Kinabukasan...
Nutrition month ng school ngayon. As usual B-O-R-I-N-G.
Nandito ako ngayon sa library at Inihahanda ang sarili ko para sa essay writing competition at Nutri quiz dahil isinama ako ng professor ko para maging representative ng grade 12 doon. Kahit naman tumanggi ako pipilitin at pipilitin ako nito kaya pumayag nalang ako dagdag grades din ito.
Sabi nga sakin ni Trex noon 'Wag mong pilitin kung ayaw baka pumayag' Hahaha! Wala lang. Naalala ko lang, nakakatawa kasi ang kasabihang yun.
Speaking of him. Diko pa ito nakikita, Pumasok kaya yun?
Pagkababa ko ng hagdanan. Napahinto ako dahil nagulat ako sa nakita ko.
OMG! Anong nangyari sakanya?!
Hindi ko pinansin ang malalakas na bulungan ng mga tao. Nakatuon lang ako kay Trex na may benda sa ulo at may pilay sa braso, Medyo pa ika-ika rin itong maglakad. Pero hindi naman nabawasan ang kagwapohan ng mukha nito. Anong nangyari sakanya? Akala ko ba galing ito sa business meeting?
Dahil sa pag aalala akmang lalapitan ko ito nang bigla akong mapahinto.
Bakit mo ito lalapitan? Diba tinulak mo siya palayo?!
Nang makalapit ito saakin. His cold eyes stare at mine, Wala akong nakitang kahit anong emosyon sa mata nito, bigla naman siyang umiwas ng tingin saakin at nilagpasan ako.
Wow! What was that?! Nakaramdaman ako ng unting kirot sa ginawa nito. Ewan ko kung bakit?
Nakatingin lang ako kung saan dumaan si Trex habang iniisip kung anong nangyari dito. Ah alam ko na!
Lakad Takbo ang ginawa ko para mahanap si Nath.
"NATH!." Sigaw ko sa pangalan nito nung makita ko siyang nakatalikod. Agad namang humarap ito saakin at nagulat ako na may kaharap pala siyang babae.
Maganda ito. Napakahaba ng kanyang pilik mata at matangos ang ilong. Medyo may kakapalan ang kilay at may mahaba at shiny na buhok but she look pale o talagang kulay niya na ito?
Palipat lipat ang tingin ko kay Nath at sa babae habang may pagtataka sa mukha.
"Hi." Simpleng bati ko sakanila habang tinaas ko ang kanang kamay ko at nakangiti. Halata parin sa boses ko na nanghihingal ako.
"Bakit Ches? Anong meron? Bakit pawis na pawis ka?." Gulat na tanong sakin ni Nath at kumuha siya ng panyo sa bulsa at biglang pinunas na sa noo ko at pisngi.
"Sino siya Nath? Girlfriend mo ano? Yieee." Panunukso ko sakanya. Tinignan naman ni Nath ang babae.
"Ahh hindi ko yan girlfriend. Diko nga kilala yan eh." Masungit na sabi ni Nath. At biglang yumuko ang babae
"Tss! Bad Nath. That's not the way to threat a girl right." Pang sesermon ko rito.
"Hey girl?! Pagpasensyahan mo na to sa pagiging rude niya ah. Btw I'm Nyce and you are?." Tanong ko rito. At agad namang humarap nang tingin sakin ang babae.
"Ah? Haya po ang pangalan ko." Nahihiyang sabi nito.
"Ohh Haya pwede ko ba munang hiramin si Nath saglit. May emergency kasi." Pakiusap ko kay Haya.
"Ahh oo sige sige. Alis na ako pasensya na." Sabi nito sakin at ngumiti ito. OMO! CUTEEE <3 yung lips niya ang cute ng shape pag ngumingiti.
"Yieeee. Ang cuteee mo ngumiti kaya dapat lagi kanang nakangiti. Hindi tulad ng isa dyan." Parinig ko kay Nath. "Sige pasensya na ah. Kunin ko muna siya. Nice to meet you Haya see you around." ngumiti ako sakanya at hinila si Nath palayo.
"Uy may tanong ako." Sabi ko agad kay Nath.
"Ano yun?." Nagtatakang tanong niya.
"Anong nangyari kay Trex?! Bakit may benda ang ulo niya at bakit may pilay siya?!." Natatarantang tanong ko rito.
"Aisshh! Bat pumasok siya sabi nang magpahinga muna siya eh." Mahinang sabi ni Nath pero narinig ko parin ito.
"So alam mo? Bat dimo sinabi saakin? Tinanong ko kayo ng maayos kahapon ah. Pinagloloko nyo ba ako?." Galit na sabi ko rito.
"I'm sorry, Okay? ayaw niya kasing ipasabi kahit kanino eh." Tumigil siya saglit "Nadisgrasya siya sa motor nung nakaraang linggo. Masyado siyang nakainum kaya siguro di niya nacontrol yung manobela kaya sumemplang siya. Pinagsabihan ko na siya na tumigil sa kakainom dahil baka anong mangyari sakanya pero makulit eh. Mukhang hindi mo daw kasi nagustohan yung ginawa---." Pinatigil ko siya sa pagsasalita.
"Huh? Sinasabi mo bang dahil saakin kaya siya uminom?!." Tanong ko rito.
"Di naman sa ganun pero nangyari yung disgrasyang yun eh nung araw na sinuprise kanya." Paliwanag nito.
Kasalanan ko pala kaya nadisgrasya siya. Nagi-guilty tuloy ako Hayss! Kaya pala ganun nalang siya makatingin sakin kanina.
"Hayss! Kainis. Sorry rin masyado akong OA. Sige na mauna na ako baka mag umpisa na ang program." Paalam ko rito.
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sakanya.
"NATH! Bagay kayo ni Haya. Give yourself a chance to fall inlove again hindi sakin kundi sa ibang tao." Sigaw ko rito at saka tuluyan ng naglakad.
(After an hour)
Natapos rin ang mga contest at ngayon ay awardings na.
"Besh sa tingin ko mananalo ka ulit. I can feel it." Sabi sakin ni Collin na nasa tabi ko ngayon at nakaupo. Natawag na kasi ako sa stage kanina dahil ako ang nanalo sa nutri quiz.
"We'll see." Tipid na sagot ko dahil busy ako sa pag lalaro ng need for speed sa cellphone ko.
"And here's the winner in Essay writing competition." Sabi ng announcer
"The second placer is from grade 9 student." Nagpalakpakan ang mga tao.
"The first placer is from grade 11 student." Nagpalakpakan ulit ang mga tao.
"And last but not the list, The winner is.... No other than from the grade 12 student Ms. Chester Nyce Mendez, in Entitled 'How to make a change' please come up in stage." Mas lalong nagsipalakpakan at nag hiyawan ang mga tao lalo ang nasa paligid ko.
"Uy besh. Akyat na! sabi sayo ikaw mananalo eh." Masayang sabi sakin ni Collin. Nginitian ko naman siya.
"Congrats Nyce." Girl 1
"Congratulations Nyce." Girl 2
"Pa-burger ka naman Nyce." Boy 1
Sabi saakin ng mga kaklase ko yan habang naglalakad ako papuntang stage.
Nang maka-akyat ako sa stage, nakangiting tinanggap ko ang award na binigay sakin. Napatingin naman ako kay Trex na nasa pinaka dulong upuan sa gym, kasama nito ang mga kaibigan niya. Wala ang mga ito kanina noong una akong umakyat.
Diko naman inaasahang nakatapat ang cellphone nito saakin at biglang nagflash. Pinipicturan niya ba ako? Ewan. Hayss! Buti nalang at nakangiti ako. Baka mag mukha akong haggard. Hehehe!
Tumingin ako sa ibang direksyon at nahagip naman ng aking mata si President, ang daddy ni Trex. Nakangiti ito saakin habang pumapalakpak. Nginitian ko naman ito bilang pasasalamat.
Napakilala na ako nito sa pamilya niya dati. At magaan ang loob ko sakanila lalo na sa mommy ni Trex, ang daddy niya ay laging busy kaya minsan ko lang ito nakausap pero mabait naman ito saakin.
Pagbaba ko ng stage. Tumambay muna ako sa gilid dahil marami ng tao ang nakaharang sa dadaanan ko.
"Do you want some intermission number guys?." Excited na sabi ng host.
"Yessssss!." Sigaw ng mga studyante.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Completed)
Teen Fiction"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo na kung dipa nasagot yung lahat ng 'Bakit' mo. Actually, it's easy for us to explain but didn't giv...