Natulala ako't tila ba natuod sa kinatatayuan ko. Sumabay pa ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Heto na naman ang katawan kong sumasalungat sa mga dapat kong i-akto. Imbes na tumakbo at maghanap ng saklolo ay tinitigan ko lang ang manyak na 'to.
Nang akma siyang lalapit ay kusang humakbang paatras ang mga paa ko. Para 'kong nawalan ng boses dahil sa biglang paglitaw niya.
Mukha namang napansin niya ang ginawa ko kaya't napahinga siyang malalim, "Batid ko ang iyong poot dahil sa aking kapangahasan, ngunit nais lamang kitang makausap. Ipinapangako kong hindi ako gagawa ng ikasasama mo, Señorita Ara."
Kusang nanginig ng bahagy ang katawan ko dahil sa kilabot. Ayan na naman 'yang Señorita Ara na 'yan!
"Si-sino ka ba talaga?! Ano bang kelangan mo sakin?!" hinawakan ko ng mahigpit ang leash ni Patchi na nakakapagtakang hindi man lang tinatahulan ang lalaki sa harap namin.
"Marami akong katanungang gumugulo sa aking isip, isa na doon ay kung paano ako napadpad dito." seryosong sagot nito.
Kumunot ang noo ko. Wala akong naintindihan sa sinabi niya. "Excuse me lang ha? Nasa Barangay Santa Nordes ka. At kung hindi mo pa alam, eh, pinablatter kita nung isang araw kaya sa oras na may makakita sayong tanod huhulihin ka ng mga 'yon!"
Ito naman ngayon ang mukhang naguluhan sa mga sinabi ko.
"Blater?"
"Oo blatter! Dadalhin ka nila sa munisipyo at doon ka ikukulong."
"Ikukulong? Bakit nila ako ikukulong?"
Aba't! Wala bang common sense 'tong lalaking 'to? Hindi niya ba alam na hinarass niya 'ko? Ang tapang na nga niya ng lagay na 'to dahil nagawa niya pang makipag-face-to-face sakin ngayon.
"Alam mo? Mas magandang sumama ka sakin at dadalhin kita sa barangay hall para malaman mo kung bakit ka nila ikukulong."
Humakbang ako palapit dito at akmang hihilahin na ang braso niya nang bigla siyang magsalita, "Kailangan ko lang naman ng kasagutan, Binibini. Maari lamang ay makapagpaliwanag ako kahit papaano. Hindi ko ninais matulad sa kinahinatnan ng ama ko." sabi nito habang malungkot na nakatingin sa mga mata ko.
Na-guilty ako habang pinagmamasdang binabalot ng lungkot ang asul niyang mga mata. Makikita mong seryoso at walang halong kasinungalingan ang expression ng mga 'to.
Matagal din kaming hindi nag-imikan at tumitig lang sa isa't isa bago niya binawi ang tingin niya para yumuko.
"Kung hindi ka pa rin handang pakinggan ako ay naiintindihan ko naman," binalik nito ang tingin sakin at bahagyang ngumiti bago nagpatuloy, "Sana sa ating susunod na pagkikita'y handa ka nang makinig sa mga sasabihin ko."
Sa huli'y pinanood ko na naman siyang mawala sa paningin ko. Imbes na isuplong ko siya sa batas ay hinayaan ko na naman siyang makaalis.
Sino ba talaga ang lalaking 'yon at bakit paulit-ulit siyang lumalapit sakin?
Nang makabalik ako sa bahay ay naabutan kong nakaharap ang tatlo sa TV. Pabagsak akong umupo sa tabi ni Alex. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang sabay-sabay nilang pagtingin sakin.
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...