SIY 5

188 7 0
                                    

Trex POV

Inagahan kong pumasok para macheck ko ang bawat details ng ginawa namin ng tropa kagabi. But actually halos ako lahat gumawa tamad kasi yung mga yun.

"Sana magustohan mo Nyce. Pagbigyan mo na sana ako." Kausap ko sa sarili ko habang tinitignan ko yung ginawa ko.

"Hays ang hapdi naman nito. Nakakainis." Tinignan ko yung mga sugat ko dahil sa paso ng glue stick.

Unti unti ng nagdadatingan yung mga classmates ko.

"Wow astig naman." Mate 1

"Kakakilig naman. Ang swerte niya." Mate 2

"Sino kaya yung faceless suitor ni beshty ko? Hmm i like him na." Sabi ni Collin.

Ako ay tahimik lang sa upuan ko, kunwaring walang alam. Kinakabahan ako sa resulta puro negatives ang mga naiisip ko.

Nasan na kaya yun? Late nanaman ata.

Nyce POV

Hays. Late nanaman ako. Nagtalo kasi kami ni Mimi eh. Wag daw muna ako gumamit ng motor dahil takaw aksidente yun kaya ito ngayon. I'm with my driver.

"Thank you po kuya driver. Mga 5 pm po pasundo nalang ako." Sabay labas ng kotse.

Habang naglalakad ako. Pinagbubulungan nanaman ako ng mga tao. Hays ano nanaman kaya yan?

Dinalian ko nalang ang paglakad ko kasi badtrip na nga ako tas late pako.

Nakayuko akong pumasok sa room kasi alam kong late nako.

"Andyan na siya." Mate 1

"Beshty look oh. It's so cool." Sabay turo ni collin sa blackboard.

Napatulala ako sa nakita ko.

Yung kabilang blackboard puro pictures ng paborito kong banda na One direction. Nakahugis puso ito at may nakasulat sa gitna ng "Baby you light up my world like nobody else." Then sa kabilang gilid ng black board ay puno ng sticky note na may nakasulat na "Iloveyou, Always." At sa baba ng board ay puno ng panda bears.

At biglang tumulo ang luha ko sa diko inaasahang makikita ko. Yung buong pader sa harap ay puno ng pictures ko....

Picture ko nung kami pa ni Trex, nung mga dates namin, nung pumunta kami sa ibat ibang lugar, nung nasa motor ako, mga stolen shots at nung nasa bundok kami...

-Reminiscences-

"Wooohhh! Dream come true." Sigaw ko habang nakataas ang aking mga kamay at dinadama ang fresh air.

Today is my Birthday at sinupresa ako ng aking gwapong boyfriend dahil pumayag na siyang umakyat kami ng bundok. I'm so inlove with this guy.

"Wooooohhh! Iloveyou my love." Sigaw rin ni Trex.

Bigla ko siyang niyakap. "Thank you thank you for everything my love." Malambing na sabi ko sakanya.

"Lahat gagawin ko para sayo. Mahal na mahal kasi kita. Happy birthday Nyce ko." Magkaharap kaming dalawa habang nakayakap sa isat isa.

"Iloveyou, always." Sabi ko sakanya. At biglang tumulo yung luha ko sa sobrang saya.

"Iloveyou most, always." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko at hinalikan niya ako sa noo. "Witness ko ang Mt. Mayon kung gaano kita kamahal. At ipapangako ko na aalagaan kita, mamahalin at hindi sasaktan." Tas may kinuha siya sa bulsa niya. Isa itong singsing.

"Itong singsing nato ang patunay kung gaano kita kamahal. Ingatan mo ito ah pag ito nawala parang binalewala mo narin ako." Sinuot niya sakin yung singsing. Wow! Bagay sakin. Hahaha

"I promise that I will take care of it. Iloveyou Iloveyou Iloveyou." Nakangiting sabi ko sakanya. Tas bigla niya akong kiniss sa lips nag blush tuloy ako.

"Ikaw kasi eh. Ang cute mo." Sabi niya sakin. Mas lalo tuloy akong namula.

Dinikit niya yung noo niya sa noo ko at pumikit kaming dalawa "Nyce? Hanggang dulo ah." Malambing niyang sabi.

"Hanggang dulo Trex." Sabi ko habang nakangiti.

Lord, napakaswerte ko po at ibinigay nyo siya saakin.

End

Memorable sakin ang picture na yan. Habang nakikita ko lahat ng pictures. Pakiramdam ko ay may kulang sa loob ko na may hinahanap yung puso ko, parang nanghihina ako.

Ang sakit..

Bigla akong lumabas ng room. Diko kinaya.

Habang papunta ako sa garden biglang may humila sakin sa loob ng room na walang tao.

"Ano nanaman ba Trex?!." Iritang tanong ko sakanya.

"Dimo ba nagustohan? Pinaghirapan ko yun." Mahinang sabi niya.

Nakita ko yung kamay niya na puro sugat. Parang mga paso ng kung ano. Tss! Di talaga nag iingat ito.

"Diko naman sinabing gawin mo yun ah! Para saan ba yan? Para pakiligin ako?! Pwes! Di ako kinikilig. Tas ano? Lolokohin mo nanaman ako. Sasaktan mo nanaman ako. Please just STOP! Kahit anong gawin mo wala kang mapapala. Nagpapagod kalang." Sigaw ko sakanya. Diko mapigilan yung galit at sakit na nararamdaman ko.

"Please. Just give me another chance. Let's start a new one. Please Nyce. I still love you." Pagmamakaawa niya. Medyo nanginginig na ang boses niya.

"Trex please. Stop this! Sa ginagawa mo binabalik mo lang yung sakit. At sawang sawa nako sa pakiramdam na yan Trex. Ayoko na ng ganun." Diko na mapigilan kaya bumuhos na yung luha ko.

Nakatingin lang siya sakin habang tumutulo ang luha niya. At bigla naman ako nitong niyakap.

"Alam mo naman na ayokong umiiyak ka. Shhh tama na." Sabi niya sabay haplos sa buhok ko.

Humarap siya sakin at tinignan ko siya. Umiiyak rin pala ito.

Pinunasan niya yung luha sa pisngi ko "I'm sorry." Kiniss niya yung noo ko sabay labas ng room.

Napasandal ako sa pader at pumikit kasabay nito ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko.

Lumabas ako ng room at dumiretso sa garden.

"Ikaw lagi ang witness ng kadramahan ko. Pasensya kana ah." Kausap ko sa garden.

"Sorrowful garden. Yun nalang tawag ko sayo."

Dito ulit ako nagpalipas ng oras. Pinatanggal ko muna yung pamamaga ng mata ko para di halata. Hayy! Di nanaman ako nakapasok sa mga klase ko.

"Mukhang magkikita kami ulit ng guard." Gusto ko munang umuwi.

Pag dating ko ng gate. Nakita ko ulit si manong guard na may kausap sa kanyang radio.

"Kuya guard masak----." Di natapos ang pagsasalita ko dahil sumabat siya.

"Makakalabas na po kayo miss." Sabi niya habang pinagbuksan ako ng gate.

"Di niyo po ako pipigilan?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi po miss. Sabi ng boss ko payagan daw po kitang palabasin." Sabi nung guard.

"Ah sige salamat po." Sabay labas ng gate.

Boss niya? Sila Trex. Siguro siya ang nagsabi na palabasin ako. Nakita ko yung CCTV na nakatutuk sakin kaya alam kong pinapanuod niya ako.

Humarap ako sa CCTV at ngumiti ng malungkot "Thank you." Sabi ko at saka lumabas

----------------------------------------
A/N: Kamusta naman? Hahaha masyadong madrama ba? Hehehe. Mga next chapter medyo kunti na muna. Baka magsawa kayo eh. :* XOXO

L. P. 🖤

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon