SIY 15

134 6 0
                                    

"Sige na. Gamutin mo na ako para makapasok na tayo." Binasag ni Trex ang katahimikang bumalot samin kanina.

Napakurap kurap ang mata ko at saka ginamot na ang sugat nito.

After one week..

Matapos ang incident na yun naging busy na ang lahat dahil sa makalawang araw na ay inter high championship ng school.

Sila Trex ay laging nagte-training at pati narin si Collin ay busy naring mag practice para sa cheer dance competition.

Naging maayos naman ang nakaraang linggo ko. Lagi na kaming nagpapansinan ni Trex na parang magkaibigan. Wala naring ilangan ang nagaganap. Minsan ay nagtatanong si Collin kung bakit mag kasama kami ni Trex, kibit balikat nalang ang sagot ko rito.

"Besh manuod ka na ng practice namin." Pagyayaya sakin ni Collin. Kanina pa niya ako kinukulit na manuod daw.

"Pag iisipan ko." Sagot ko rito.

"Ehhh! Kanina mo pa sinasabi yang pag iisipan. Dika parin nakakaisip?." Reklamong sabi sakin ni Collin habang nagpapadyak.

"Hahaha para kang bata. Sige na nga baka ma OP ako dun ha." Sabi ko.

"Hindi, andun naman ako. Tas katabi lang namin kung saan nagtetraining ang Varsity players kaya libre kang makakakita ng gwapo." Sabi nito sakin may kilig sa boses.

Varsity? Sila Trex yun ah. Yieee! Sige sige nakaka excite. Ngayon ko nalang sila ulit makikitang maglalaro.

"Sige sige." Excited na sabi ko sakanya sabay ngiti.

"Oh tignan mo. Hahaha landi mo rin eh." Biro sakin ni Collin.

"Wag kang mag alala mas malandi ka." Sabi ko at sabay kaming tumawa.

Bumili muna kami ng tubig at pagkain bago pumuntang gym.

*Kruuuuggg!

"AYYYY!." Gulat na tili ni Collin ng marinig niya malakas na kulog.

"OA nito. Mukhang uulan ah itim ng langit." Sabi ko.

"Nakakatakot kaya." Maarteng sabi ni Collin.

Nang makarating kaming Gym. Umupo ako sa bleacher sa bandang kitang kita ko ang mga nagpapractice sa gym.

Oo nga nandito sila. Si Trex ay nag di dribble ng bola, Si Nath naman ay nag  le-lateral bound at si Kyle ay nag go-goblet squat.

"Saan si Nigel?." Tanong ko sa sarili ko.

Ah ayun. Nagcecellphone. Ayaw ni Nigel sumama sa Varsity dahil nakaka distract lang daw iyun sa pag aaral.

"Buti nalang at sumama na ngayong year sila Llusala dahil malamang sa malamang matatalo nanaman tayo pag wala sila." Rinig kong pag uusap ng dalawang coach na dumaan sa harap ko.

Umalis ba sila sa varsity? Anong dahilan?

Napatingin ako kay Trex. Nakatingin pala ito sakin.

Nag wave ako sakanya at ngumiti. Ngumiti rin ito bilang sagot.

Alam kong mahalaga sakanila ang basketball kaya naman nakakapagtaka kung di sila sumama last year. Bakit kaya?

Mahigit isang oras narin akong nanunuod sakanila. Namamangha ako tuwing nakikita kong nagshoshoot ng bola si Trex, laging pasok at ring less pa ito.

Gusto ko sanang lapitan dahil kitang kita kong pawis na pawis ito kaso maraming tao or should I say babae ang nanunuod sakanila.

Nung kami pa ay lagi kaming nanunuod ng training at laro nila. Para nga akong nanay na nagbabantay sa anak habang naglalaro eh. Hahaha Bini-baby ko kasi si Trex. Marami akong dalang damit na pamalit pati nga powder at towel eh. At lagi akong may dalang meryenda para sa grupo nila.

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon