Hintayin daw nila kami? Omoooo!
"HOY! Ex mo pala si papa Landon." Kilig na sabi ko kay Nyce.
"Hayaan mo na yun matagal na yun." Simpleng sagot nito at binilisan nito ang lakad.
"Hintayin mo ako." Habol ko sakanya.
"Bakit kayo naghiwalay?." Tanong ko ulit dito. Ngunit hindi ito nasagot.
"Nyce nyce nyce." Pangungulit ko rito.
Bigla itong tumigil sa paglalakad kaya't nabunggo ako sa likod niya.
"He cheated on me." Sabi nito sakin. Diko makita ang kanyang expression dahil nakatalikod ito sakin.
Parang bigla kong nafeel yung sakit na naramdaman niya kahit wala pa akong naging boyfriend. Hahaha!
"Hays! Mga lalaki talaga ngayon." Inis na sabi ko. "Pero sabi niya mahal kapa niya." Dagdag na sagot ko.
Huminga ito ng malalim bago sumagot.
"Collin hindi lahat ng nagsasabing mahal ka eh paniniwalaan mo na." Sagot nito sakin at itinuloy ang paglalakad.
Bakit kaya may mga taong nagsasabing mahal nila ang isang tao pero sinasaktan naman nila?
Nyce POV
Kakatapos ko lang magpalit ng damit. Ang sarap maligo sa ulan.
Bigla kong naalala yung sinabi ni Collin. Mahal parin niya daw ako?
Tsk! Bahala na.
Pabalik na kami ni Collin sa gate. Nang makita namin ang mga lalaking yun.
"Ang tagal niyo naman." Reklamo ni Trex.
"Sinabi ba naming hintayin nyo kami?." Sagot ko sakanya.
"Sorry na. Ito naman. Tara na ihahatid namin kayo." Nakangiting sabi ni Trex.
"Sige."
"Wag na."
Sabay naming sagot ni Collin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Sige na Ches." Napatingin naman ako kay Nath na nagsalita.
Si Nath na nagsabi. Nakakahiyang tanggihan si Nath no.
"Sige na nga." Pilit na sabi ko
"Yehey!." Masayang sabi ni Collin.
"Kasama ba tong babaeng to?." Biglang tanong ni Nigel. Tas tumingin kay Collin.
"Oo bakit?." Nagtatakang tanong ko rito.
"I hate noisy people. She's too noisy." Masungit na sabi ni Nigel.
Kumunot ang noo ni Collin sa narinig niya.
"Hoy di porket gwapo ka di kita papatulan." Inis na sabi ni Collin "Ayaw mo ng maingay pero nagbabanda ka at drummer kapa? Anong utak meron ka?." Masungit na sagot ni Collin at nag cross arms.
Nagulat naman sila sa sinabi niya lalo na si Nigel.
"Wow men. May katapat kana." Nakangising sabi ni Kyle.
"Wag nyo na nga isama yan. Ayokong makasama yan. " Inis na sabi ni Nigel.
"Bakit? Sayo ba yung sasakyan? Ayaw mo akong makasama di wag kang sumama." Sagot naman ni Collin.
"HAHAHA." Tawa namin nila Trex. Si Nate ay nag smirk lang.
"Bangayan kayo dyan. Baka may mainlove dyan." Biro ni Trex.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Completed)
Novela Juvenil"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo na kung dipa nasagot yung lahat ng 'Bakit' mo. Actually, it's easy for us to explain but didn't giv...