Hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko sa buong gabing kasama ko si Trex. Pag tapos namin kumain ay naghanda na siya para umuwi.
"See you tomorrow." malambing na sabi ni Trex sakin sabay hawak sa pisngi ko.
Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Pipikit na sana ako para sa isang matamis na halik ngunit naramdam ko ang mainit niyang labi sa noo ko.
Napatawa naman ako ng malakas sa iniisip ko.
"Bakit ka tumatawa?." Nagtatakang tanong ni Trex.
"Hahaha wala. Sige na umuwi kana. Goodnight dondon." pigil ko sa tawa ko.
Dahan dahan naman itong bumaba sa hagdan.
Ngunit sa pang huling step na hahakbangan nito ay biglang sumabit ang paa niya at dahil doon ay na out of balance siya. Pagkatumba niya ay bigla rin natumba sakanya ang hagdan.
"Ouch!." Inda niya pagtapos natumba ang hagdan sakanya.
"Kaya mong tumayo? Okay kalang ba?. " tarantang tanong ko sakanya. Balak ko sanang bumaba kasong baka mahalata ni Mimi.
"Okay lang ako. Sige na matulog kana. Goodnight love." Sabi niya habang unti unting tumatayo. Hawak niya ang kanyang noo.
"Don may masakit ba sayo?." nag aalalang tanong ko.
"Hindi love wala. Kunting gasgas lang ito." sabi niya at sabay ngiti.
"Sigurado kaba?." tanong ko rito na may pag aalala.
"Opo love. Wag kang mag alala matulog kana. Aalis nako! Bye! Iloveyou." sabi nito ng nakangiti habang kumakaway paalis.
Ngumiti ako sakanya at hinihintay na makalabas siya ng gate. Umakyat lang pala ito sa gate namin.
Nang makalabas siya ay may narinig akong tunog ng sasakyan sa di kalayuan. Siguro siya na yun, natulog ako ng may ngiti sa labi ko.
Kinabukasan..
Goodmorning text agad ni Trex ang bumungad sa umaga ko kaya't mas lalo akong nagkaroon ng energy.
"Good morning anak! Pinasok ata tayo ng magnanakaw kagabi." Bungad sakin ni Mimi pagkababa ko.
"Hala! Wala naman po akong napansin." sagot rito na parang walang alam.
"I heard noises anak." sabi ni Mimi ngunit halata sa mukha nito na may pag aalala siya.
"I guess it's just a cat Mimi. Don't worry the security in our village is very tight." malumanay na sabi ko rito para di siya mataranta.
"Anyway, your dad and kuya will arrive later in the evening. So come home early."
"Yes mi." excited na sagot ko rito.
Bukas na pala pupunta sila Trex sa bahay. Matutuwa ang tropa dahil close silang lahat kay kuya chad. Sana mag enjoy lang kami bukas. Excited nako!
Pagpasok ko nang school nakita ko agad si Collin.
"Hi Collin?." Bati ko sakanya at binaba ang bag ko.
"Hello Sister! Kamusta ang umaga mo? Mukha kang blooming ah." Nakangiting sabi ni Collin. At bigla ko naman naalala ang nangyari kagabi kaya't napangiti ako.
"Oh may pag ngiti pa ha." Singit ni Collin.
"Hahaha wala! Maaga lang kasi akong nakatulog." Palusot ko rito.
"Vacant time daw natin sa dalawa subject. Kwento ka naman." hinarap ni Collin ang kanyang upuan saakin.
"Anong ikwekwento ko?." nagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Completed)
Ficção Adolescente"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo na kung dipa nasagot yung lahat ng 'Bakit' mo. Actually, it's easy for us to explain but didn't giv...