Akala ko Chapter 19 ang dedication ko (from you 💜) sa mga Lee's, chapter 15 pala huhu. Anyways, love you always! Miss ko na po mga pangmalakasang updates mo.
-
Matagal akong tumitig sa gate ng bahay ni Ka Lucing. Pumasok agad sa isip ko ang sinabi nito sa'kin kanina. Posible kayang may alam talaga siya tungkol kay Vicente?
"Ayos ka lamang ba, Señorita?"
Bumalik ako sa wisyo nang biglang magsalita ang kasama ko. Paglingon ko sa kanya ay inosente itong nakatingin sa'kin.
"Ki-kilala mo si Ka Lucing?"
Kumunot ang noo nito at umiling, "Lucelia ang pangalan ng ginang na may-ari ng bahay na tinutuluyan ko."
"Lucelia?"
Ngumiti ito bago tumango, "Kay gandang pangalan, hindi ba? Kagaya ng iyong ngalan, Señorita Ara."
Hindi ako aware na mabulaklak pala ang bibig ng lumang taong 'to. Kung lalaki galing sa panahong 'to ang magsabi sa'kin ng gano'n ay baka mangiwi lang ako. Iba pala talaga ang dating ng mga binata noon.
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at mabilis na uminom. Ayokong mapansin niyang namula ko dahil lang sa sinabi niya. Feeling ko tuloy ang easy to get ko. Pakiramdam ko kasi ganito din ako kay Francis.
Speaking of Francis, wala pa siyang chat ngayong araw na 'to. Though, hindi naman niya responsibility, nasanay lang akong tuwing umaga may mababasa agad na greetings mula sa kanya. Siguro busy sa hardware nila. Ako na lang ang unang mag-a-approach mamaya. Maiba naman, hindi 'yong puro na lang siya.
Ilang minuto ang lumipas ay halos masamid ako sa iniinom ko nang may biglang dumantay na kamay sa kanang balikat ko.
"Lucelia!"
Hinding-hindi na talaga 'ko iinom ng kahit ano sa harap ng kahit sinong lalaki. Palagi na lang mumuntikan ko silang mabugahan dahil sa gulat!
Nakita kong nakangiti si Vicente habang nakatingin sa likuran ko. Unti-unti ko ding liningon ang may-ari ng kamay na dumantay sa balikat ko, "Ka Lucing."
Walang emosyon itong nakatingin sa'kin. Ni hindi niya tinatapunan ng tingin ang masayang pagtawag sa kanya ni Vicente.
"Maaari ba kitang imbitahan sa bahay, Ara?"
May sira na yata talaga 'ko sa isip dahil sumama 'ko sa dalawang 'to. Wala naman siguro silang gagawing masama sa'kin, lalo na si Ka Lucing dahil matagal niya ding naging ka-bario ang pamilya ng lolo ko.
Napagpasyahan kong tanggapin ang anyaya ni Ka Lucing dahil gusto kong maliwanagan sa mga nangyayari. Kung paano napunta dito si Vicente at kung bakit parang bigla na lang siyang nakalimutan ng lahat.
Sobrang dami ko na yatang iniisip kaya hindi ko namalayang nakarating na kami.
"Pasok ka, hija." Pag-aya sa'kin ng matanda. Si Vicente naman ang nagbukas ng gate at nagsara nang makapasok na kaming tatlo.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. Mas malaki 'to kumpara sa bakuran ng bahay namin, pero mas maliit sa bakuran ng bahay nila Francis. Hitik na hitik sa bunga ang mga puno ng mangga sa magkabilang dulo ng bakuran. Puno din ng iba't ibang klase ng halaman ang paligid nito. Halatang alagang-alaga.
"Maari kang lumibot mamaya paglabas mo." sabi ni Ka Lucing. Napansin niya sigurong hindi magkamayaw sa paglingon ang ulo ko habang naglalakad kami.
Nahihiyang ngumiti ako dito at tumango. Nakita kong umuna sa paglalakad sa'min si Vicente para alalayan sa pag-akyat si Ka Lucing. May dalawang baitang ng hagdan kasi ang aakyatin bago makarating sa maindoor.
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...