SIY 14

131 7 0
                                    

"Mag tigil kanga Kyle. Isa kapa eh kukurotin din kita." Inis sabi ko "Dalhin nyo itong kaibigan nyo sa clinic baka masapak ko rin to." Sabi ko sakanila.

"Eh busy kami no. Ikaw na. Bye! Ikaw na bahala sakanya." Sabi ni Nigel at naglakad sila palayo.

"Hoyyy! Wag nyo akong iwan." Sigaw ni Trex sakanila.

"Kaya mo yan!." Sigaw ni Kyle at itinaas ang kamay nito at kinaway.

"Mga bwisit talaga yung mga yun. Inabanduna nila ako." Drama ni Trex.

"Tss. Napaka arte mo. Tara sa clinic." Yaya ko sakanya.

"Tara." Tas bigla niya akong inakbayan.

*Dug dug dug
Luh? Ano yun? Magtigil kanga Nyce.

"Tanggalin mo nga yang pagka-akbay mo." Saway ko kay Trex.

"Eh ayoko. Nahihilo ako." Sabi nito at umarteng parang nahihilo.

Tss. Hinayaan ko nalang siya at naglakad na papuntang clinic. Wala nang students dahil simula na ng class.

"Oh anong nangyari Sir Trex?." Bungad samin ng nurse at saka umupo si Trex sa kama.

"Napaaway eh." Sagot ni Trex.

Biglang namang nag lakad palapit ang nurse at binunggo ako, pumunta sa harap ko as in mismong harap ko. Umatras naman ako baka maapakan niya ako.

Anong problema ng nurse na to? Kala niya ba diko napansin yun. Tsk!

Chini-check ng nurse ang mukha ni Trex. Nakatingin lang ako sa ginagawa ng nurse. I smell something. Ang lagkit ng tingin niya kay Trex ah. May gusto ba to kay Trex?

Ehem*

"dipa po ba kayo tapos icheck yung mukha niya?." Masyado kana kasing matagal nakatitig baka tumulo laway mo. Tsk!

Humarap naman sakin ang nurse at saka ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ni Trex. Hays! Landi ah. Naiinis na ako.

"May sugat ang labi niya at namamaga ang left cheek niya. Wag kang mag alala. Pwede kanang umalis miss." Mataray na sabi sakin ng Nurse. Wow! Just wow.

"No. She's staying here." Biglang sabi ni Trex.

"O-okay Sir. Kukunin ko lang yung first aid kit." Sabi ng nurse at saka inirapan ako bago umalis.

Napangiti ako sa sinabi ni Trex. Bleh bleh bleh! Buti nga sayo. Landi kasi.

Umupo ako sa tabi ni Trex na ngayon ay hinihilot ang braso nito.

"Palitan nyo nga yang nurse nyo. Di maganda ang ugali." Inis na sabi ko sakanya.

"Hahaha may gusto kaya sakin yung nurse na yun. Nag confess sakin. Ang gwapo ko talaga." Sabi nito sakin habang tumatawa.

"Gustong gusto mo naman. Landi mo talaga." Sagot ko sakanya.

"Isa lang naman ang gusto kong landiin." Bigla siyang tumingin sakin. Napatingin naman ako sakanya.

"Ahhh-Ehhh." Bigla ko siyang pinalo sa braso. "Bakit ka nakipag away ha? Lalaki!." Singhal ko sakanya.

"Araayy! Dipa nga gumagaling. Dinadagdagan mo pa." Reklamo niya sakin. "Ayoko kasing binabastos ka." Dagdag nito.

"Huh? Ako? Bakit?." Gulat na tanong ko sakanya.

Trex POV

Throwback..

Habang naglalakad ako sa hallway may apat na lalaking nag uusap. Hindi ko sana ito papansinin kaso narinig ko ang pangalan ni Nyce.

"Ang ganda ni Nyce pre. Ang laki ng Dyoga." Boy1

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon