naman!" sabi ko habang masama ang tingin sa kanya.

"Joke lang! Isesend ko kay Mama."

"Sus.. Ako pa niloko mo, Cath."

"Sige na kasi! Ipapakilala lang kita dun sa kaibigan ng boyfriend ko."

"Cath, ang tigas talaga ng bungo mo! Wala nga akong pake sa mga ganyang bagay!"

"Asus... May crush ka na siguro, noh?" nakangiting sabi nya habang nagtataas baba ang kilay nya.

"Ano... Umm... Wala!" pagtanggi ko.

"Sabi ko na eh, may crush ka na! Chika naman!"

"Ewan ko sayo! Wala nga!"

"Meron!"

"Wala!"

"Meron!"

"Wala nga sabi! Sayo ba tong katawan ko?"

Between (COMPLETED)Where stories live. Discover now