Binalot kami ng katahimikan kahit pa isang malaking pasabog ang nakumpirma ko tungkol sa katauhan ni Vicente.
Kung ganoo'y totoo nga, pinili ni Dr. Jose Rizal na ilayo at ilihim sa lahat na buhay ang nag-iisa niyang anak. Pero bakit? Ayon sa mga nabasa ko ay excited pa nga daw si Rizal kaya pabirong ginulat si Josephine Bracken na naging sanhi ng maagang panganganak nito.
"Pero bakit sabi sa mga libro namatay ang anak ni Rizal at Josephine? At bakit hindi Francisco Rizal ang pangaln ni Vicente? Bakit ibang tao ang kinilala niyang magulang?" sunod-sunod kong tanong dito.
Umayos ng upo ang matanda bago kumurap ng mariin, "Hindi akl ang makakasagot niyan, hija. Tungkol lamang sa pluma at bibliya ang maaari kong sabihin sayo."
Tumingin ako kay Vicente. Siguro'y kailangan naming mag-usap ulit. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang totoong dahilan ng totoong tatay niya.
Kumurap ako ng tatlong beses bago muling nagtanong, "Ano pong kaugnayan ng pluma at bibliya kay Vicente?"
Sumandal sa tumba-tumba si Ka Lucing bago sumagot, "Bakit hindi mo sa kanya itanong? Ito na siguro ang pagkakataon upang makapag-usap kayo ng masinsinan."
Nang lingunin ko si Vicente ay baghagya akong nagulat nang nakatingin na pala ito sa'kin. Agad nag-init ang pisngi ko sa 'di malamang dahilan. Bwisit 'tong lalaking 'to! Kanina pa ba siya nakatingin?
Narinig kong mahinang tumatawa si Ka Lucing na nakatayo na, "Kakaiba talaga ang lahi ni Marcelina. Hanggang ngayo'y nangangamatis ang mukha mo dahil sa hiya."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Ako ba ang tinutukoy niyang nangangamatis? Gano'n na ba kapula ang mukha ko? Shocks!
Nakumpirma kong hindi ako ang tinutukoy ni Ka Lucing nang palihim kong lingunin si Vicente. Hindi na 'to nakatingin sa'kin pero sobrang pula ng magkabilang tenga niya. Olive skin siya kaya kitang kita ko pa ding namumula pati mga pisngi niya.
Bakit siya ang namumula? Siya nga 'tong tumititig!
"Ah, Ka Lucing, last na po," Natigil ang ambang pagtayo nito nang nagsalita ko, "Natatandaan niyo pa po 'yong una niyo kaming nakita? Sa may.. gate?"
Saglit natigilan ang matanda bago dahan-dahang tumango, "Pasensya na, Ara, kung kinailangan kong magsinungaling. Ngunit kailangan kong protektahan si Vicente lalo pa't hindi ito ang totoong panahon niya."
Naiintindihan ko na. Walang pagkakakilanlan sa panahong 'to si Vicente, mas lalo siyang mapapahamak kung iimbestigahan siya. Buti na lang pala si Ka Lucing ang nakakita sa'min noon.
Kung alam ni Ka Lucing ang tungkol sa pluma at bibliya, baka alam niya din kung bakit bigla na lang nawala ang ala-ala ng lahat tungkol kay Vicente.
"May alam po ba kayo kung bakit parang nakalimutan bigla ng lahat ang tungkol kay Vicente? Ultimo po sila Kap. Roger walang matandaan sa pagsugod ko no'n sa barangay," Bumungtong-hininga ako bago tumingin dito, "Pero tayo pong dalawa, naaalala pa din natin siya."
Natigilan ito. Napansin kong mabilis na iniwas nito ang tingin sa'kin bago umiling, "Wala akong ideya, hija. Pasensya na."
Napansin ko ang biglang pagkabalisa niya. Ayoko mang maghinala dahil nakatulong din naman sa'kin ang mga paliwanag niya, pero pilit nagsusumiksik sa utak kong may hindi pa siya sinasabi.
"May itatanong ka pa ba, Ara?" tanong nito.
Tumingin ako ng deretso sa mga mata nito, huminga ng malalim bago nagtanong, "Pa-paano niyo po nalaman ang lahat ng 'to?"
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Teen Fiction𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...