Unedited *peace*
-
Umaga, at kasalukuyan kong inaalo si Alexis sa sala. Thirty minutes ago kasi ay biglang dumating ang Daddy niya na ngayon ay kausap ni Tita sa labas.
Hindi naman umiiyak si Alex, pero ramdam kong bahagya siyang nangangatog. Malalalim din ang pinapakawalan niyang hininga kaya mas lumapit ako sa kanya. Hindi ako nagsalita at pinagpatuloy lang ang pahagod sa kanyang likod.
Tahimik lang ding nakaupo si Jem. Bahagyang nakayuko pero sumusulyap-sulyap para tignan ang girlfriend niya. Sa tabi niyang upuan ay tahimik na nakaupo lang din si Vicente.
Sa totoo lang natatakot din ako. Alam kong disappointed din sa'kin si Tito Leonard nang makita niya ako kanina. Hindi nga ako makatingin ng deretso dahil halatang galit na galit at nagtitimpi lang. Kung hindi siguro nito napigilan ang sarili at baka nasuntok pa si Jem.
"Huwag kang mag-alala Ginoong Jem, marahil isa lamang itong pagsubok ng langit. Nasisiguro kong malalampasan n'yo rin ito."
Napatingin kaming tatlo nang magsalita si Vicente. Bahagya siyang nakangiti na tila ba pinapagaan ang loob ni Jem kaya gumanti lang din ng ngiti ang huli, "Thank you."
Ilang sandali pa'y pumasok na si Tita Alicia. Hinintay ko pang sumunod papasok sa kanya si Tito, pero wala.
"Si Daddy?" Tanong ni Alex.
"Umuwi na." Sagot ni Tita, nadinig ko pang nag-tsk ito.
"Without seeing me? Galit na ba talaga siya sa'kin?" Nagulat ako nang biglang umiyak si Alexis. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, buti na lang at napansin ni Tita kaya nag-excuse at pumagitna siya sa aming dalawa.
"Ang sabi niya he's frustrated to himself dahil hindi ka niya nabantayan ng maayos. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng Daddy mo at ipapadala ka sa ibang bansa dahil dito," Pagkasabi no'n ni Tita ay bumaling siya kay Jem, "Pero hindi ko ibig sabihin na tama ang ginawa n'yo, okay?"
"Bakit hindi siya nagpakita bago umalis?"
"You know how prideful your father is, at siguradong takot iyon dahil alam niyang nagalit ka." Hinalikan ni Tita sa ulo si Alex habang patuloy pa ring hinahagod ang kaliwang braso nito, "Ang sabi niya bantayan kita hanggang ready ka nang umuwi sa kanya."
"Hindi niya na ba 'ko ipapatapon sa ibang bansa?"
"Huh! Subukan niya, takot lang niya sa'kin."
Pare-pareho kaming natawa. Ultimo halakhak ni Vicente ay nadinig ko. First time 'to dahil kadalasan ay nakangiti lang siya o 'di kaya'y gulat ang palagi mong makikitang nakapaskil sa mukha niya.
"Dito muna kayo at maghahain na 'ko. Hindi pa tayo nag-aagahan sumusugod na 'yang tatay mo," Tumayo na si Tita saka lumapit sa kinauupuan ni Jem. Kinalabit nito ang huli, "Tulungan mo nga 'ko, Jeremy."
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Novela Juvenil𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...