Naging mapayapa ang buong araw ko. Tahimik si Trex siguro dahil nahihiya sakin. Diko na nagawang lumabas ng room baka kasi mas lalo akong mainis.
Kami nalang ni Trex ang naiwan sa room.
"May PA-WELCOME PARTY DAW KAYO KAY RICCA." Sabi ko kay Trex na mag pagdidiin sa salitang yun.
"Ah oo. Sila kyle ang gumawa ng planong yun. Kasi syempre naging part rin si Ricca ng tropa natin. Pero diko alam kung pupunta ako wala ako sa mood." Pagpapaliwanag ni Trex.
"Bakit naman? Ikaw naman ata inuwian nun. Sayang naman."
"Ha? Wag ka ngang ganyan Nyce. Look! I'm sorry okay? Pero alam mo naman mahal na mahal kita. Ikaw lang nasa puso ko noon hanggang ngayon." Sabay hawak niya sa kamay ko.
Kainis! Diko mapigilang ngumiti sa mga words na binitawan niya. Unti unti nawawala yung init ng ulo ko.
"Sigurado kaba?."
"Oo naman love. Babawi ako sabi ko diba? Aayosin natin to. Just keep on trusting me." Nakikita ko sa mga mata niya na totoo ang mga sinasabi niya.
"Okay, Umayos ka na."
"Opo love ko. Aayosin ko promise." Sabay kiss niya sa noo ko.
"Oy ang love birds. Masyado kayong sweet dyan!" Rinig kong sigaw ni Kyle.
"Kanina pa kayo dyan?." Gulat na tanong ni Trex.
"Opo love. Babawi ako sabi ko diba?." Pang gagaya ni Kyle kay Trex habang hinahawakan pa nito ang kamay ni Nigel.
"GAGO!" Inis na sabi ni Trex kay Kyle sabay bato ng chalk.
"Kala niyo talaga kayo lang tao sa mundo." Sabi ni Nath.
"Hay! Pag ibig. Psychiatric problem ginagawang baliw ang isang tao. Kaya ayaw kong mainlove eh." Sabi naman ni Nigel.
"Tara na nga uwi na tayo." Natatawang yaya ko sakanila.
"Saan pala si Collin?." Mahinang tanong sakin ni Nigel habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Nauna nang umuwi kasi may family gathering daw sila. Why?." Nakangiting sagot ko sakanya na para bang nanunukso.
"I-It's not what you think. Nakakapanibago lang walang maingay." paliwanag na sagot ni Nigel.
"Sus Nigel. Baka magkaroon karin ng Psychiatric problem at mabaliw ka."
"Never."
Pagkahatid sakin ni Trex sa bahay. Nagpromise naman ito sakin na hindi pupunta sa party para kay Ricca. Kaya't hinayaan ko na.
"Oh you are already here. Balita sakin ng Daddy mo bumalik na daw sa Pilipinas ang pamilya Velga ah." Bungad sakin ni Mimi sabay kiss sa cheeks ko.
"Hmm. Yes mi, I just saw Ricca earlier in our school. I guess dun din po siya nag enroll."
"So how is it baby girl?."
"Okay lang naman po Mi. She looks the same. Pero mukhang diko na po siya makakasundo."
"Ang bait ng batang yun noong bata pa kayo. Diko aakalaing may attitude siyang iba. Pero anak wag na wag kang gaganti sa isang tao. Masama yun." Pangaral sakin ni Mimi.
"Don't worry mi. Iba niyo po ako pinalaki."
"Btw, your Dada and kuya will come home on weekend." excited na pagbabalita ni Mimi.
"Oh really Mimi? I'm so excited. I miss them so much."
"Binalita ko sa Kuya Chad mo na you and Trex our back together. And He's irritated too but he said it's okay as long as you happy. Pero syempre daw pag inulit ni Trex ulit yun siya na daw makakalaban." I'm so lucky na may ganto akong pamilya.
BINABASA MO ANG
Still Into You (Completed)
Ficção Adolescente"2 years ng nakalipas but I'm still stuck in this scars.. In this pain. I am still into you. " What if makita mo ulit si ex? What would you do? Lalo na kung dipa nasagot yung lahat ng 'Bakit' mo. Actually, it's easy for us to explain but didn't giv...