SIY 29

180 6 0
                                    

"Weather forecast update. Wag po tayo lalabas dahil malakas ang hangin at ulan ngayon saating kalangitan dahil sa bagyong Kulas. Signal number 3 po sa mga sumusunod na lugar." balita ito sa Tv.

Hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa Tv at nakita ko ang lugar namin na nasa signal number 3. Napatingin naman ako sa bintana at kitang kita doon na sobrang lakas ng ulan at hangin sa labas.

Paakyat ako saaking kwarto ng biglang nag vibrate ang aking cellphone.

From: Dondon

     Naghihintay parin ako dito. Umulan man o bumagyo Nyce. Iloveyou!

Bigla akong napatigil sa nabasa kong text. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Naririnig ko ang malakas na ulan sa labas at unti unti akong nag aalala sa lalaking nagtext saakin.

"Alam mo anak may iba't ibang klase ng pag ibig, hindi ito nawawala sa puso natin. Ang iba rito ay akala natin wala na pero nung nakita ulit natin yung taong mahal natin bumabalik yung pag ibig na nararamdaman natin dito, meron ring kahit wala na yung taong mahal natin yung pag ibig nananatili parin sa puso natin, pero alam mo yung mahalaga anak?." Sabi sakin ni Mimi.

"A-ano po Mimi?." utal na tanong ko rito.

"Ang mahalaga anak kahit iba iba man ang uri ng pag ibig, kahit ano mang sakit ang ibigay satin nito. Mas pinipili parin nating umibig dahil yun ang magpapasaya para satin." nakangiting sagot sakin ni Mimi.

Naliwanagan ako sa mga sinabi nito sakin, ngumiti ako rito at kinuha ang payong at raincoat.

"Anak saan ka pupunta? Malakas ang ulan." pigil na sigaw sakin ni Mimi.

"Sorry Mi, pupuntahan ko lang yung taong matagal akong hinintay." sagot ko kay Mimi, tumakbo nako at hindi na hinintay ang kanya sagot.

Basang basa at hinihingal nako. Sobrang lakas pala talaga ang hangin ngayon, nagliliparan ang mga sanga at dahon. Ngunit diretso parin ako sa pag takbo buti nalang ay tatlong street lamang ang layo ng school sa bahay namin.

Ng makarating ako sa school ay walang tao sa bawat hallway na dinaraanan ko.

"Trexxxx!." tawag ko rito.

Lakad takbo ang ginawa ko upang mabilis akong makapunta sa garden. May kalayuan ang Sorrowful garden dahil nasa dulo na ito ng school.

"T-trexxxx!." nauutal na tawag ko rito dahil sobrang nilalamig at basang basa nako ng ulan.

*Kruuggg!
Isang malakas na kulog ang aking narinig at biglang dumilim ang paligid, nawalan ng power ang buong school dahil siguro sa lakas ng hangin.

Malakas na ulan at hangin lamang ang naririnig ko. Wala akong makita sa nilalakaran ko.

"Trexxxx asan kana baaa? Natatakot nako dito." sigaw ko.

Ang dilim at nakakatakot ang buong paligid, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na magawang kumilos pa dahil wala akong makita sa dinaraan ko.

"Trexxxx! Nasan kanaaa?." isa pang sigaw ko.

Biglang may malamig na kamay ang humila sakin sa kung saan at tinakpan ang bibig ko.

"Hmmmm!." sigaw ko, at bigla ko namang kinagat ang kamay na nakatakip sa bibig ko.

"Araaayyy Nyce!." reklamo nito saakin.

Biglang bumukas ang ilaw sa kinalalagyan namin. Tumingin ako sa paligid, nasa janitors room kami.

"Hi Nyce!." nakangiting bati sakin ng lalaki humila sakin.

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon