SIY 28

144 3 0
                                    

Nanatiling tahimik lamang ako habang nakatitig sakanya.

"I know you and Ricca are not in a good term now, As her mother I personally apologize on what she did to you." malungkot na sabi nito sakin.

"No Tita, You don't need to apologize. She's my bestfriend and I love her no matter what." malungkot na sabi ko kay Tita, hindi ko napigilang tumulo ang aking mga luha.

"M-mom." mahinang tawag ni Ricca.

"Hey baby. How's your feeling?." malambing na tanong ni Tita kay Ricca.

"I'm fine, just a little bit dizzy. Did you call Nyce to come here mom?." malumanay na tanong ni Ricca sa mommy niya.

"No. Nath texted me to go here." paliwanag ko.

"Labas muna ako. You two need to talk." paalam ng mommy ni Ricca at saka lumabas ng kwarto.

Umupo ako sa tabi ng kama ni Ricca.

"Why? Why you didn't tell me? Kailan pa ito?." sunod sunod na tanong ko.

"We found out that I was sick 3 years ago. I finished chemo therapy, sabi ng doctor magaling na ako eh pero mali sila mas lumala pa pala kaya sabi ko ayaw ko na ng medication." paliwanag nito sakin, halatang nahihirapan itong mag salita.

"Why you didn't tell me?." tanong ko rito.

"I just don't want it. Ayaw kong maaawa kayo sakin." paliwanag nito sakin "But Trex and others know about it." dagdag nito.

"Alam nila? Bakit hindi man lang nila sinabi sakin? So unfair!." inis na may lungkot sabi ko rito.

"Last favor ko sakanila na wala silang pagsasabihang iba lalo na sayo." paliwanag nito sakin "Nung araw na nahuli mo kami ni Trex. Yun rin yung araw na nalaman kong may sakit ako. Sinabi ko sakanya na may sakit ako na malapit nakong mamatay... baka sakali kasing bumalik siya sakin pag nalaman niya yun. Sounds desperate and selfish right?." natatawang sabi nito sakin

"Bumalik sayo? What?." kunot noong tanong ko rito.

"Akala mo ikaw ang first love ni Trex? But No... I am his first love Nyce. In fact, ako ang naagawan hindi ikaw." sabi nito sakin.

"Pardon me?." di makapaniwalang tanong ko rito.

"Bago pa tayo magkakilala. Childhood friend ko na sa si Trex noon. Childhood lover to be exact. He promised me na ako lang ang babaeng mamahalin niya habang buhay. He promised me na babalik siya, na papakasalan niya ako pag pwede na. Lumipat sila sa US noon, hinintay ko siyang bumalik. Ilang taon akong naghintay Nyce! At nung nagkita kami ulit kasama kana niya. Sobrang sakit nun Nyce! Para akong pinapatay ng paulit ulit tuwing nakikita ko kayo. Sinubukan ko siyang kunin sayo. Ilang beses ko siyang kinausap, pinaalala ko sakanya lahat ng pangako niya pero ang lagi niyang sinasabi sakin 'bata pa tayo noon, inosente at walang alam. Mahal na mahal ko si Nyce' Para akong sinaksak ng sobrang sakit." kwento nito sakin habang tumutulo ang mga luha sakanyang mga mata.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga nalaman ko.

"I was there... after you left him. I am the one who fix his problems. I am the one who takes care of him, understand him, cheer him up. I am the one who's there when his mom died. I'm the one who always there every single day kahit may iniinda akong sakit nun. I tried to be good as you but still ikaw parin... ikaw parin ang hinahanap niya. Hanggang sa pagtulog niya pangalan mo ang naririnig ko. Sa bawat kantang tinutugtug niya alam kong para sayo lahat yun. Tuwing lasing siya pangalan mo lagi ang maririnig sa lahat ng kwento niya." kitang kita sa mga mata niya ang sakit habang sinasabi niya ito sakin.

"Nyce? Nasan ako dun? Anong parte ko dun? Doctor? Clown? Alam ko lahat ng kabaitang pinapakita niya sakin ay dahil lang sa utang na loob. Sa mga nagawa ko para sakanya. Alam niya kung gaano ko siya kamahal na pati sarili kong bestfriend sinaktan ko para sakanya. Pero kahit araw araw kong sinasabi sakanya kung gaano ko siya kamahal, araw araw niya ring sinasabi sakin kung gaano kanya kamahal. And it's killing me." umiiyak na sabi nito sakin.

"Sorry." yan lang ang salitang nabanggit ko.

"I'm tired Nyce. Suko nako, just take care of him. Love him more than I love him." hirap na sabi ni Ricca sakin.

"No! Please don't die." umiiyak na pakiusap ko rito.

Ngiti lamang ang sagot nito sakin habang sunod sunod na tumutulo ang kanyang mga luha.

"Please..." pag mamakaawa ko.

"Inaantok na ako Nyce.. Iloveyou my bestfriend." sabi nito sakin sabay pikit.

At unti unti ng bumagal ang heartbeat nito.

"Nurseeee!." sigaw ko.

At isa isa namang pumasok ang mga nurse at mommy ni Ricca.

"I'm sorry. Ricca please." umiiyak kong pakiusap.

"It's okay Nyce. Come here." sabi ng mommy ni Ricca. Bigla naman akong yumakap rito at binuhos lahat ng lungkot at sakit na nararamdaman ko.

"Shhh! Hinihintay lang talaga ni Ricca na mapatawad mo siya Nyce. We're going to be okay. Masyado na siyang nahihirapan Nyce. It's okay." pagpapatahan ng mommy ni Ricca sakin.

Lumapit ako sa patay niyang katawan at hinawakan ang kanyang kamay.

"Hindi ko mapapantayan ang pag ibig na ibinigay mo sakanya pero mamahalin ko siya sa paraang alam ko. I'm sorry... I'm sorry... Iloveyoutoo my bestfriend. " yan lang ang tangi kong nasambit habang patuloy na bumubuhos ang aking mga luha.

-----------------------------------------

Dalawang linggo na ang nakalipas ng nailibing si Ricca. Hindi ako nakapunta dahil masyadong masakit para sakin ang makita iyon. Di rin nila ako mapuntahan dahil sinabi ko kay Mimi na ayaw ko munang tumanggap ng bisita.

Maraming text at calls na ang natanggap ko. At isa na dun ay ang mga text ni Trex.

From: Dondon

   Magkita tayo sa Sorrowful garden. Hihintayin kita

From: Dondon

      Araw araw akong maghihintay dito Nyce.

From: Dondon

       Di ako susuko Nyce. Hihintayin kita dito. I miss you

From: Dondon

       Nandito lang ako Nyce. Iloveyou

Apat na araw na ganyan ang text sakin ni Trex. Ayaw ko muna siyang makita ngayon dahil hindi parin ako nakaka-recover sa lahat ng nalaman at nangyari nitong mga nakaraang linggo.

Hindi ko rin alam kung ano at pano ang gagawin ko pag kaharap ko na siya. I still feel guilt on what happened. Feeling ko kasalanan ko, padalos dalos ako. Diko inintindi si Trex, napadala ako sa galit at sakit ng nararamdaman ko at diko siya pinakinggan.

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon