*Bogsshh
Gulat kaming napatinging lahat sa natumbang upuan. Sa sobrang lakas ng impact naputol ang lamesa nito.
"Mr. Llusala?! What happened?." Sigaw ni Mam.
Sinipa ni Trex ang upuan. Ano kayang problema nito?
Galit itong tumayo at tinanggal ang head set sa tenga nito. "Wag mo nga akong sigawan mam." Sagot ni Trex.
"I'm sorry Mr. Trex, nagulat lang ako bakit mo iyon ginawa?." Malumanay na sabi ni mam.
"Ayoko lang na may naglalandian sa harap ko." Inis na sagot nito sabay tingin sa mga lalaking yumakap sakin.
"Boss niyakap lang naman namin si Nyce para i-congratulate." Paliwanag ni Mark.
"Oo nga boss." Sabay sabay na sabi ng iba pang lalaki.
"Wag na nga kayong magdahilan. Bwisit!." Sabi nito at saka tumingin kay mam "Mam pasensya na. Mainit ang ulo ko ngayon." Hingi ng pasensya nito kay mam at saka kinuha ang bag at lumabas ng room.
"Tsk! Tsk! Wag naman sanang bumalik ang ugali nun noong last last year. Hay! Napaka bait na bata pa naman." Sabi ni mam sa sarili habang umiiling iling.
Naging ganun ba siya nung nawala ako? Bakit ganun?
Bago pa makaalis si mam. Hinabol ko sila.
"Mam! Ano pong ibig sabihin nyo dun sa 'wag bumalik sa ugali niya last last year'?." Nagtatakang tanong ko kay mam.
"Ah yun. Kasi nung nagtrabaho ako rito at na encounter ko si Trex napakapangit ng ugali niya. Laging nasa gulo, walang galang at minsan panga eh lasing ito kung pumasok sa klase ko. Si Ms. Velga nga lang ang nakakatiis sa ugali nito." Kwento ni Mam.
Velga? Si Ricca ang tinutukoy nito. So naging close pala sila nung nawala ako. Great!
"Pero last year unti unti siyang nagbago. Naging active sa school, kinakaibigan niya na ang mga student at napakabait na bata pero ewan ko ngayon kung bakit naging ganyan ulit. Sana naman di na bumalik sa dati. Hays! Worst talaga." Pag tutuloy kwento ni Mam.
"Ah Mam. Sino po yung Ms. Velga? Girlfriend po ba ni Trex yun?." Tanong ko kay Mam.
"Yun ang sabi sabi na naririnig ko ngunit di ako alam kung totoo dahil lagi silang magkasama minsan pa ay si Ms. Velga ang nag aayos ng mga gulong ginawa ni Trex." Sagot saakin ni Mam.
Parang kumirot ang puso ko sa nalaman ko. Parang nafeel ko na dapat ako ang gumagawa nun hindi si Ricca.
"Ganun ba mam. Sige salamat po." Nakangiting sabi ko kay Mam.
"Ikaw ah! May gusto ka dun noh?." Tukso ni Mam saakin.
"Ay hindi po Mam. Nagtaka lang po ako sa sinabi niyo." Paliwanag ko kay mam sabay ngiti.
"O siya siya. Pupunta na akong faculty." Paalam sakin ni Mam at ngumiti nalang ako.
Dahil ba sakin bat nagkaganoon siya? Alam kong hindi ganun si Trex. Mabait yun sa mga student at teachers, kahit sila ang may ari ng school pantay pantay parin ang tingin niya sa lahat. Tss! Ayaw na ayaw ko pa naman na nakikipag away o ganyan ang ugali niya. Hays!
Isinantabi ko munang isipin yung about kay Ricca dahil mas nag aalala ako sa inuugali ni Trex.
Ilang linggo narin kaming di nagpapansinan ni Trex. Ang cold niya sakin at di man lang tumitingin sa mata ko.
"Miss Mendez. Define what is NTC." Sabi sakin ni Sir Matias. Ang professor namin sa Empowerment.
Tumayo naman ako agad.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Completed)
Teen Fiction"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo na kung dipa nasagot yung lahat ng 'Bakit' mo. Actually, it's easy for us to explain but didn't giv...