SIY 19

134 3 0
                                    

"Naalala mo no?." Biglang sabi ni Trex.

"Ah oo, namiss ko to. Ngayon lang ulit ako nakapunta dito after 2 years. Mukhang lagi ka parin kumakain dito ah." Sabi ko sakanya.

"Oo ikaw lang naman nawala." Mahinang sabi nito.

"Ha? Ano yun?." Tanong ko rito kunwari ay diko narinig.

"Wala, naamoy ko na ang unli sabaw ni mang macky." Pag iba ng topic ni Trex.

Naamoy ko rin ito. At dumating na ang order naming Sisilog at unli sabaw ng pinapaitan.

Kukunin ko sana ang bote ng toyo ngunit ang kamay ni Trex ang nahawakan ko. Sabay pala sana naming kukunin ang bote ng toyo.

Bigla naman akong bumitaw.

"Ah sige ikaw muna." Sabi rito.

"Hindi, ikaw muna." Sabi naman nito.

"Ikaw na mauna." Sabi ko naman.

"Hindi, ikaw na." Sabi naman nito.

"Sige, ikaw na---." Napatigil ako sa pag sasalita dahil siya na mismo ang ang nag lagay ng unting toyo sa pinapaitan ko.

"1.. 2.. 3.. 4.." bilang nito sa patak ng toyo.

Natatawa ko dahil alam niya parin kung ilang beses ko pinapatakan ng toyo ang sabaw.

"Oh yan okay na. Kain kana love." Sabi nito sakin.

"Love?." Nagtatakang tanong ko.

"HAHAHA sorry, nasanay lang." Paumanhin nito sakin.

Pinigilan ko naman ang aking pag ngiti.

"Harot mo. Kumain kana nga." Sabi ko rito.

At natapos kaming kumain..

Tumambay muna kami sa isang park habang tinitignan ang mag bituin.

"Hmm. Ah Nyce." Tawag nito sakin.

"Bakit?."

"Hmm. What if di tayo naghiwalay noon, masaya parin kaya tayo ngayon?." Biglang tanong niya.

Napatahimik ako sa tanong niya.

"Hmm. Mali naman yang dialogue mo. Dapat sabihin mo 'What if kung di kaya ako naglandi, Ayos pa kaya tayo ngayon'." Sabi ko rito.

Napatahimik naman ito.

"Pero ang sagot ko sa tanong mo. Hmm! Siguro Oo masaya parin tayo, kasi sobrang mahal natin ang isat isa eh. Kasi pag mahal mo gagawin mo lahat, kakayanin mo lahat." Sabi ko sakanya habang nakatingin sa langit.

"Satingin ko rin." Sabi ni Trex.

Isang minutong katahimikan.

"Mapapatawad mo pa kaya ako?." Sabi ni Trex.

"You are already forgiven Trex." Simpleng sabi ko rito.

"Really? Thank you." Nakangiting sabi ni Trex.

"Do you still love me?." Tanong ni Trex.

"What? How can you easily ask questions like that?." Gulat na tanong ko.

"DO YOU STILL LOVE ME? CAUSE I STILL DO." Sabi ni Trex habang nakatitig sakin.

"I don't know. They say the best way to find out if you can trust somebody is to trust them, but how can i trust someone if i know that they are not trust worthy?." Sagot ko rito.

I love him but I'm still scared..

"You're not hard to get at all, you're hard to earn Nyce. But I'm willing to earn that shit if you let me." Sabi nito sakin

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon