SIY 6

170 5 0
                                    

Trex POV

"Tama na yan pre." Pag awat sakin ni Kyle sa pag inom. Nandito kami ngayon sa condo namin ng tropa at nag iinuman ni Kyle.

"Kaya ko pa. Di nga ako nalalasing eh." Sagot ko sakanya sabay lagok ng alak.

Nakailang bote na ako pero di parin ako tinatamaan.

"Bakit parang ang daya pre?!. Nasasaktan rin naman ako ah. Bat di nalang ako bigyan ng chance?!." Diko na mapigilan. Kahit lalaki kami nagdadrama rin kami. Umiiyak rin kami.

"Tanggapin mo nalang pre. Ayaw mo namang nasasaktan siya diba? Just try to let go." Payo sakin ni Kyle.

"Ang hirap ang hirap. Mahal na mahal ko yung tao." Sabay inom ng alak.

Dina nagsalita si Nate at uminom nalang siya. Alam ko naman yan. Di siya marunong sa ganyan. Sa tropa namin. Ako lang ang natitiis niyang pakinggan ng mga drama.

"Man uwi na ako. Nagtext si yaya umuwi daw si Dad. Tama na yan. Magpahinga kana. We saw how broken you are when she left and ayokong maulit yun. I don't want you to look fuck again man kaya just please umayos ka." Sabi ni Kyle na may seryosong mukha at lumabas na siya ng pinto.

Nakatulala lang ako habang umiinom. Kinuha ko yung gitara sa gilid ng sofa at tinugtug ko ito.

Nothing- The Script

And my mate are all there try to calm me down
Cause I'm shouting your name all over town
I'm swear if I go there now
I can change her mind, turn it all around

I know that I'm drunk but I'll say the words
And she'll listen this time even though they're slurred
So, I dialed her number and confess to her
I'm still inlove but all I heard was nothing.. She said nothing

Lagi kong kinakantahan dati si Nyce. At sabi niya dahil rin sa narinig niya ang boses ko kaya siya nainlove sakin.

I remember the first day we've met.

-Reminiscences-

School festival ngayon. At tutugtug ang banda naming "The Serenade." Mamaya sa gym. At ngayon rehearsal namin sa rooftop.

Naglalakad ako papuntang rooftop. Nang may kumalabog sa janitors room. Kaya nagtaka ako at lumapit doon.

"Help! Nilock nila ako dito." Sigaw ng isang babae habang kinakatok ng malakas ang pintuan.

"Hey miss?." Sabi ko habang kinakatok ang pintuan.

"Is somebody out there? Please help me. Please." Pagmamakaawa ng babae at mukhang maiiyak na.

"Yes. Anong help ang gusto mo miss?." Pagbibiro ko sakanya.

"Gago kaba?! Common sense naman. Di i-unlock mo tong pinto." Inis na sagot niya.

"Gago pala ako eh. Sige alis nako ingat ka dyan." Sabi ko habang nakangiti. I love teasing someone.

"Wait wait! Help me please. Sorry sa nasabi ko. Kung sino ka man ang bait bait mo po at gwapo gwapo mo pa. Sige na tulungan mo na ako." Pangbobola niya saakin kaya bigla akong napangiti.

"Okay wait. I'll unlock it." Tas in-unlock yung pinto. At bumungad sakin ang isang babaeng pawis na pawis at may namumuong luha sa mata. Bigla niya akong niyakap.

"Oppss! Miss i can't breathe." Sabi ko sakanya dahil sobrang higpit ng yakap niya at sa gulat ko narin.

Bigla naman niyang tinanggal ang pagkakayakap niya sakin at yumuko. "Oh I'm sorry. I'm just scared. Kanina pa ako nandyan sa loob mga 3 hours na at akala ko walang tutulong sakin."

WTF! 3 hours?! Mga 20 minutes nga lang dyan sa janitors room. Diko na matagalan 3 hours pa kaya. Hays!

"Are you okay? Bat kaba napunta dyan?!." Nagtatakang tanong ko.

"Kinulong ako dyan ng mga kaibigan ni Martha. Wala naman akong ginawa sakanila para guluhin nila ako." Malungkot na sabi niya.

"So you get bullied?." Nagaalalang tanong ko. Tumango siya at tumingala upang makita ko ang mukha niya.

*Dug dug dug dug

Shit! Ang ganda niya pala. Her bright eyes, her nose ang tangos and her lips pinkish and thin. Di nabawasan ng pawis ang kagandahan niya. Halatang mainit sa loob kasi namumula ang mukha niya at pawis na pawis.  Ang gulo gulo rin ng buhok niya parang sinabunutan na nakapony tail pero Ang cute niya!

"Uyy! Anong pangalan mo kako?." Nagising ako dahil sa pagtapik niya sa balikat ko.

Hayyy! Trex nakakahiya. Unang beses mong matulala sa babae.

"Ah? Ano? Landon.. Landon Trex ang pangalan ko. Ikaw ba?." Biglang lumalaki yung mata

"OMG! Ikaw yung anak ng may ari ng school?!." Gulat na tanong niya. Tumango nalang ako. Di niya ako kilala? Bago ata siya dito.

"Martha? Hmm. Her name sounds familiar." Nag iisip na sabi ko.

Siya ata yung gumawa ng fans club ng The Serenade. Tss! Pangit pala ugali nun.

"Kilala mo yun?." Tanong niya sakin.

"Lagi kaba niyang binubully?."

"Oo. Binubuhusan panga ako ng tubig nun tas pinupunit yung mga books ko. Ayoko namang bumawi kasi magiging masama rin ako katulad niya." Pagpapaliwanag niya sakin.

Nakaramdam ako ng inis at pag alala sa nalaman ko.

Ang isang angel na tulad niya ay dapat di sinasaktan.

And I found myself walking towards President's office. At alam kong nakasunod siya sakin

"Uy Trex! Saan ka pupunta? Parang diretso ito sa office ah. Ano gagawin mo?." Sabi niya habang hinahabol niya ako.

"The president won't tolerate bullying in this institution. Kailangan ng babaeng yun na mapurasahan sa mga ginawa niya sayo." Naiinis na sabi ko sakanya.

"Wait! What? Wag na baka lumala pa ito." Sagot niya

"Anong wag na? Pag di ito napigilan lagi niyang guguluhin ang araw mo at ayaw kong mangyari yun." Sagot ko sakanya at ito namang itinulala niya.

"Magpalit ka nang damit at maghilamos dahil pawis na pawis ka at mukhang dika pa kumakain. Kumain ka muna. See you later miss." Sabi ko sakanya at tuluyan nakong naglakad papuntang office.

Nang matapos kong kausapin ang President agad agad akong umakyat sa rooftop dahil late nako sa rehearsal namin.

"Hey Trex. You're late." Sabi ni Nate habang nakaupo sa harap ng organ. Siya ang pianist namin.

"Hey man." Bati sakin ni Nigel na lead guitarist ng grupo.

"Yow." Bati rin sakin ni Kyle na drummer namin.

"Sorry late ako. Dumaan pa ako sa office ni President." Pagpapaliwanag ko "and I met a pretty girl." Dagdag ko.

"Yan nanaman ang kaladian mo man. Tas pagsasawaan mo ulit." Sabi ni Nate.

"No she's different. Mukhang natamaan ako sakanya." Nakangiti ako habang sinasabi ko yun.

"I'll make her mine." Dagdag ko

"Paano naman? Sabagay sino ba namang hihindi sa kagwapuhan natin." Sabi ni kyle sabay tawa silang tatlo.

"I have my ways." I smirk at ipinakita sakanila ang nakuha ko kay pretty baby.

"Ibalik mo agad sakanya yan man. Baka di siya papasokin ng school." Sabi ni Nigel. Nagsalita na ang good student. Hays!

Tas nag practice na kami. Nung dumating ang hapon ay nagset na kami sa stage dahil maya maya lang ay mag uumpisa na ang show. Unti unti naring dumadami ang tao sa gym.

-------------------------------

The reminiscence continue on next chapter :*

Still Into You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon