SIY 13

137 9 0
                                    

"Kailan po ba Tita?." Tanong ko rito.

"Later in the afternoon. Pag tapos ng klase." Sagot nito sakin habang pumipirma ng papers.

"Ah okay. I'll go ahead Tita. Thanks." Paalam ko kay Tita.

"Ahh wait Trex. Sabi ng Daddy mo pumunta ka raw sa office niya ngayon." Dagdag ni tita. At ang dahilan ng ikinawala ko sa mood.

"Why? Ayoko Tita." Angal ko.

"Trex you have to." Seryosong sabi niya sakin.

"Hays! Okay okay."

Ano nanaman ang kailangan ng lalaking yun? Tss. Di nalang siya magpaka busy ginugulo pa ako.

Nang makarating ako sa office.

"Why?." Bungad ko agad sakanya.

"Ano itong nabalitaan ko na uminom ka raw dito sa campus?. You're not a good example to the other student. Ikaw pa naman ang magmamana nito tas ganyan ipinapakita mo." Mahinahong sabi nito sakin.

"Wala naman akong sinabing gayahin nila ako." Tumigil muna ako saglit. "It's just nothing President. May consequence naman itong nagawa ko. Sige na aalis na ako." Paalam ko sakanya.

"We're not yet done Trex. Wag kang bastos! I'm still your father." Mahinahong sabi nito sakin pero halatang nagpipigil ng galit.

"Wag kanang mag pigil President. Sigawan mo na ako, sapakin mo na ako. Gooo!." Sabi ko rito.

"Wag mo akong punuin Trex." Sagot nito sakin.

"Eh ano naman kung mapuno ka? Mag aaway nanaman tayo tas ano president? May mamamatay ulit?." Sunod sunod na tanong ko rito.

"Don't say that." Gigil na sabi nito sakin.

"Tsk! Nonsense." Sabi ko sabay labas ng office.

Pagkalabas ko sa office. Diko napigilan ang sarili ko kaya sinipa ko ng malakas yung paso sa gilid ng hallway kaya't nabasag ito. "AAAAHHH!." Gigil na sigaw ko.

"Landon Trex Llusala." Sigaw ni President sa pangalan ko. Lumabas pala ito ng office.

"I hate being Llusala." I said to him with frustration.

Tinignan ko siya ng masama at saka tumakbo na ako papuntang parking lot at sumakay sa motor ko.

Binilisan ko ang pag patakbo at agad naman akong nakarating sa isang lake. Dito ako laging nag lalabas ng sama ng loob.

"AAAAHHHHH! PUTANG INANG BUHAY TOO!." Sigaw ko habang malakas na tapon sa mga bato.

"BAKIT ANG DAYAAAAA!." Sigaw ko ulit at tapon ng bato.

"AAAAHHHH!." Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa dina kinaya ng boses ko. At umupo nalang ako sa mga bato malapit sa lake.

Bumato ako sa ilog at naka apat na talon ito sa tubig.

"Mommy sana nandito ka. I can't handle everything, I can't handle myself." Sabi ko habang nakatingala sa langit.

Nyce POV

Kanina pa tapos ang klase at pasarado na ang library kaya kailangan ko ng umalis. Wala naring students sa mga rooms at hallway.

"6:00 na pala. Mag gagabi na." Sabi ko habang nakatingin sa wrist watch ko.

Habang naglalakad ako sa hallway. May nahagip ang mata ko kaya napahinto ako.

"Bat naglilinis siya?." Tanong ko sa sarili ko.

Nakita ko si Trex na naglalampaso ng hagdan. Ano yun? Bakit may usok? Nilapitan ko ito.

"Bakit ka naglilinis dyan?." Tanong ko sakanya.

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon