SIY 9

151 5 0
                                    

Habang naglalakad ako papuntang room. Nagulat ako dahil may biglang umakbay sakin.

"Hey Nyce." Bati nito sakin at alam ko naman kung sino ito.

"Bakit Liane?." Sabi ko at tinanggal ko ang pagkakaakbay nito sakin.

"Wala lang. Masama bang makita ka?." Sabi niya habang nakataas ang isang kilay nito. Diko ito pinansin at itinuloy ko na ang paglalakad ko.

Nung nakaraang medyo sweet ito sakin. Kaya nakaramdam ako sakanya ng awkwardness. kaya medyo naiilang ako ngayon. Oo gwapo ito ngunit di ko ito gusto.

"Wala ka ata sa mood. Ang sungit mo naman sakin Miss baby." Sabi nito habang hinahabol ako. Huminto naman ako at humarap sakanya.

"Rumespeto ka sa nakakatanda sayo Liane." Sabi rito ng maalala kong mas ahead ako sakanya ng grade.

"May I correct you Miss baby. Mas matanda kalang sakin sa grade pero magkasingtaon lang tayo. 17 narin ako." Pagtatama nito sakin. Paano niya nalaman ang taon ko? Eh wala naman akong binabanggit dito.

"P-paano mo nalaman ang edad ko?." Nagtatakang tanong ko dito.

"I did some research. You're Chester Nyce Mendez. 17 years old. Half korean-american and filipino. You live in bluemoon village, Your dad is a famous Atty. Carl Mendez at ang Law firm niya ay may pinakamagagaling na Lawyer sa buong Asia and your mom is Mrs. Niana Mendez, your mother is a chef and she is the owner of Deliciouso Restaurant at marami itong branches sa buong Asia. Your brother's name is Chadrian Neil Mendez and he's a graduating student taking of Bachelor of Science in Criminology. Galing ka sa France actually taga dito ka lumipat lang kayo sa france sa hindi malamang dahilan." Sabi nito saakin at ito namay ikinalaki ng mata ko sa sobrang pagkagulat.

"What. The. Fuck." Gulat na sabi ko dito.

"Watch your word miss. Nasa school parin tayo." Sabi nito sakin.

"Sorry nagulat lang ako. Para saan? I mean bakit kailangan ka pang magresearch tungkol sakin?." Nagtatakang tanong ko. Di parin ako makapaniwala sa mga sinabi niya saakin. Buti nalang di niya nalaman ang tungkol samin ni Trex.

"Well. Mukhang hindi kita lagi makakasama at pangalan mo lang ang alam ko kaya ako na mismo ang gumawa ng way para makilala kita." Sabi nito sabay ngiti. Napailing nalang ako at natawa.

"So stalker kana pala." Biro ko dito.

"Maybe. Pero may skills talaga ako sa mga pag i-investigate. Namana ko sa daddy ko." Pagmamayabang nito sakin. Hmm mukhang agent o investigator ang tatay nito kaya ganun nalang siya kagaling.

"Ahh galing mo. Wala sa internet ang mga sinabi mo sakin." Tumango tango ako habang sinasabi ko ito sakanya.

"Well i take that as a compliment. Tara kain tayo libre ko. Lunch na oh." Sabi nito sakin at ipinakita ang relo niya. Tumango nalang ako sakanya.

Lunch na nga at medyo nagugutom narin ako. Nang makarating kami sa canteen tahimik lang ako dahil biglang pumasok sa isip ko kung nasaan si Trex.

"Anong gusto mo?." Tanong sakin ni Liane.

"Sisig and Rice nalang tas leche plan." Sagot ko rito.

"Di halatang gutom ah." Biro nito sakin. Nae-stress kasi ako kaya marami akong gustong kainin.

"Stress eating." Simpleng sagot ko rito.

"Stress kana ba sakin? Wala panga akong ginagawang ikakastress mo." Itong bibig talaga nitong lalaking to di maintindihan.

"May lahing pagka-assumero karin eh no. Um-order kana nga." Kunot noong sabi ko rito.

"Sabi ko nga hindi ako yun." Sabi nito sabay alis. At umupo naman ako sa bakanteng lamesa't upuan sa gilid.

Bakit ganun? Hinahanap hanap ko siya eh. Nasa business trip nga daw diba. Nyce naman ano nanamang kalokohan ng isip mo. Hays!

Habang hinihintay ko si Liane. Pinaglaruan ko muna ang cellphone ko. Pumunta ang mga mata ko sa gallery.

"Ang saya pa namin noon." Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan yung mga pictures namin ni Trex.

Diko ito denelete dahil marunong pa naman akong magpahalaga sa memories.

"Malalim ata ang iniisip mo Miss baby." Sabi nito sakin habang nilalagay sa lamesa ang in-order nito. Tinago ko naman agad ang cellphone ko.

"Wala. Tara kumain na tayo."

Pagkatapos naming kumain. Dina ako pumayag na ihatid na ako nito sa room dahil alam kong may klase na ito.

"Nyce! Kwento ka naman about yourself." Excited na sabi sakin ni Collin.

"For what?." Walang ganang tanong ko rito. Ewan ko ba pero wala ako sa mood ngayon.

"Syempre. Magkaibigan na tayo pero wala pa akong alam sayo kundi yung pangalan mo at ilang taon ka." Paliwanag nito sakin.

"Ay. Mag kaibigan pala tayo. Di ako nainform." Walang ganang sagot ko rito.

At parang biglang nagbago ang aura nito at lumungkot ang mukha. Akmang aalis na ito nang pigilan ko siya.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Coling. May kwento ako about sa mag bestfriend." Sabi ko rito habang nakatitig sa kung saan.

"Childhood bestfriend sila. Magkasama sila sa lahat. Saya, tawa, lungkot, takot, iyak at ano ano pa ang napagsamahan nila. Kambal nga daw ang dalawa dahil laging magkasama. Maraming memories ang ginawa at pinagsamahan nila. Hanggang sa nagkaboyfriend ang isa sa kanila di naman nito napabayaan o nakakalimutan ang kaibigan niya kahit may boyfriend siya. Madalas panga eh kasama ito sa mga lakad at dates ng mga ito dahil kailangan pa raw nila ng chaperone." Bahagya akong napatawa. "Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahuli ng kaibigan niya na ang kanyang boyfriend at bestfriend ay naghahalikan. Ang sakit nito para sakanya dahil kung iisipin mo mas may tiwala pa siya sa bestfriend niya kaysa sa sarili niya. Kapatid na nga ang turing nito sakanya pero anong ginawa ng dalawa?! Sinaktan at sinira lang nila ang tiwala niya. Kaya ngayon hirap na siyang magtiwala sa isang tao. Mas pinili niyang sirain ang pagkakaibigan nila para sa isang lalaki." Pagtatapos ko saaking kwento.

"Eh hindi naman ako ganun eh. Hindi porket sinaktan ka ng isa. Eh ilalahat mo na." Seryosong sabi ni Collin.

Bigla naman akong napatingin sakanya. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyan kay Collin.

*Ehem

"Sino yan girl? Mukhang iba yan ah." Sabi nito na parang nakikichismis. Bumalik na agad sa katinuan.

"Hahaha wala. Chismosa ka." Sabi ko rito sabay irap.

"K fine. FYI magkaibigan na tayo simula pa nung una kitang nakilala." Pagmamalaki nito sakin habang nakataas ang isang kilay.

Tumango at ngumiti nalang ako. Siguro tama siya hindi lahat ng tao sasaktan ako. At nakikita ko namang mabuting kaibigan siya kaya susubukan ko ulit na magtiwala.

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon