Ang malakas na pagkabog ng puso ko ay unti-unting bumaba patungo sa tiyan ko. Para bang biglang nasira ito't umikot na lang bigla.
Nakailang lunok na yata ako dahil sa kabang biglang bumalot sakin.
"Francis, hijo, mabuti't nakarating ka agad." bati ni Kap. sa lalaki.
Kung ganon Francis pala ang pangalan ng lalaki sa bus.
Hindi ko akalaing magkikita kami ulit. Although, nag-expect din naman ako dahil nga madadaanan niya ang bayan namin sa tuwing luluwas siya.
Nakita kong tumango si Francis bago bumaling ang tingin sa akin. Bahagya pa ngang nanlaki ang mata nito, tanda siguro na naaalala niya din ako kahapon.
"Good afternoon, Kap. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" tanong nito sa kapitan na ngayo'y nakatayo na.
"Syempre gaya pa din ng dati, hijo," wika nito na nakapagpatawa sa kanilang dalawa.
Agad sinabi ni Kap. Roger ang statement na sinabi ko kanina, "Siguradong mahuhuli namin yan kapag ikaw ang gumuhit."
Umiling-iling si Francis. Kung ganon ay matagal na pala niya 'tong ginagawa para kay Kap.
Lumapit ito sa lamesa ni Kap at kumuha ng isang pirasong bond paper at lapis, "Hindi ho ba nakuhanan ng CCTV?"
"Aba'y 'yon nga ang ipinagtataka ko. Bigla na lamang nagkaproblema ang dalawang CCTV camera na abot sana sa may gate ng bahay nila."
Tumango-tango ang binata saka bumaling sa akin. Para naman akong natuod ng tumama na sakin ang tingin niya. Crush ko na ba talaga siya?!
"Pwede ba kitang ayain sa kabilang lamesa?" tanong nito sakin.
Hindi ako agad nakasagot. Bagkus inuna kong pagmasdan ang medyo singkit niyang mata pababa sa matangos nyang ilong pababa sa manipis niyang labi. Tipikal na "gwapo" ika nga nila.
"Anak, kinakausap ka ni Francis." sabi ni Mama na may kasama pang tapik sa kaliwang balikat ko.
Napakurap ako ng ilang beses kaya tumango dito. Ngumiti ito at ipinaghila pa ko ng upuan. Hindi ko gusto 'yong mga ganitong galawan. Parang wala lang sa kanya pero grabe 'yong impact sa mga babaeng kagaya ko!
"Good morning po Misis?"
"Rodriguez, hijo."
"Mi--
"Ara po."
Nanlaki ang mata ko nang mag-angat ng tingin si Francis. Nakita ko pang nangiti ito. Hindi naman halatang nagmamadali akong malaman niya pangalan ko, no? Nakakahiya.
Mukhang wala namang nakapansin sa mga kasama namin kaya isinawalang-bahala ko na lang.
Agad nag-umpisa sa pagtatanong si Francis tungkol sa itsura ng nanloob sa bahay namin, "Tingin mo ba ganito ang shape ng mata niya, Miss Ara?"
"Ara na lang po," sagot ko. Mukha naman kasing mas matanda siya sakin ng mga dalawa hanggang tatlong taon, at hindi ako sanay ng ganon ka-formal, "Opo, ganyan po. Bilugan at maaliwalas siya kung tumingin. Actually maganda nga po mata niya."
Isa 'yon sa napansin ko kanina. Ang sarap titigan ng mata 'nong manyakis. Para bang hinihigop ka sa isang payapang mundo. Sayang nga lang ang at mukhang sinasayang niya ang gandang-lalaki niya sa paggawa ng masama.
Napansin kong nakatitig sakin sila Mama at Francis. Pati rin si Kap. na nakaupo sa swivel chair niya ay nakatingin na din sakin ngayon.
"Bakit po?" tanong ko sa mga 'to.
Si Francis ang sumagot sa pamamagitan ng pag-iling habang nakangisi na naman. Ano bang sinabi ko?
May mga binura at iginuhit ulit si Francis. Mas gwapo pala siya kapag seryoso't may ginagawa. Dagdag pogi points pa ang skills niya sa drawing.
![](https://img.wattpad.com/cover/206122725-288-k10666.jpg)
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Fiksi Remaja𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...