Nagising ako ng 4:00am at hanggang ngayon tulala parin ako at nakatitig dito sa singsing na binigay niya.Binabalikan ko lahat ng saya at sakit. Kung paano kami nagsimula at kung paano rin natapos ang lahat. Pero ngayon makikita na kita diko alam kung kilala mo pa ako.
Oo tama magkikita ulit kami. I've been transferred at Llusala Academy na pag mamay ari ng pamilya niya. Dun ako nag aral dati. No choice naman ako kasi si Dada (daddy) ang may gusto eh. It's been 2 years naman na nung break up siguro masaya na siya. Malamang naging sila na nung ex best ko na si Ricca -_- The hell i care!
At saka nakamove on naman nako eh.
Nakamove on na nga ba Nyce? Haysss.
A/N: Yung pag pronounce ng name niya ay Nice as in word na Nice.
*Kriggggg *Kringggg
Pinatay ko yung alarm. Walang kwenta naunahan ko pa siyang gumising. 6:30am na pala Kailangan ng kumilos baka malate ako. Ginawa ko lahat ng kaartehan ko sa katawan. Hindi pa ako nakauniform. Next week na lang.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Dina ikaw yung dating Nyce. I'm better than before. Thanks to you Trex. I learned my lesson." Sabi ko sa sarili ko upang lumakas ang loob ko.
"Mimi! Pasok nako." Sigaw ko habang pababa ako ng hagdan.
"Eat your breakfast first." Sabi ni Mimi(Mommy) habang kumakain siya
"Hindi na po. Dun nalang sa canteen. Kailagan kong agahan para mahanap ko yung room ko." Sabi ko habang palabas ng pinto.
"Wait baby!." Habol sakin ni mimi.
"Why Mi?." Nagtatakang tanong ko
"Handa kana bang makita siya?." Nag aalalang tanong ni mimi.
Ahm? Handa naba ako? Oo pero kinakabahan ako. Pero diba Nyce wala kanang pakialam sakanya? Oo tama oo wala na.
Huminga muna akong malalim bago sumagot.
"Opo. Handa na ako atsaka mimi wala nakong pake."
"Okay I'm just worrying anyway Good luck baby. Take care." Malambing na sabi ni mimi then she smile.
Bago ako makalabas ng gate. Ewan pero bigla nalang akong tumakbo pabalik kay mimi at bigla siyang niyakap ng mahigpit.
"I love you mimi. Thank you sa support niyo kayo ni dada thanks sa inyo. At lagi kayong nandyan sa tabi ko. I love you both."
"Ito talagang baby namin. Ka aga aga nagdadrama ka. Pumasok kana nga." Sabi ni mimi tas kiniss ako sa noo then smile.
"Babye!" Tas lumabas nako ng gate at sumakay sa motor ko. Hahaha! Pang lalaki ba? Ayaw ko mag kotse eh. Mas comportable ako dito. Astig kaya!
Parehas kaming mahilig sa motor ni Trex. Whaaatt?! Erase erase..
Pinaandar ko ito at umalis ng bahay.
------------------
Inhale Exhale~
Nakailang lalim ng hininga na ang nailabas ko, bat diko parin mahakbang paa ko papasok ng gate. Hays! Nyce naman umayos kanga. Okay last na
Inhale Exhale~
And I entered. Lumaki ata itong school. Maraming bagong buildings.
Habang naglalakad, I suddenly stop when I saw two tarpulins hanging on the wall.
May mukha ni Trex at Ricca. So sila pala ang Mr. & Ms. Llusala Academy.
Ganda ng bungad nyo sakin ah. Ang sakit agad </3
Pinagmasdan ko ang mukha ni Trex. At napahawak ako sa dibdib ko.
"Ngayon lang ulit kita nakita Trex. Ang gwapo mo parin hanggang ngayon. Naalala ko nung una tayong nagkita. You still have this catching smile. Halatang masaya ka dyan sa picture. Buti kapa. I miss those smiles." I smile bitterly. Okay Nyce enough ano ano nang sinasabi mo. Hays
*Ehem
"Excuse me girl. Bat mo kinakausap yang picture ni fafa Landon. Crush mo rin no? Sabagay di kita masisisi. Crush ng bayan yan eh." Biglang may sumulpot na babae sa tabi ko. Tinignan ko siya. Hmm she's pretty and she look nice.
"Ahh ehhh wala wala. Oo gwapo pero diko siya crush." Sabi ko sakanya
"Susss kunwari kapa. Pangarap yan ng lahat ng babae dito no. Btw I'm Collin Bartolo and you are?." Sabi niya habang nakangiti at ino-offer niya yung kamay niya sakin
"I'm Nyce." Tipid na sagot ko.
"Nyce as in Nice? Wow cool. It's NYCE to meet you Nyce. Hahaha just kidding." Natawa nalang din ako
"Btw anong grade and section mo? Mukhang bago ka dito eh."
"Ahh ano. Grade 12- Tulip." Sagot ko
"Oww nice. We're classmates." Tas tinignan niya yung wrist watch niya. "I think we should go." Tas hinila niya ako
(Classroom)
Mababait naman classmates ko. Wala na akong nakikitang mga old students na kilala ako or kabatch namin puro bago lahat sa mata ko.
Katabi ko si Collin. May hinihintay pa atang isa bago mag start ang class. Kasi may vacant sit pa dun sa dulo eh. Pa-VIP naman yun.
I'll take a nap for awhile.
Pinatong ko yung ulo ko sa desk at ginawang unan yung braso ko.
Maya maya may naririnig akong ingay sa labas tilian ng mga babae ata. Palakas ng palakas pati mga mates ko nagtitilian narin.
"Andyan na siya!." Girl 1
"Ang gwapo niya." Girl 2
"Nakakainlove talaga yung ngiti niya." Girl 3
Tssk! Ingay. Hinayaan ko nalang sila, ganun parin ang position ko.
Maya maya may naramdaman akong dumaan sa gilid ko. Titignan ko sana kung sino ito ngunit biglang nagsalita si mam kaya umayos nako ng upo.
"Okay class. I think we're complete. Introduce yourself one by one." Sabi ni mam. Hays as always basta first day ganto talaga.
Nagpakilala na sila isa isa
"Hello mga besh I'm Collin Bartolo. 16." Ako na susunod.
"Hey! Hmm. I'm Chester Nyce Men----."
*Booghss
Diko natuloy yung pagsasalita ko dahil biglang may nabasag sa likod. Vase ata yun. Umupo nalang ako at di nilingon. Ganda ng timing eh. Tssk!
"What happen Mr. Llu---. Okay okay next."
"Ehem* Landon Trex Llusala. 18."
Shit! Muntik nakong maubo sa narinig ko. Bigla akong napalingon sa likod
And shit why is he staring at me? Umayos agad ako ng upo.
Buong klase ay lutang ako. Halos di ako makakilos ng maayos dahil feeling ko ay nakatitig siya sakin. Hays!
Myghad! classmate ko siya. Kailangan kong magpalipat ng section. Kailangan kong lumayo---- wait stop Nyce. Diba wala kanang pake? Diba dapat dika na affected. Hays Oo tama oo hindi na dapat.
*Ringgggg
Lunch break.
To be continue
BINABASA MO ANG
Still Into You (Completed)
Teen Fiction"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo na kung dipa nasagot yung lahat ng 'Bakit' mo. Actually, it's easy for us to explain but didn't giv...