SIY 3

237 8 0
                                    

A/N: Musta naman kayo? Hahaha. Dipa ako expert gumawa ng story. Sorry kung may palpaks. Hehehe Basahin nyo parin po mga babies :* hope you like it. XOXO

L. P. ❤
----------------------------------------

Pinakuha ko nalang yung motor ko sa driver namin. Hays! ulyanin kana Nyce.

(After 1 month)

Naging maayos naman yung aking daily life. Mukhang sinunod ni Trex yung sinabi ko. Hmm medyo may awkwardness parin pero nasasanay naman na. Wala rin namang pansinan eh.

It's sunday walang pasok. Nasa mass kaming buong family ngayon. Buo kasi kami ngayon eh walang business trip si Dada tas umuwi si Kuya Chad galing france. He's studying there.

"Lord please make me happy. Thank you for everything. Amen" and sign of cross.

Pagtapos namin mamasyal buong pamilya ay umuwi na kami. At biglang naramdaman kong nagvibrate yung phone ko. May nagtext.

From: 091729*****

I think 1 month is enough for giving you space. But now it's time. Nasabi ko na sayong namimiss na kita. And I'll make you mine AGAIN love :*

-Dondon❤
And I'll make you mine AGAIN love.

And I'll make you mine AGAIN love.

And I'll make you mine AGAIN love.

Paulit ulit na nag poprocess sa isip ko ang mga salitang yan. I know it's Trex. Kasi kaming dalawa lang ng mom niya ang tumatawag sakanya ng Dondon. Short cut ng Landon. Hmm! But why? What for?

"Kakapray ko lang sainyo papa God. Sabi ko po pasayahin nyo ako bat ganto po? Hahaha! na wrong send po ata kayo ng blessing sakin." Nakatingin ako sa langit habang nagsasalita. Nasa terrace ako ngayon sa kwarto ko.

Goodluck for tomorrow Nyce.

Kinabukasan. Shit! late nako. Nagmamadali akong naglalakad papuntang room. Pero bakit parang nakatingin sila sakin. Lalo na yung mga babae.

"Siya ba yun?." Girl 1

"Oo siya. Ang swerte niya." Girl 2

Nagchichismisan nanaman sila. Hinayaan ko nalang at dumiretso ako sa paglalakad.

Lakad takbo lakad takbo.

Hinihingal akong binuksan ko yung pinto. Pag bukas ko nakatingin silang lahat sakin tas tinignan ko si collin at nakangiti naman siya na parang kinikilig.

I give her a (what is happening?) Look. Nakangiti lang siya at tinuro yung nasa board.

Pag tingin ko ng board. Napatulala nalang ako sa nakita ko.

May nakasulat sa board na

"Can I court you again Chester Nyce Mendez?." -Dondon

It's not just a simple writing. May doodle na design ito na puno ng heart at sa desk ni mam ay may boque of roses and a panda bear.

Wowww! Panda bear. My favorite. Wait! Hindi wag mo yang tanggapin Nyce. Kaya mo namang bumili niyan.

Trex alam na alam mo talaga kung ano ang mga kahinaan ko pero matatag ako bahala ka dyan at dimo ako madadaan sa ganyan mo.

Dali dali akong kumuha ng pambura at binura ko ang nasa board. Nag gasp lahat ng mga mates ko.

"Bat mo binura? Sayang naman. Ang ganda effort niya sayo." Nanghihinayang na sabi ni collin.

"Uy pat? Gusto mo ba nyan?." Kinalabit ko yung mate ko na si pat. Tas tinuro ko yung flower at bear.

"Oo naman sino bang babaeng hindi magugustohan yan?." Masayang sagot niya.

"Aa- ako Aa-ayoko nyan. Sayo nalang baka itapon ko pa eh."

"Talaga?" Sabay kuha niya. Babye panda kooo :( HAYS!

Nandun pala si Trex. Tinignan ko siya ng masama at sinungitan siya. Tas umupo nako sa upuan ko at palihim akong ngumiti. Kanina ko pa pinipigilan eh.

Oo na! Kinikilig nako. Sino bang di kikiligin dun? Pero wala parin.

(Break time at canteen)

"Besh! May ex ka pala dito dika nagkwekwento." Daldal ni Collin habang kumakain.

"Dina kasi dapat ikwento yung mga walang kwentang tao."

"Ay grabe siya! Mukhang masakit ang nangyari ah." Oo collin sobrang sakit.

"Btw sino pala yun? Pag dating ko kasi sa room meron na nun. Sino ba dito si Dondon?."

*Ehemm

"Oh okay kalang?." Nag aalalang tanong ni Collin.

Muntik ko na kasi mabuga yung iniinom ko nung binanggit niya yung tawag ko kay Trex.

"Wag mo ulit siyang tatawaging ganun. Walang pwedeng tumawag sakanya ng ganun." Seryosong sabi ko sakanya.

"Okay okay hindi na. Masyado to. Ano besh? Gwapo baaaaa?. Yieeee" Pangungulit sakin ni Collin.

"Oo gwapo pero dimo na kailangan malaman kung sino siya."

"Dayaaa! Sige na nga mukha controversial yan besh ah. Nakabingwit ka ng gwapo ah. Pero siguro mas gwapo parin dyan si fafa Landon namin." Kinikilig na sabi ni collin.

Hayyy collin kung alam mo lang kung sino siya. Malalaman mo rin sa tamang panahon.

"Mauna na ako. May tataposin pa ako." Sabi ko sakanya. Tumango naman siya.

At sumunod ng mga araw.

Araw araw akong nakakatanggap ng mga rose. Ibat ibang tao ang nagbibigay sakin ngunit alam ko kung kanino ito galing.

Habang nagbabasa ako sa library. May elementary student na lumapit sakin. I think he's just 6 or 7 years old.

"Ate ganda ate ganda! Meron po nagpapabigay sayo nito." Sabay abot niya ng Violet na rose.

Wow! Saan niya kaya ito nakuha? Paboritong kulay ko ito. Alam mo talaga Trex kung ano ang mga gusto ko.

"Ayy! Sino nagpapabigay nito?." Pinabata ko yung boses ko para di matakot sakin yung bata.

"Dun po sa lalaking may ari ng school ate." Inosenteng sabi ng bata sabay ngiti.

"Ay ganun ba. Sige salamat ingat ka sa pagbaba ah." Ginulo ko yung buhok niya sabay ngiti at tumakbo na paalis.

Hayss! Parang tanga talaga yun si Trex. Pati ba naman bata idadamay niya sa kalokohan niya. Ang layo ng elem. Department dito. Kawawa naman yung bata. Tssk!

"Ang bango naman nito. Ang cute talaga ng violet." Sabi ko habang inaamoy yung bulaklak.

Luminga linga ako. Tinignan ko kung may nakatingin sakin or what. Tas tinapon ko yung tangkay ng bulaklak at inipit ito sa Dictionary book ko.

Sa lahat ng binigay saakin ni Trex na roses. Tinatapon ko agad. Oo sabihin na nating matigas ang puso ko pero masisisi nyo ba ako nasaktan ako eh.

----------------------------------

A/N: Yow? Kamusta? Nag eenjoy po ba kayo? I hope so. Namiss nyo ba si Liane myloves? :D lalabas po siya sa next chapter. Sana subaybayan nyo lang po. Enjoy reading :* XOXO

-L. P. ❤

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon